Haven's POV
Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo ni Demetrio nang biglang sumulpot si Astevan at sinapak siya.
"Hindi ko alam na ang kitid ng utak mo" pang-iinsulto niya kay Demetrio
Nalaman naming magpinsan sila nang dinakip niya kami.
"Medyo masakit pero hindi yun sapat para mapahinto ako sa nais ko" hinawakan niya ang pangang sinapak ng pinsan
"Patigilin mo siya o titigil ang buhay ng mga taong 'to" utos niya kay Astevan sabay tingin samin
"Sa tingin mo susundin ka ng pinsan mo wag kang magpatawa" sabi ko
"Oo naman susundin ako niyan" binaling niya ang tingin sa pinsan na hirap na naglalakad papalit sa kinaroroonan ni Ms. Catriona
"CATRIONAAAAA" sigaw niya sa pangalan nito pero mukang hindi siya naririnig
Nilukob ako ng kaba nang maramdaman ko ang unti-unting pagbitak ng lupa.
"Bilisan mo ang pagpigil sa kanya!" inis na utos ni Demetrio
Nilingon ko ang Hari halatang nalulungkot siya nangyayari. Katulad ng anak niya hindi siya pwedeng magalit o malungkot ng husto kundi mas lalong lalala ang sitwasyon namin.
"CATRIONA! LISTEN TO ME!" nabaling ang atensyon ko ng marinig yun mula sa isang anak ng kalaban namin
Bakas sa boses niya ang pag-aalala at pagsusumamo.
"I WON'T FORCE YOU TO BRING BACK MY PARENTS ANYMORE JUST PLEASE CALM DOWN AND BE WITH ME"
Nagulat ako sa sinabi niya, may gusto ba siya sa Prinsesa? hindi pwede! Hindi sila pwedeng magkatuluyan!
Hindi ko sila maintindihang magpinsan ano bang pinagsasabi nila na buhayin ang mga magulang nila eh hindi naman kayang gawin yun ni Ms. Catriona.
"PLEASE CATRIONA" napaluhod siya sa sobrang pagmamakaawa
Lumapit sa kaniya si Demetrio at hinawakan sa leeg hindi manlang siya nag-abalang lumaban tila nawalan ng pakialam sa paligid.
"CATRIONA NAKIKITA MO BA 'TO!? PAPATAYIN KO ANG LALAKING NASA HARAP MO NGAYON NA HANDANG MAGBUWIS NG BUHAY KASAMA ANG MGA NAGMAMAHAL SAYO KUNG HINDI KA TITIGIL" pagbabanta sa kanya ni Demetrio
Akala ko katulad ni Astevan hindi siya papansin pero nagkamali ako. Unti-unting humina ang hangin kasabay ng pagbagsak ng katawan niya sa lupa.
Paglingon kong muli sa gawi ng magpinsan ang dami ng sugat ni Astevan at nakatali na siya gamit ang kadenang gawa sa pilak pati ang bibig niya ay may busal. Kita ng mga mata kong para bang nasusunog ang balat niya dahil sa kadenang pilak. Sobrang bilis ng pangyayari halos hindi ko naramdaman ang ginawa sa kaniya ng pinsan niya. Grabe kahalang ang kaluluwa ng isang 'to.
"Bubuhayin mo ang magulang ko kapalit ang kalayaan nila" hindi siya agad sumagot nakatingin lang siya kay Astevan na halatang naaawa sa sinapit
"S-Sige" halatang nanghihina na siya dahil sa ginawa niya kanina
Teka nakipagkasundo siya eh hindi niya naman kayang gawin yun.
"Nasiraan ka na ba ng ulo!? walang sino man ang kayang bumuhay ng patay na!" patungkol ko kay Demetrio
"Siya oo" nakatingin niyang sabi kay Ms. Catriona na mabagal na naglalakad papalapit sa kaniya
"Busalan muli ang bibig ng babaeng yan napakaingay!" utos niya na agad na ginawa ng isa sa mga tauhan niya
Nang tuluyan ng makalapit ang Prinsesa sa kanya inilabas niya ang dalawang babasaging lagayan at nagladag ng tela saka ibinuhos ang laman ng lagayan pero magkahiwalay.
