Chapter 2
So ayun nga habang tahimik kaming kumakain at si Mijoy lang naman ang maingay just so you know, she's super talkative always. Hindi naman sa naiirita ako pero parang ganun na nga hahahaha.
Pinagigitnaan ako nila Mijoy at Kai, sila Tito at Tita ay magkatabi and katabi ni Mijoy si Marie. Hindi nyo gets no? Che.
Hilig kong ipatong yung binti ko sa binti ni Kai kaya ganun ako ngayon, ganito ako pag close ko na yung isang tao.
"Sem break nyo ngayon diba mga anak?", tanong ni Tita Mary. Tumango kaming lahat. "Gusto nyo mag travel tayo with your parents?", tanong ulit ni Tita kaya tumango ulit kami.
"Ehh Tita saan naman po tayo mag travel?", tanong ko naman.
"Ayy wag na pala mag travel baka hindi kayo payagan baka mag Enchanted Kingdom na lang tayo bukas gusto nyo?", sabi ni Tita kaya tumango kami. "Sige, ipagpapaalam ko kayo sa mga parents nyo at bukas na bukas pupunta tayong EK.", sabi ni Tita.
"Uhhmm, Tita treat nyo ba kami?", tanong ni Mijoy kaya nagtawanan kami.
"Of course iha, sagot ko na kayong lahat.", sabi ni Tita. Talagang mabait si Tita nagmana si Kai-kai sa kanya.
"Tita Tita Tita, pwede po ba kami mag Mall? Ngayon?", tanong ko baka kung sakaling pumayag edi okay.
"Kaninong car naman gagamitin nyo?", tanong ni Tito.
"Kay Kai po kung pwede?", sabi ko sabay tingin kay Kai, "Pwede ba Ney?", tumango naman sya kaya pumayag sila Tita.
Natapos na din kami kumain na puro tawanan at kwentuhan lang kami about sa School tapos nag ready na sila magkapatid para makapag Mall kami.
"Mom, alis na kami.", paalam ni Lucian kaya sinabi lang nila Tito at Tita na mag ingat kami.
Pero bago kami umalis nag beso muna kami ni Mijoy kila Tita.
Nasa sasakyan na kami nang biglang magtanong si Mijoy. "Sis, paano yung car ko?", tanong sa akin ni Mijoy.
"Ay oo nga no? Marie dun na lang kayo ni Mijoy sa sasakyan nya tapos dito na lang ako sa car ng Kuya Lucian mo.", sabi ko kaya pumayag naman sila at pumunta na sa kabilang sasakyan.
Bumaling ako kay Kai, "Oh ano na Ney? Start mo na, nauuna na sila oh?", sabi ko pero ngumuso sya. "Ohh? Bakit ka nag pa pout dyan?", tanong ko sa kanya.
"Kiss ko muna.", sabi nya kaya nagulat ako at nahampas ko sya sa braso nya.
"Hahaha baliw ka ba? Nasa inyo pa tayo oh baka makita nila tayo.", sabi ko kaya natawa sya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Tinted to kaya sige na kiss me.", sabi nya kaya kiniss ko na pero smack lang. "Ayun lang?", sabi nya kaya sinuntok ko na sya sa braso nya.
Kiniss nya muna ako sa forehead then he start the engine.
Habang nasa byahe kami parang sumasakit nanaman yung dibdib ko. Napahawak ako sa bandang masakit sa akin. "A-aray.", pagdaing ko kaya napatingin sa akin si Lucian.
"Hon bakit? Gusto mo punta tayong Hospital?", sabi ni Kai na nag-aalala na pero agad akong umiling at ngumiti.
"Wag na Kai okay lang ako need ko lang ng water.", sabi ko sa kanya at binigay nya na agad sa akin yung hinihingi ko.
Habang nasa byahe kami puro lang kami lambingan tapos minsan pag nag jo-joke ako kahit corny tinatawanan pa rin nya ganun sya ka supportive sa akin.
YOU ARE READING
Desperate for Love
RomansaLove is all about choosing to be miserable than seeing the one you love hurting, in short love is all about sacrifice. Kaya mo bang isakripisyo ang taong minamahal mo para lang sya ay sumaya? O gagawin mo ang lahat para sumaya kayong dalawa?