Chapter 12Thresh's Pov
Nasa sasakyan na ako ngayon papunta kay Lucian.
Kung hindi lang importante sa akin si Keila hindi ko pupuntahan tong ugok na to eh.
Alam kong natutulog na ngayon si Keila at sana makatulog sya ng maayos. Kasi kilala ko yun na masyadong nag-iisip ng kung ano ano kaya sana makatulog sya ng ayos.
Malapit na ako sa bar at parang nagkakagulo pa ata sa loob. Ano kaya nangyari?
"GAGO KA BAKIT MO AKO SINUNTOK?!"
Rinig kong sigaw sa loob kaya dali dali akong naki-siksik para tignan kung anong nangyayari.
At ayun, ang gagong Lucian nasa sahig at balak pa sana nyang sugurin yung lalaki kaso hinila ko na sya papalabas ng bar. Gago talaga tong lalaking to.
"Isa ka pang gago eh! Mang-aagaw ka!", sabi sa akin ni Lucian kaya natawa na lang ako kahit sobrang naiinis na ako.
"Sinabi sa akin ni Keila na sunduin kita at iuwi na.", sabi ko sa kanya at bigla syang nanahimik. Ang lakas ng tama neto kay Keila, gago nga lang.
Inakay ko sya at sinakay na sa kotse ko, wala din daw kasi syang dalang sasakyan kaya sinakay ko na sya sa kotse ko.
Panay tawag nya sa pangalan ni Keila, naaasar na nga ako eh.
"Alam mo pre? Mahal na mahal ko si Keila, ang gago ko lang talaga.",
Buti alam mo.
"Sobrang gago ko para gawin yun kay Keila, sobrang gago ko.", buti talaga alam mo.
"Ingatan mo si Keila pre, mahal na mahal ko yun."
Nakatulog na sya at pinapasok ko na agad sya.
Tinanong ako nung Mommy nya kung ano daw nangyari sabi ko na lang may nakaaway sya sa bar at umuwi na ako.
Tinext ko agad si Keila kahit alam kong tulog na sya.
Uminom muna ako ng gatas sandali at nakatulog na din agad.
-Kinabukasan-
Keila's POV
Ang sakit sakit ng ulo ko, parang feel ko hinahampas ako ng matigas na bagay.
Sobrang sakit, napahawak ako sa pader at may naaninag akong tao.
Namukhaan ko sya kaya lumapit ako sa kanya. Tinignan nya ako at napayakap sya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya na para bang iiyak na.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?