Isa-isa niya kaming tiningnan hanggang sa mahinto ang tingin niya sa lalaking nasa harapan niya.
"Lahat ng bagay ay may kapalit, ang pagbuhay sa taong namayapa na ay isang kasalanan. Walang sino mang tao ang may karapatang gawin ang bagay na yun. Malaki ang magiging kabayaran ng gusto mong mangyari, handa ka ba sa magiging kapalit nito?" seryoso niyang sabi
"Wala kong pake kung anong maging kapalit kahit buhay ko pa" buong tapang niyang sagot na walang pag-aalinlangan
"Kutsilyo" inabutan siya nito ng kutsilyo
Sinugatan niya ang sariling palad, hinayaan niyang pumatak sa abong nasa tela ang dugo niya.
"Sapilitan mo sa'kin pinagawa ang bagay na hindi ko gustong gawin kaya sapilitan din ang kabayarang magiging kapalit" wala kong maintindihan sa mga sinasabi niya
Kita kong mas dinamihan niya pa ang hiwa sa palad niya para mas lalong dumami ang dugong lumalabas.
Grabeng pagpipigil ang ginagawa ng mga bampirang nagbabantay samin maging sila Astevan at Demetrio wag lang maantala si Ms. Catriona sa ginawa niya.
"Dalawang buhay kapalit ng maraming buhay pero dahil labag sa'kin ang ginagawa ko talo ka at panalo pa rin kami"
"Ano bang sinasabi mo!?" naiinis na tanong ni Demetrio
"Lahat ng may dugong dumadaloy na katulad sa mga yumaong gusto mong buhayin ko ay mamamatay at maglalaho na isang abong katulad nila, yan ang kapalit ng pagiging sakim na katulad mo" lalapitan na sana siya ni Demetrio nang sumigaw ito sa sakit
"AAAAHHHHHHHH ANG GINAWA MO!?" tila isang nauupos siyang papel
Napalingon ako sa mga bampirang nagbabantay samin, gaya ni Demetrio unti-unti silang naglalaho at nagiging abo.
Ang nakakapagtaka si Astevan walang nangyayari sa kanya nakatingin lang sila ni Ms. Catriona sa isa't-isa.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Astevan tinanggal ang pagkakatali sa kamay at bibig. Hinawakan niya ang pisngi nito at malungkot na pinagmasdan sa mga mata.
"Hindi ka isang tunay na Sanford, isa kang dating tao na sa pamamagitan ng ritwal kaya ka naging bampira" sabi niya dito
"Gagawin kitang muling tao..."
"Isang karangalan sa'kin ang muling maging tao katulad mo" sa unang pagkakataon nakita ko ang ngiti sa labi ni Astevan, mahal niya talaga ang Prinsesa
"Mabuti naman kung ganon" itinapat niya ang palad sa dibdib ni Astevan ilang minuto ang lumipas bago siya tuluyang naging tao. Paano ko nasabi? dahil nagkaroon na ng kulay ang dating halos patay niyang balat
"Patawad" napakunot noo ako sa sinabi niya kasunod nun ang paglapat ng labi niya sa labi nito kaya napaiwas ako ng tingin
Ilang minuto akong nakatingin sa ibang direksyon nang may maramdaman akong nagtatanggal sa busal ng bibig ko kasunod ang sa kamay ko.
Nilingon ko si Astevan na nakahiga sa lapag na tila walang malay.
"Anong nangyari?" tanong ko sa Prinsesa ng magkaharap kami
"Hindi kami pwede, binalik ko siya sa pagiging tao pero tinanggal ko ang mga alala niya tungkol sa bampira at sa atin" Paliwanag niya
"Tulungan mo ang iba at hanapin niyo ang mga magulang mo. Pasensya na pero nanghihina na talaga ko" bigla nalang siyang bumagsak sa harapan ko
Tiningnan ko siya ng may pag-alala bago nilapitan ang iba para pakawalan.
A/N: Magkakatuluyan kaya sila? basahin ang susunod na kabanata para masagot ang tanong sa iyong isipan.
Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?