Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter 6

"Keila naman eh, wag ka namang iyak ng iyak dyan!", sabi ni Mijoy.

"Parang kami pa yung nasasaktan para sayo eh!", dagdag pa ni Marie.

Nasa sala lang kami and sila Mijoy nasa magkabilang gilid ko and si Thresh nasa likod ko.

Hindi ko akalain na pupunta sya dito para lang mag eskandalo. "Gamutin nyo na muna si Thresh, punta lang akong kwarto.", sabi ko at iniwan na sila para pumunta na akong kwarto.

Habang papunta akong kwarto hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko talaga alam.

Natulog na lang muna ako imbis na umiyak nanaman ako. Sawang-sawa na ako umiyak.

Nakapikit pa ako pero ramdam kong may umupo sa kama ko, may humaplos ng buhok ko.

"Kei-kei ko, miss na miss na kita.", si Kai.

"Miss na miss na miss na, balik ka na sa akin Kei. I'm sorry if I cheated on you but I promise na hindi ko na uulitin yun. Keila, wala ng kami nung babae na yun kaya please? Balik ka na sa akin Kei. ", sabi nya at may tumulong luha sa right cheek ko.

"Keila, kung babalik ka man sa akin puntahan mo lang ako sa bahay ha then hug me tight. I need to go, I love you Kei.", then he kissed me on my forehead.

Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan which means umalis na si Kai.

I miss you more Kai-kai,

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at sakto namang pagpasok ni Thresh.

"Oh Keila, kakaalis lang ni Lucian.", sabi nya sa akin.

"Huh?", nag patay malisya ako.

"Pumunta sya dito kanina, kalmado na hindi katulad nung kanina na sinapak nya ako hahaha!", sabi nya kaya natawa kami pareho.

Tumango tango na lang ako kahit alam ko naman na.

"Anong oras na ba?", tanong ko kay Thresh.

"It's already 7pm na, kanina ka pa natutulog.", sabi nya kaya nag init yung cheeks ko.

"Gusto mo na ba umuwi?", tanong ko kay Thresh.

"Mamaya na lang siguro. And by the way, sinama na ni Lucian si Marie sa pag uwi nya. Hindi na nakapagpaalam sayo kasi nga tulog ka.",

"Dito ka na lang kaya matulog?", sabi ko kaya nagulat sya at tumawa.

"Baliw babae kayo tapos ako lang lalaki? Uuwi na din ako mamaya. Tara na sa baba, kain na tayo.", sabi nya kaya tumango ako.

Nag ayos muna ako ng sarili ko kaya natagalan ako bumaba.

"Ang tagal mo naman sis!", puna sa akin ni Mijoy sabay tawa.

"Hahaha nag ayos pa kasi ako ng mukha ko. Tara na kain na tayo, gutom na gutom na din ako.", sabi ko sa kanila kaya nagsimula na kami kumain.

Sinigang and Chicken Curry ang ulam at hindi ko naman alam na marunong palang magluto si Mijoy ng Sinigang.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "Mijoy, marunong ka palang magluto ng Sinigang?", tanong ko sa kanya at nabulunan bigla si Thresh na katabi ko.

Inabutan ko kaagad sya ng tubig. "Hahaha baliw ka sis, hindi ako nagluto ng Sinigang. Si Thresh ang nagluto.", sabi nya kaya napa wow ako at tumingin kay Thresh na nagpupunas ng bibig nya.

Ako na lang ang natitirang kumain at si Mijoy ay busy sa phone nya same as Thresh. Sinabi sa akin ni Mijoy na matutulog na daw sya kasi may pupuntahan daw sila ni Marie bukas.

Desperate for LoveWhere stories live. Discover now