Chapter 4
Pag gising ko sa umaga nag text ako kay Tita, nagpasalamat ako sa kanya about kahapon then sabi nya always welcome daw.
So ngayon? Wala akong magawa. Wala talaga as in. Hindi ko alam gagawin.
Kung libangin ko kaya sarili ko mag-isa? Yung ako lang muna.
Napagdesisyunan kong maligo na at magbihis kasi pupunta lang akong Mall para mamili ng kung ano ano.
Hindi na ako nag abalang pumunta sa kwarto ni Mijoy para magpaalam, text ko na lang sya na umalis lang ako saglit.
Nag taxi lang ako papuntang Mall kasi hindi pa ako binibilhan ng mga Tita ko ng Car. So tiis tiis muna sa pag commute hahaha.
Mabilis lang naman ang byahe kaya nasa Mall na agad ako. Nagpunta muna ako ng National Bookstore tapos namili ako ng Books para kapag wala akong magawa sa susunod may mababasa na ako diba?
Pumunta naman ako sa sinehan ngayon, nanood ako ng love story na movie and guess what happen? Paglabas ko mugto mata ko kasi relate na relate ako hahaha.
Papunta naman ako ngayong Cafe, and parang lumungkot ako bigla. Hindi ko alam kung bakit. Then there, sa labas pa lang kitang kita ko na kung sino yun, kilalang-kilala ko kung sino yun.
I saw Kai with another girl, he's happy being with her. Pinigilan ko yung sarili ko na hindi muna umiyak. At mas lalo lang akong nagulat dahil hinalikan ni Kai yung babae sa lips.
I took a picture of that scene and it hurts me so bad.
Umalis na agad ako sa Mall na yun, hindi ko ata kayang makita ako ng tao na umiiyak mismo duun kaya umalis na lang ako dun.
Habang nasa taxi ako I texted Kai.
To: Kai-kai
I'm breaking up with you Kai,
It hurts me so bad, sobrang sakit malaman na ang saya ko lang kanina tapos ganito yung mangyayari? Kaya pala hindi sya masyadong nagiging sweet sa akin kasi ganun?
"Ma'am saan po tayo?", tanong ng driver sa akin.
"Kahit saan!", sigaw ko sa driver kaya pinaandar nya na agad yung sasakyan.
Sa kakaiyak ko nandito na pala ako sa hindi ko alam na lugar. Kaya binayaran ko na yung driver at tinanong kung saan ito at sabi nya Intramuros daw ito.
Nag ikot ikot lang ako dito at mukhang uulan pa ata at bwisit na yan wala akong payong!
Iyak lang ako ng iyak ayun na nga, umulan na. Simahan ako ng ulan sa pag iyak ko.
Napaupo na lang ako sa wall na tinatawag nila. Nakakapagod na.
"Miss, gabi na ah?", boses ng lalaki.
Nilingon ko sya at namukhaan ko sya! Sya yung sumalo sa akin sa Arcade kasi nahihilo ako that time!
"Ikaw pala yung babae na nasalo ko sa Arcade.", sabi nya. So naalala nya ako?
"Iwan mo na ako dito.", matigas kong sabi pero hindi sya sumusunod. Matigas ang ulo ng isang ito.
"May problema ba? Nasaan yung boyfriend mo, bakit hindi mo kasama?", napatingin ako sa kanya. Galit ko syang tinignan.
"Boyfriend ko? Wala na akong boyfriend, he cheated.", sabi ko at mas lalong humagulgol.
Ang sakit sobra, sobrang sakit.
"Damn, wag tayo dito magkakasakit ka.", sabi nya sa akin. "Tsaka ano pala pangalan mo?", tanong nya naman.
"Keila. You can go now."

YOU ARE READING
Desperate for Love
RomanceLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?