Chapter 7

3 0 0
                                    

Chapter 7

Nagpahatid ako kay Mijoy kila Marie para isahan na lang diba? Aalis din naman sila.

"Ikaw na muna kumatok Mijoy.", sabi ko kaya kumatok na sya. Wala syang magagawa eh hahaha.

"Hi Titaaa! Ready na po ba si Marie?", tanong ni Mijoy kay Tita. So si Tita yung nagbukas.

"Oo iha ready na sya, kasama mo ba si Keila?", sabi ni Tita kaya nagpakita na ako sa kanya at nakipag beso.

"Pasok kayo mga anak."

So ayun nga pumasok kami at saktong pagbaba din naman ni Marie at nakipag beso ako sa kanya.

"Sasama ka ba sa amin, Keila?", tanong sa akin ni Marie pero umiling ako.

"Alis na kami ni Mijoy, Mom.", pagpapaalam ni Marie kay Tita.

Sinabihan ako ni Tita na maiwan nya muna ako kasi kukuha lang sya ng pagkain umayaw ako pero dahil mapilit si Tita ayun naiwan tuloy ako.

Kamusta na kaya si Kai?

Umiling iling ako dahil sa naiisip ko at sakto namang nandito na si Tita.

"Bakit napadalaw ka naman agad Keila?", tanong sa akin ni Tita.

Uminom muna ako ng juice tapos sinagot ko na sya. "Tita kasi ano eh..", uminom ulit ako, "Nag break na po kami ni Lucian.", diretsong sabi ko na ikinagulat ni Tita.

Naging teary-eyed na ako agad taeng yan.

"Alam ko na yan iha, bakit hindi mo pa puntahan si Lucian sa kwarto nya? Dalhan mo ng makakain nya. Ilang araw na din syang hindi lumalabas sa kwarto nya eh.", sabi ni Tita kaya nagulat ako.

Pinapabayaan ni Kai yung sarili nya.

Tumango na lang ako kay Tita at ibinigay na nya sa akin yung pagkain na para kay Kai.

Kinakabahan pa ako pero kinatok ko na yung pinto. Walang sumasagot.

Hindi naman naka lock yung doorknob kaya pumasok na ako at naabutan ko syang natutulog.

Sinarado ko yung pintuan at nilapag na yung pagkain for him. Umupo na ako sa kama nya para gisingin sya.

"Kai,", pagtawag ko.

Gumagalaw galaw na sya at unti unti nya nang minumulat yung nga mata nya.

How I love those eyes.

"Keila?!", sigaw nya kaya nagulat ako.

"Kumain ka na, hindi ka daw lumalabas ng kwarto mo. Pinapabayaan mo yang sarili mo.", I said in a cold voice.

"Kei, balik ka na sa akin please?", sabi nya sabay yakap sa akin.

"Kumain ka na, mamaya aalis na din ako papuntang condo.", sabi ko.

"Kaninong condo?", tanong nya. Gustuhin ko mang ngumiti pero pinigilan ko. Selos amfufu.

"Sa condo ni Thresh.", sabi ko at agad syang humiwalay. Tumawa ako. "Joke hahaha!", bawi ko.

"Keila, maghihintay ako hanggang sa bumalik ka...", sabi nya kaya natigil ako sa pagtawa. "Papayag ako na maging magkaibigan lang muna tayo, pero sisiguraduhin ko na magiging akin ka.", napanganga ako.

Tinikom nya bibig ko at sya naman ngayon ang tumatawa. Hinampas ko sya sa braso nya. "Kai-kai isusumbong kita kay Titaaa!", pananakot ko sa kanya at naalala ko na hindi pala to matatakot.

Desperate for LoveWhere stories live. Discover now