Chapter 9
Bakit naman kaya biglaan yung sakit ni Marie? Jusq naman.
"Bakit naman biglaan yung sakit nun ni Marie?", tanong ko kay Kai habang nag da drive na sya pagpuntang kanila.
"Hindi ko din alam Kei eh.", sabi nya gamit ang nag-aalalang tono. Gosh!
"Sana gumaling agad si Marie.", nasabi ko na lang at tumahimik na.
Hindi din naman nagtagal at nandito na kami sa bahay nila. Tuwang tuwa si Tita na makita si Ate kaya nagkwentuhan sila sa sala at ako naman nasa kwarto ni Kai.
Nagpapalit na si Kai ng damit at ako atat na atat na pumunta sa kwarto ni Marie.
"Matagal ka pa ba dyan Kai?", tanong ko sa kanya.
"Sandali na lang to sandali!", sigaw nya sa akin kaya binato ko sya ng unan nya.
Ilang oras lang at tapos na din si Kai magbihis leche yun! Sinigawan pa ako!
Magkatapat lang naman sila room pero kasi itong si Kai niyaya pa ako sa kwarto nya, hintayin ko daw sya. Tss.
Agad agad kaming pumunta sa room ni Marie at naabutan namin sila Tita na pinapainom sya ng gamot.
Lumapit ako kay Tita tapos kinausap kung okay lang ba si Marie tapos sabi nya na okay lang naman daw sya.
Bumaba na kami nila Ate kasi nagpapahinga si Marie sa room nya kasama nya dun si Mijoy. Poor Marie.
Nasa living room kami, kami kami lang nila Ate.
"Ate dito muna ako kila Kai kasi pinapatulog nya ako dito.", sabi ko kay Ate kaya tumawa sya.
"Gusto ko din sana kaso may gagawin pa ako bukas. Maybe next time.", sabi nya kaya napasimangot ako. "Lilibre na lang kita ulit Keila kapag nagkita ulit tayo!", sabi nya kaya napapalakpak ako.
Kinurot ako ni Kai sa cheeks ko dahil dun kaya napangiwi ako.
Tumingin si Ate sa watch nya, "Oh alis na ako, anong oras na din eh. Dito ka naman matutulog ngayon Kei diba?", sabi nya sa akin kaya tumango ako.
Bumaling sya kay Kai, "Ikaw Kai, patawag nga kay Mijoy sa taas hindi bumaba eh. Sabihin mo aalis na ako.", sabi nya kay Kai kaya umakyat na si Kai.
Tumingin sya sa akin ng seryoso kaya kinabahan ako. "B-bakit Ate?", tanong ko. Tae nautal pa ako.
"Bakit kayo nag break?", agarang tanong nya kaya naubo ako kaya uminom ako ng tubig at sya tawa ng tawa. :*
"I saw him with another girl eh kaya ayun.", sabi ko na lang at tumango-tango sya.
Bumaba na din sila Mijoy, aalis na din daw sya.
Sa labas nila Kai, nagpalitan kami ng number, so that we can communicate to Ate Eunice.
And then pumasok na ako sa bahay nila Kai kasi dito nya ako pinatulog! Taeng Kai yan.
Pagkapasok namin sa bahay nila nakita namin si Tita na nag reready ng food sa table. Kakain na ata.
Lumingon sa amin si Tita. "Oh hali na kayo, kumain na.", pag aaya ni Tita kaya pumunta na kami ni Kai sa table.
Dinalhan ni Tito si Marie sa room nya ng makakain nya bago sya sumali sa amin kumain.
Nagkwentuhan lang naman kami habang kumakain, nasamid pa nga ako dahil sa tinanong sa akin ni Tito eh.
Habang paakyat na kami ni Kai, sya daldal ng daldal habang ako nananahimik lang, hindi ko din alam kung bakit.
"Kei? Are you still listening?", tanong sa akin ni Kai tapos ngumiti na lang ako bilang sagot.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?