Chapter 17Bigla na lang umalis si Lucian kaya naiwan na lang kaming tatlo.
"Oy ano pag-uusapan nyo ng Kuya mo?", tanong ko pero umiling lang si Marie kaya tumango-tango na lang ako, ayaw ko mangialam hehe.
*beep* *beep*
Oh, someone texted me kaya chineck ko kung sino, si Thresh nanaman.
From: Thresh
Hey! Nasa labas ako ng SB.
Uwuu~ nasa labas daw ng SB si Threeeesh!
"Guys, wait lang ha sunduin ko lang si Thresh. Nasa labas daw sya eh.", sabi ko sa kanila.
"Bakit hindi na lang sya pumasok? Bakit susunduin pa? Hahahaha charot!", sabi ni Mijoy kaya natawa kami.
Habang papalabas kami nakikita ko na si Thresh na may... kausap na babae? Lumapit pa ako lalo at nalaman ko na isa sa kaklase namin, at parang nakaramdam ako ng s-selos? Hindi ako sigurado.
Naramdaman naman siguro agad ni Thresh na papalapit ako sa kanila kaya ngumiti ako ng awkward.
"Oh hi Kei!", bati sa akin ni Thresh pero nginitian ko lang sya.
"Ay sige Thresh alis na ako, mag-uusap pa ata kayo ni Keila eh. See you around!", sabi naman ng kaklase ko kaya umalis na sya. Hindi man lang ako binati, tss.
"Tara na sa loob.", sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at pumunta na agad sa loob ng SB at umupo na.
"Hi Thresh!", bati sa kanya nila Mijoy.
Nag-order na muna si Thresh at ako kunyari busy ako sa phone ko pero ang totoo sinusulyap-sulyapan ko si Thresh.
Nakikita ko syang panay ngiti dahil nagpo-phone din sya, siguro may ka-text to. Hmmp.
"Ah guys, una na ako ah kita-kits na lang mamaya sa next sub, bye.", sabi ko sa kanila at humalik sa cheeks nila samantalang nginitian ko na lang din ulit si Thresh.
Bakit ganun? Para feel ko ayaw ko muna makita si Thresh? Dahil ba dun sa nakita ko syang nakikipag-usap sa kaklase namin ni Mijoy? O baka dahil sa panay ang ngiti nya sa ka-text nya? Argh! Hindi ko alam!
May 1 hour pang natitira sa break time namin pero wala na akong gana kumain at dala dala ko na lang tong frappe na in-order sa akin ni Marie.
Umakyat na lang ako sa room namin at duun na lang ako magpapaka busy, baka sakaling makalimutan ko yung nakita ko kanina.
Pumasok na agad ako sa room namin at nadatnan ko duun si Lucian na umiidlip ata? Ewan.
Halos lahat ata ng subject namin magkatabi kaya tumabi na ako sa kanya.
Pinagmasdan ko lang sya na nakayuko dahil nagpapahinga ata sya, pagod siguro.
Yumuko na lang din ako at parang feel ko maiiyak ako kaya kumuha na agad ako ng tissue sa loob ng bag ko... Wait,
WALA SA AKIN YUNG BAG KO!
"Crap, bakit ko pa naiwan yung bag ko! Huhuhu.", pagmamaktol ko at naiyak na ako.
Naramdaman ko naman sa tabi ko na gumalaw si Lucian at nagulat syang umiiyak ako.
"Damn, why are you crying?", tanong sa akin ni Lucian pero hindi ako sumagot. Bahala ka dyan.
May kinukuha sya sa pantalon nya at nakita kong panyo yun at agad nyang pinunasan yung luha ko.
Kukunin ko na sana yung panyo nya para ako na magpunas pero.....

YOU ARE READING
Desperate for Love
RomansLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?