Chapter 15Lucian's POV
Nagulat ako sa inasta ni Marie kanina kaya ngayon badtrip na badtrip ako.
"Ah babe? I mean Kai-kai pwe----"
"Stop calling me Kai-kai, will you?", pigil ko sa sasabihin nya. Si Keila lang ang pwedeng tumawag sa akin nun.
"Okaaay? Samahan mo naman ako sa bar mamaya! Tutal suitor naman kita kaya samahan mo ako!", sabi nya kaya lalo lang akong nainis.
Nagtataka kayo kung bakit manliligaw nya ako? It is because of my dad, business partner nya daw yung Dad neto ni Jen kaya no choice ako. Bullshit.
Tumango na lang ako as a respond. Tae namimiss ko na si Keila ko! I really damn missed her so much!
Nasa SB lang kami ngayon at may kausap si Jen sa phone nya kaya kinuha ko na din phone ko.
Tin-ry kong tawagan si Keila, aasa akong baka sakaling sagutin nya.
"K-keila?"
"Hmm?", boses ni Thresh kaya biglang napayukom yung mga kamao ko.
"Magkasama kayo ni Keila?", tanong ko.
"Oo, actually katabi ko sya. Bakit?"
"Can I talk to her?", I asked.
"Natutulog sya eh, pagod.", sabi nya kaya mas lalo akong nanggigil.
"Bakit sya napagod?"
"Kasi nag----" "T-thresh? Sino kausap mo? Tulog na tayo! Nakakapagod yung ginawa natin kanina eh."
What the heck! Ano yung ginawa nila kanina?! Bullshit naman!
Pinatay ko na lang yung tawag dahil sa narinig ko. May ginawa sila?! Ano yon?! Mababaliw ata ako.
"Tara na Kai, punta na tayo sa Bar.", sabi ni Jen kaya tumango na lang ako.
Habang nag da drive ako...
Lucian please? Go home.
"Fuck!", napahampas ako sa manibela kaya hinawakan ako ni Jen sa balikat ko.
"Okay ka lang ba Lucian? Wag na lang kaya tayo tumuloy?", sabi nya kaya nginitian ko na lang sya, a fake one.
Pagkarating na pagkarating namin sa bar pumasok agad si Jen, hindi man lang ako hinintay. This girl.
"Hey Lucian! Over here!", pagtawag sa akin ni Jen kaya pumunta na agad ako kung saan sya nakaupo. Sila pala to be exact.
"Oh my god sissy! Sya ba yung new suitor mo?"
"He's so handsome naman!"
"He's cute also!"
Tss, kay Keila lang ako mga b*tch.
"Hey girls! Calm down.", sabi ni Jen sa kanila at tumingin sya sa akin. "Hey Kai sila nga pala yung mga friends ko.", sabi nya sa akin at ngumiti naman ako sa kanilang lahat.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?