Chapter 22Umakyat na ako sa taas at sinabihan ko sila Mijoy na kakain na kami.
Hindi ko na pinuntahan si Lucian sa kwarto ko, hindi sa ayaw ko syang pakainin ah, ayaw ko lang syang galaw ng galaw.
Nakita ko sila sa baba na kumakain na.
"Uhm, dadalhan ko na lang si Lucian sa taas at dun na lang din ako kakain.", paalam ko sa kanila at halata kay Thresh na gusto nyang umangal.
Kumuha na ako ng dalawang plates at nilagyan na ng pagkain yun.
"Eat well sa inyooo~!", sabi ko sa kanila at umakyat na.
Agad na akong pumasok sa kwarto ko at nadatnan kong natutulog ng mahimbing si Lucian.
*poke* *poke*
"Hmm?", sabi nya kaya medyo natawa ako.
"Luciaaaaaan!", sigaw ko kaya napabangon agad sya. "Sorry sorry! Let's eat naa~!", pakanta kong sabi kaya natawa sya.
"Paano ako makakakain eh may sugat ako sa braso?", sabi nya kaya nagtaka ako.
"Pwede naman yung isa ah?", sabi ko at ngumisi lang sya.
"Masakit din tong isa."
"Anong gusto mong gawin ko? Subuan ka?", sabi ko ng nakataas ang kilay. Ang arte-arte akala mo babae, tss.
"Pwede naman...", lumapit sya sa akin kaya napalunok ako. "Kung gusto mo.", sabi nya at kumindat.
No choice ako kaya susubuan ko sya, akala mo baldado tong lalaking to eh!
"Matsalap ba?", tanong ko sa kanya at bigla syang natawa kaya tumalsik yung nasa bibig nya. Kadiri!"Sorry sorry hahahaha!", sige tawa pa sana mabu----
"*cough* tu *cough big*"
Agad ko syang binigyan ng tubig at hinimas ang likod nya.
"Okay ka lang ba? I'm so----"
"Hahaha okay lang.", sabi nya at pinagpatuloy na namin ang pagkain.
Natapos na din naman agad kami dahil para ako lang ang kumain dahil ang konti nya kumain, diet ata ang loko.
"Pwede ba tayo mag-usap?", biglang sabi nya kaya nagulat ako.
Hinarap ko sya. "About what?", sabi ko at nilagay sa mini table ko yung pinagkainan namin.
"About me and Jen.", ah tungkol sa kanila?
"Tungkol sa engagement nyo?", sabi ko ng walang emosyon. I can't be so weak this time.
"Yeah and I want you to know that I don-----"
"Masaya ako para sa inyo at kung iniisip mo na pupunta ako dun, of course I will.", putol ko sa sasabihin nya.
"No Kei-----"
"Pwede na kayong umuwi ni Marie.", putol ko ulit sa sasabihin nya at lumabas na ako ng kwarto dala yung pinagkainan namin.
Nakita ko sa baba sila Mijoy na nagkwe-kwentuhan.
Naghugas muna ako ng kamay bago ako lumapit sa kanila.
"Marie, pwede na kayong umuwi ni Lucian.", sabi ko at halatang nagulat sila.
"But Kei---"
"Okay lang Mijoy pinapauwi na din naman kami ni Mommy kaya we'll go na.", sabi nya at sakto namang pababa na si Lucian.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?