Chapter 16-Resume ng class-
Waaaaah! Resume na ng class! I'm sooo excited naaa!
"Keila! Nakapag ready ka na ba? Ako tapos na, hintayin na lang kita sa kotse ko.", sigaw sa akin ni Mijoy galing sa labas ng room ko.
*beep* *beep* (A/N: Tunog naman yan pag may nag text hehe ^_^ )
From: Thresh
Study well! See you na lang sa school! ♡
Ay taray may pag heart si kuya nyo hahahaha. Agad ko din naman syang ni reply-an.
To: Thresh
Sayo din Thresh! See yah! ♡
Sent.
Ayan ginantihan ko ng heart para fair hahahahaha.
Lumabas na ako ng room ko at kinuha muna ang mga dapat na kunin tapos ni lock na ang unit namin.
Naabutan kong nagbabasa si Mijoy ng book, wattpad book ano pa ba?
"Ang tagal mo naman.", sita nya sa akin kaya tinignan ko sya ng masama. "Oh baket?"
"Tss, hindi naman ako matagal ha?", sabi ko sa kanya at umupo na ng ayos.
"Taray mo ah? Nako.", sabi nya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
Tingin lang ako ng tingin sa bintana at marami akong nakikitang mga bata na naka school uniform at tuwang-tuwa sila, napangiti ako.
May nakita akong mag lola, yung bata pinipilit nya yung lola nya na bilhan sya ng ice cream pero halata sa lola ng bata na ayaw bilhan kasi baka marumihan yung uniform nya.
Namimiss ko na sila Lola.
"C'mon sis, baka mahuli tayo sa first subject natin.", sabi ni Mijoy kaya tumango na ako at kinuha na yung bag ko and bumaba na sa sasakyan nya.
"Hi Keila! Hi Mijoy!", bati sa amin ng ibang students na nadadaanan namin.
We're not actually famous in our school, sadyang mabait lang kami ni Mijoy and lagi kaming sumasali sa mga contest and minsan din kaming nananalo kaya ayan hehe.
Panay ngiti naman kami ni Mijoy kaya ngumingiti din sila.
"Heeeeeey Mijoooy! Hey Keilaaaa!", si Marie na papunta na sa gawi namin.
"Tutal naman magka-kaklase tayong tatlo, sabay-sabay na tayo umakyat.", sabi nya kaya tumango kami.
Sa left building yun amin kaya for sure sa right side naman yung kay Thresh, I guess?
Agad kaming pumasok sa room namin at nagsi-batian naman ulit yung mga kaklase namin kaya binati din namin sila.
"Shocks! Alam nyo ba? Ang aga ko gumising para makapasok ng maaga. Excited din kasi ako hehehe.", sabi ni Marie kaya natawa ako. Kahit din naman ako no.
"Pare-parehas pala tayong tatlo eh, friendship goals na ituuu~!", sabi naman ni Mijoy kaya mas lalo akong natawa.
"Saan pala ta----"
"Keila, may naghahanap daw sayo sa labas ng room.", sabi sa akin ng isa kong kaklase. Sino naman kaya yun?
"Wait lang ha? Tignan ko lang kung sino naghahanap sa akin.", sabi ko kila Mijoy at tumango lang sila.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?