Demetrio Sanford's POV
Isang katok ang narinig ko sa pinto habang nagbabasa ng libro.
"Pasok" pagbibigay ko ng pahintulot na pumasok sa kung sino man
Ramdam ko ang pagpasok niya pero hindi ako nag abalang tumingin sa kanya.
"Bumalik na po siya" naibaba ko ang hawak kong libro at mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya
"Ipaghanda niyo siya, siguraduhin niyong magugustuhan niya" mabilis siyang nawala sa paningin ko matapos kong magbigay ng utos
Kahit kailan talaga hindi uso sa pinsan ko ang sabihan ako sa pagdating niya.
Ilang sandali pa walang habas na pumasok siya sa loob ng silid ko na tila galit na galit.
"You came without my permission?" malamig niyang turan habang nanlilisik ang mga mata
"Naiinip na ko manatili sa mansyon, isa pa ayaw mo ba kong makasama dun? hindi naman pwedeng ikaw lang ang nalilibang" sinalabong ko ang matalim niyang tingin. Sanay na ko sa ugali niya na ganyan simula nung pumanaw mga magulang niya.
"Isa pa nagbabakasali lang na makita ko ang Prinsesa"
"Wag mo kong pangunahan sa plano baka ikaw unahin ko"
"Hanggang ngayon mainitin pa rin ang ulo mo. Hindi mo pa rin ba nakikita ang Prinsesa? o baka naman gusto mo lang siyang masolo" unti-unting nasabag ang mga babasagin na nasa kwarto ko
"Nakita ko man siya o hindi, hindi mo na kailangang malaman pa wag na tayong maglokohan Demetrio alam kong hindi ka sang-ayon sa mga plano ko, hindi ganon kakitid ang utak ko para hindi malamang kinakalaban mo ko" seryoso niyang sabi
"Inaasahan ko na yan mula sa isang Sanford na katulad ko. Ang mga katulad natin hindi basta-basta nalilinlang" sagot ko
"Paano ko sasang-ayon sa gusto mo kung ikaw lang nagdesisyon" dagdag ko
Naglakad ako papunta sa mesa kung saan may nakapatong na alak at baso. Nag salin ako ng alak sabay lagok.
"Hindi ako natutuwang makita ka pa ulit na tumapak sa mansyon na 'to" walang pag-aalinlangan kong sabi
"Kahit ako Demetrio hindi ako natutuwang makita ang traydor na katulad mo sa lugar na pagmamay-ari ko" napangisi ako sa naging sagot niya
Napahawak ako ng mahigpit sa basong may lamang alak.
"Pagmamay-ari 'to ng Sanford hindi lang ng pamilya mo kaya may karapatan din ako dito!"
"Ang mga traydor na katulad niyo ay wala ng espasyo para sa mansyon na 'to. Hinahayaan lang kitang manatili dito dahil may inaasikaso ako pero sa oras na matapos lahat ng ginagawa ko ako mismo tatapos sayo" mabilis siyang nawala sa paningin ko matapos iwan ang mga katagang yun
Sa sobrang inis naihagis ko ang basong hawak ko. Sa ilang taon naming hindi pagkikita matabil pa rin ang dila niya. Sa tingin niya hahayaan ko siyang magtagumpay sa plano niya habang nagdurusa ko? hibang na siya kung ganon.
Kailangan maunahan ko siyang makita ang Prinsesa bago niya pa 'to makita.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Catriona Reeve's POV
Sa muli naming pagbabalik sa palasyo ngayong sembreak sinalubong ako ng Hari at Reyna pati na rin ng mga tagapagsilbi at mga Ascendants. Isa-isa ko silang tiningnan na may ngiti sa labi pero halatang may kakaiba sa paligid.
"Maligayang pagbabalik Prinsesa Catriona" sabay-sabay nilang sabi at nagbigay galang sa'kin
Sa pananatili ko sa Regalias Academy nakalimutan kong isa nga pala kong Prinsesa.
Mabilis akong lumapit sa Hari at Reyna sabay yakap sa kanila, nakamimiss sila.
"Pinahanda na namin ang silid niyo" nakangiting sabi ng aking ina
"Maraming salamat mahal na reyna, ikinalulugod ko ang inyong ginawa" sagot ko
"Magpahinga na muna kayong pito para magkaroon kayo ng lakas, alam naming pagod kayo sa biyahe" hinatid ako ng parents ko sa kwarto
"Mamaya na tayo mag-usap pag nakapagpahinga ka na" isang haplos sa ulo ang ginawad sa'kin ng aking ama
"Masusnod mahal na Hari" nakangiti kong sagot bago nila ko iwan
Sa haba ng biyahe maggagabi na kami nakarating kaya paniguradong tulad ko pagod din ang anim.
Naligo muna ko saglit tapos nagpalit ng damit bago natulog.
Ang himbing na ng tulog ko nang may maramdaman akong humahaplos sa ulo ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon.
"P-Pasensya na kung nagising kita" napatingin ako sa humaplos sa'kin, si Holden lang pala
"Ayos lang"
"Para makabawi ka sa ginawa mong pag-udlot sa tulog ko halika dito sa tabi ko maupo ka" tapik ko sa kama, agad niya naman akong sinunod
Pagkaupo niya sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya sabay pikit ng mga mata ko.
"Namiss ko 'to" nakangiting sabi ko habang nakapikit
"Ako rin" sagot niya, kahit hindi ko kita muka niya sigurado kong nakangiti siya
"Kamusta na kayo dito?" tanong ko
Saglit namayani ang katahimikan bago siya sumagot na para bang nagdadalawang isip kung masasalita o hindi.
"Gaya ng dati ayos lang kami" gaya ng dati hindi pa rin kayo makapagsabi sa'kin ng totoo
"Kumain ka na muna sa baba sigurado kong gutom ka na" pag-iiba niya ng usapan
Inalis ko ang pagkakahilig ng ulo ko sa balikat niya at diretsong naupo. Siya naman tumayo sa pagkakaupo at nagtungo sa pinto.
"Hihintayin kita sa baba" nakangiti niyang sabi bago tuluyang umalis
Pagkaalis niya nanatili pa rin ako sa pagkakaupo ko sa kama, biglang sumagi sa isip ko ang lalaking bampira.
Bago matapos ang sembreak kailangan may malaman ako kung anong nangyayari at kung sino ang taong yun.
Inayos ko muna ang sarili ko, hinanap ko rin ang kwintas ko at sinuot yun bago bumaba.
Pagkarating ko sa dinning hall kung saan may mahabang lamesa at may mga upuan nakaupo ang mga Ascedants habang nasa magkabilang dulo ang Hari at Reyna.
Agad akong nagtungo para tumabi sa Reyna. Tahimik akong nakain habang sila masayang nagkwekwentuhan.
Paano ko malalaman lahat ng inililihim nila sa lalong madaling panahon? kung hindi ko malaman lahat kahit konti lang ok na.
"Catriona" tawag sakin ng Reyna
"May kailangan ka po ba?" tanong ko
"Wala naman namiss lang kita gusto mo bang tabihan kita sa pagtulog mo katulad ng dati?" tumango ako bilang tugon
"Mahal sino namang katabi ko kung tatabihan mo ang anak natin?" nagtatampo kunwaring sabi ng hari
"Ang sweet nila" bulong ni Titania na katabi ko lang
Hanggang ngayon mahal pa rin nila ang isa't-isa at hindi ako kailan man magsisisi na sila naging magulang ko.
A/N: Hindi ko sigurado pero wala yatang sweet scenes sa kwentong 'to.
Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?