Chapter 10
Mijoy's POV
Naalimpungatan ako dahil may tumatawag sa akin, it's already 4am in the morning tapos may tumatawag sa akin? Kaloka sis.
Tinignan ko yung phone ko and si Thresh ang tumatawag sa akin, baka important thing kaya sinagot ko na agad.
"Hello Thresh? Inaabala mo ang mahimbing kong pagtulog ha, kaloka ka!", Sabi ko sa kanya kaya natawa sya, maski ako naman natuwa sa kagagahan ko hahaha.
"Hello Mijoy! Good morning! Sorry sa abala, si Keila kasi nandito ulit sa condo ko.", pagkasabing pagkasabi nya nun nagulat ako like wow hahaha charot.
"Bakit? May problema nanaman ba yang bruha na yan?", sabi ko pero nag aalala na ako sa totoo lang.
"Meron pero hahayaan kong sya magsabi sayo kasi baka magalit yun eh, can you come here ba para pag gising nya susunduin mo na lang?", sabi nya kaya umoo agad ako.
Jusme, yung babae talaga na yun ang malas malas.
Naligo na agad ako and hindi na ako kumain kasi kila Thresh ako kakain mwehehehe.
Kinuha ko yung susi ng condo, wallet ko, and yung phone ko tapos pumunta na akong parking.
At piste na yan, traffic pa. Nakakaloka sis!
Dumating din ako sa condo nila Thresh at naabutan ko si Keila na mahimbing na natutulog.
Hinaplos ko yung buhok nya, haaays bakit ba kasi ang malas mo? Kaloka ka hahahaha.
"Thresh, ano ba kasi nangyari? Bakit namamaga sobra yung mata nito?", tanong ko kay Thresh habang hinahaplos ko yung buhok ni Kei.
"Baka kasi magalit sya sa akin pag sinabi ko.", sabi nya kaya natawa ako. "Oh bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?", sabi nya kaya mas lalo akong natawa at sya naman nakakunot ang noo.
"Ayan? Magagalit? Eh diba nung nakaraan nga sinabi mo sa akin nagalit ba to?", tinutukoy ko si Keila.
"Hindi.", sabi nya.
"Yun naman pala eh, edi sabihin mo na baliw ka din eh!"
"Mas baliw ka..", sabi nya kaya natawa na lang ako.
Lumabas kami sa guess room dahil dun natutulog si Keila.
Habang nakaupo ako sa couch ni Thresh, kumalam bigla sikmura ko kaya pumunta ako sa refrigerator nya at tumingin ng pagkain na pwedeng kainin. Pakapalan na ng mukha to sis hahahaha.
"Luto lang ako Thresh ha? Hindi pa kasi ako kumakain eh, lutuan ko na din kayo ni Keila para mamaya hindi na magluto.", sabi ko sa kanya at tumango na lang sya bilang sagot nya.
Nakakita ako ng bacon, hotdogs, and tocino sa refrigerator nya kaya ayun lulutuin ko. Saktong paborito naman ni Keila ang tocino and bacon and ako? Hotdog beke nemen hahahaha charot!
Nag saing muna ako sa rice cooker ni Thresh 4 na cup.para sure na kasi... Matakaw si Keila, wag nyo sasabihin ha?
"Thresh pabantay na lang ng sinaing ha? Lulutuin ko na tong Tocino.", sabi ko kay Thresh na nakaupo lang sa couch at nanonood.
Buti na lang at dalawa yung frying pan nya kaya naluto ko agad yung bacon tsaka yung hotdog tapos nag fried rice na lang ako.
Sinabi ko kay Thresh na gisingin na nya si Keila kasi kakain na, anong oras na din kasi.
Keila's POV
Kanina pa talaga ako gising, naririnig ko na din na nagluluto si Thresh.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?