CHAPTER 01

2.7K 39 4
                                    

Catriona Reeve's POV


Nakadukdok ako sa desk ko nang maramdaman ko ang sobrang lamig dahil sa lakas ng aircon. Nandito kami ngayon sa school sa loob ng comlab halatang hindi sila nagtitipid sa kuryente.

Halos mangatog na ko sa sobrang lamig naramdaman ko nalang na may nagpatong ng jacket sa'kin. Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino yun, napangiti ako ng malaman na si Chrion lang pala.

"Thank you, savior talaga kita" nakangiti kong pasasalamat ng maupo siya sa left side ko

"How many times do I have to remind you that always bring your jacket" nagsusungit na naman siya

Masungit naman talaga siya lagi, lahat nalang sinusungitan niya walang exception.

"Nakakalimutan ko eh" nakapout kong sabi

"Tsk"

Kinalabit ko si Titania na nasa right side ko.

"Bakit?" tanong niya

"Si Chrion sinusungitan ako" sumbong ko

Lumapit siya sa'kin nang kaunti sabay hampas kay Chrion sa braso.

"What!?" inis nitong tanong

"Sinusungitan mo na naman daw si Catriona" masamang tingin ang natanggap ko mula sa kanya

"I didn't" tipid niyang sagot

"Stop acting like a child, act based on your age, tsk" dagdag pa niya

"Yan pala hindi nagsusungit ha" komento ni Titania

"Hoy tigilan mo nga yan si Chrion kababae mong tao kung makapanakit ka akala mo lalaki" saway sa kanya ni Leander na nakatingin na pala sa pwesto namin

"Hindi naman siya babae so what do you expect" segunda ni Daphne na kakarating lang

"Kinaganda mo na yang kaartehan mo?" apila ni Titania

"Kaya ka hindi nagugustuhan ni Astevan napakaarte mo kase" dagdag niya

"Unlike sayo walang nagkakagusto napakaboyish mo kase, eww" nandidiri niyang sabi na akala mo may nakakahawang sakit si Titania. Natahimik tuloy si Titania sa sinabi niya

"Ganon ba yun?" inosente kong tanong na ikinatawa nila Daphne at Leander

"Sa tingin ko hindi ganon yun, kung gusto mong magustuhan ka ng ibang tao be yourself hindi mo kailangan mag-ayos o baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ng iba, simplicity is the real beauty" paliwanag ni Sioux

"It's easy for you to say that because a lot of guys admire you unlike kay Titania na halos walang nagkakamaling manligaw" sagot ni Daphne

"Bulag sila kung ang pagbabasihan nila ay ang pisikal na anyo ng tao para makita ang aking ganda at halaga nito" tama si Sioux

"Stop comparing yourself to her, both of you have different beauty and personality that someone will like" Basta si Sioux nagsalita mamangha ka

"Ang tanong babae ba siya?" natatawang tanong ni Leander

"Tatahimik kayo o makakatikim kayong lahat ng parusa?" biglang singit ni Hugo sa usapan, natahimik tuloy kami bigla

"K-Kasama ako?" tanong ko

"Kung pwede lang bakit hindi" seryoso niyang sagot

"Hehehe buti nalang hindi pwede"

Nilingon ko si Titania na nasa right ko na bigla nalang nanahimik.

"Sorry... dahil sa'kin sinabihan ka ng ganon ni Daphne"

"Wala kang kasalanan, sanay na ko sa dila niyang matalim"

Ilang minuto lang dumating na rin ang teacher namin sa computer, dahil inaantok ako dumukdok nalang ako sa desk ko at walang takot na natulog kahit na may teacher sa harap.

"Gising na" sabi ng kung sino habang mahinang tinatapik ang pisngi ko

"Hmm.." react ko, nag-angat ako ng tingin wala na si Sir

"Tara sa room" aya ni Titania sa'kin

Umiling ako bilang sagot, ayokong pumasok sa klase I want to sleep.

"Then where the hell do you plan to go?" napalingon ako sa nagsalita si Chrion pala

"Ahm... sa library... matutulog? hehehe" sagot ko

"Hugo, balak niyang mag cutting classes para lang matulog sa library" masamang tingin ang natanggap ko mula kay Hugo, bestfriend sila kaya syempre kakampihan siya ni Hugo.

"Do you want me to tell this to him?" mabilis na iling ang ginawa ko sabay kuha ng bag diretso sa room

Habang wala pa teacher namin sasabihin ko sa inyo kung sino ako. I'm Catriona Reeve the first heiress of Reeve's Clan. Galing ako sa isang Royal Family pero hindi alam ng classmates ko. Ang alam nila galing lang ako sa marangyang pamilya katulad nila, hanggang dun lang.

Unlike sa kanila hindi lang ako basta simpleng tagapagmana. Marami akong responsibilidad na tinakasan. Hindi naman sa gusto kong takasan yun. Parents ko ang nagdesisyon na ilayo ako sa palasyo at mag-aral dito. Nilayo nila ko dahil sa takot nila na baka mawala ko sa kanila at hindi na makasama.

Nauwi lang kami samin tuwing sembreak at bakasyon. Yung anim na kasama ko hindi lang simpleng kaklase ko, sila ang nagbabanay sa'kin they are like a knights. Mababait naman sila kahit minsan inaaway nila ko. Actually twelve sila pero nasa palasyo yung anim pa.

Sa anim na kasama ko si Titania lang mabait sa'kin the rest inaaway ako lagi. Sayang nga hindi namin kasama yung iba, the more the merrier.

Nakinig nalang ako sa teacher namin nung mag umpisa na siyang magturo.

Kakatitig ko sa teacher namin nangawit ang leeg ko kaya naisipan kong i-exercise. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil may naramdaman akong nanonood sa'kin. Nilingon ko ang magkabilaan ko, si Titania lang pala akala ko kung sino.

"Bakit?" bulong niya

"Akala ko kung sinong nakatingin" mahinang sagot ko dahil baka marinig kami ng teacher

Pagkatapos ng isang buong araw na klase umuwi na kami sa kanya-kanya naming dorm. Yes may dorm sa loob ng Academy, kung hindi niyo pa alam Regalias Academy pangalan ng school namin, galing sa salitang Spanish ang Regalias in english ay Royalties.

Sa pagkakaalam ko dugong bughaw din may-ari ng school namin at karamihan sa mga nag-aral dito galing sa Royal Family. May mga galing din sa mayayamang pamilya at mga galing sa normal na pamilya na sa pagkakaalam ko schoolar ng school kung tawagin.

Hiwalay ang dorms ng lalaki at babae bali ang school namin nahahati sa dalawa. Isang school at dorms, sa dorms hanggang 2 floor lang hindi ko lang alam kung ilang rooms kada floor. Bali kapag nakapunta ka sa dorm area may mall, church, playground, park sa madaling salita parang nasa isang community ka kaya nakakatuwa kasi samin walang mga ganon kaya nung first time kong makapunta dito talagang namangha ako.








A/N: Kamusta chapter one?

Ang aking muling pagbabalik. Salamat sa pagbabasa ng unang kabanata ng buhay ni Catriona Reeve.

PRONUNCIATION OF NAMES/WORDS:
Reeve - Riv
Chrion - Criyon
Hugo - Yugo
Daphne - Dafni
Titania - Taytanya
Sioux - Su
Regalias - Regalyas

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon