Chapter 5
Habang kumakain kami ni Thresh ng niluluto nya, feel ko maiihi na ako kaya nagpaalam muna ako kay Thresh na mag CR lang ako.
"Uhm, Thresh CR lang ako.", paalam ko at pumunta na agad ako ng CR.
And pag pasok ko sa CR saka ko lang naalala na naiwan ko yung phone ko sa table na kinakainan namin.
Kaya agad agad akong lumabas pagtapos ko umihi.
At dun naririnig ko yung boses ni Thresh na may kausap sa phone.
"Break na kayo diba?", sabi ni Thresh sa kausap nya.
"Manloloko ka kasi kaya hiniwalayan ka na nya... Bakit ko sasabihin? Boyfriend ka pa ba nya? ... Tigilan mo na sya.", matigas na sabi ni Thresh at tumingin sa gawi ko.
Binaba nya na yung phone ko and ibig-sabihin nun pinatay nya na yung tawag.
"Sino yung tumawag Thresh?", patay malisya kong tanong.
"Ex boyfriend mo, pero nung tiningnan ko naman yung phone mo bago sagutin, Mijoy yung nakalagay.", sabi nya kaya tumango tango na lang ako. Ayaw ko ng pahabain pa yung usapan.
Tapos na din naman ako kumain kaya nagpaalam ako kay Thresh na pumunta munang kwarto. Kinuha ko na yung phone ko sa table.
Tinawagan ko si Marie."Hello? Marie?", sabi ko sa kabilang linya at thanks to god na sya nga ang sumagot.
"Hello Keila! Jusq ka nasaan ka ba?", tanong nya.
"Sasabihin ko sayo pero wag na wag mong sasabihin sa Kuya mo ha? Sabihan mo din si Mijoy.", sabi ko sa kanya.
"Bakit? Oh sige sige hindi ko sasabihin kay Kuya. Okay ka lang ba sis? Kaming lahat nag-aalala na sayo.", sabi nya kaya naluha ako.
Sinabi ko sa kanya yung address kung nasaan ako tapos sinabi ko din sa kanya na kasama ko si Thresh.
Lumabas na muna ako ng kwarto para sabihin kay Thresh na dadating dito yung dalawa kong kaibigan.
Kumatok muna ako at sinabi nyang bukas daw at pumasok na lang ako kaya sinunod ko sya.
Naabutan ko syang top less kaya tumalikod agad ako.
"Anong problema?", tanong nya.
"Pwede bang magbihis ka muna ng damit pang taas? Hindi kasi ako sanay.", sabi ko sa kanya at mukhang susundin nya naman kasi narinig ko syang pumunta sa cabinet nya.
"Okay na Kei, bakit?", tanong nya.
Humarap muna ako at nakita ko syang nakadamit na, huminga muna ako ng malalim. "Tinawagan ko kasi yung kaibigan ko na si Marie, tinanong nya kung nasaan ako sinabi ko naman sa kanya tong address and sinabihan ko din sya na sabihin nya sa isa ko pang kaibigan basta wag nya lang sasabihin kay Lucian.", paliwanag ko.
Tinapik nya yung tabi nya kaya umupo ako dun.
"Oh edi pala dapat maghanda ako?", tanong nya.
Tumawa ako, "No need na Thresh, siguro naman may dala sila kaya okay lang.", sabi ko.
"Uhm Kei? Are you comfortable with me?", tanong nya kaya natigil ako sa pagtawa.
"Of course, I am", sagot ko.
"Akala ko kasi hindi eh.", sabi nya sabay tawa.
"Mabait ka naman eh, kung hindi ka mabait edi sana iniwan mo lang ako dun and hinayaan magkasakit.", sabi ko and bigla na lang sumama pakiramdam ko.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?