CHAPTER 19

510 13 0
                                    

Catriona Reeve's POV


Naalimpungatan ako sa mahimbing kong pagtulog. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid pero wala kong nakikitang bakas ni Astevan.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto, maging sa sala na madadaanan bago ka makarating sa pinto palabas ay wala siya.

Hinawakan ko ang nakaukit sa pinto at binanggit ang buong pangalan niya gaya ng ginawa ni Jadiel, para kong iniluwa galing sa isang portal ng ginawa ko yun. Paglabas ko bumungad sa'kin ang kakahuyan na wala kong ideya kung paano ko matutuntun ang kinaroroonan ng mga magulang ni Haven.

Biglang sumagi sa isip ko ang kapangyarihang taglay ko. Itinapat ko ang kamay sa lupa na halos matabunan na ng mga tuyong dahon at inisip ang muka ng mga magulang niya ng sa ganon ay matunton ko sila.

Hindi nagtagal nalaman ko ang kinaroroonan nila. Tumingala ako sa itaas at nakita ang isang munting ibon na malayang nalipad, gamit ang aking kapangyarihan lumapit sa'kin ang ibon. Inilahad ko ang aking kamay ng sa ganon ay may makapitan siya.

"Ituro mo sa'kin ang kinaroroonan nila" hinawakan ko ang ulo niya at pinaalam sa kanya ang itsura ng mga taong hinahanap ko

Saglit niya kong tinitigan na tila ba naiintindihan ako bago siya lumipad. Sa tulong niya matutuntun ko ang mga magulang ni Haven.

Ilang oras na kong naglalakad pero wala pa ring bakas ng mga taong hinahanap ko. Saglit akong nagpahinga sa ilalim ng puno, ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako.

Isang kaluskos ang nakapagpagising sa'kin. Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo at hinanda ang sarili sa kung ano mang panganib.

"Sino yan?" tanong ko pero walang sumagot

May kakaiba kong presensyang nararamdaman.

"Catriona" napalingon ako sa isang tinig ng lalaki na tumawag sa pangalan ko

"Jadiel" kinabahan ako nang makita ko siya baka nandito siya para ibalik ako sa hide out ni Astevan

"Anong ginagawa mo dito?" may napansin akong kakaiba sa kanya, puro siya galos at sugat sa katawan

"Umalis ka na" iba ang naging sagot niya sa tanong ko

"Anong bang sinasabi mo?" kunot noo kong tanong. Lalapitan ko sana siya para gamutin ang mga sugat niya nang sigawan niya ko.

"TUMAKBO KA NA!" sigaw niya na ikinagulat ko dahil sa paglabas ng mga taong hindi ko kilala dakip ang Ascendants at mga magulang ko

Nanghina ako sa mga nakikita ko. Nakagapos ang mga kamay nila habang may takip ang mga bibig nila.

Ang kaninang malayang si Jadiel ngayon ay nakaluhod na habang tinatalian ang kamay at bibig.

"Magandang umaga mahal na Prinsesa" sarkastikong bati sa'kin ng taksil na si Phrixus

"Nagawa mo kaming linlangin dahil sa kapangyarihan" nanlulumo kong sabi

"Alam kong ayaw mong maging Prinsesa at mas gusto mo pang mabuhay ng normal, bakit hindi ka makipagkasundo sa'kin na ipasa mo ang lahat ng meron ka kapalit ng kalayaan ng mahal na Hari at Reyna" nakangisi niyang sabi

"Paano ang mga Ascendants?" tanong ko

"Pagmamay-ari ko sila kaya wala kang karapatan na hawakan sila" sagot niya

"Kailan man hindi naging isang bagay ang mga Ascendants kaya wala kang karapatan na ituring sila na para bang isang bagay!" paglilinaw ko sa sinabi niya

"Tapos ka na ba makipag-usap sa kaniya? baka pwedeng ako naman" napalingon ako sa nagsalitang si Demetrio

"Itali si Phrixus at busalan ang bibig katulad ng mga kasamahan niya!" napaawang ako ng labi ng marinig ang sinabi niya

"TRAYDOR KA!" sigaw ni Phrixus habang nagpupumiglas

"Nakakatawang isipin na sayo pa yan mismo nanggaling" pang-iinsulto nito sa kanya

Muling humarap sa'kin si Demetrio nang may nakakatakot na presensya at seryosong muka.

"Mamili ka bubuhayin mo ang mga magulang ko o papatayin ko sila kasama ang mga magulang ng isang Ascendant?" sabi niya

Napatulala ko sa sinabi niya, tiningnan ko ang mga kasamahan ko na lumalandas ang mga luha habang umiiling. Tumingin ako sa mga magulang ko na kampante lang ang itsura pero alam kong nangangamba sila.

"Paano kung ayoko?" matapang kong tanong

"Ganito mangyayari sa kanila" mabilis siyang lumapit kay Jadiel at sinaksak ng pilak na kutsilyo sa mismong puso nito

"JADIELLLLLLLLL" sigaw ko sa pangalan niya

Kita ko ang unti-unti niyang pagiging abo. Gustuhin ko mang lumapit sa kanya pero hinaharangan ako ng mga alagad ni Demetrio.

"Patawad sa mga nasabi ko, maraming salamat at narasan kong magkaron ng kaibigang katulad mo. Pakialagaan si Sanford" yan ang nabasa ko sa mga mata niya habang nakatitig ako at unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko




- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -



Haven's POV


Naalarma ko ng unti-unting magbago ang expression ng muka ni Ms. Catriona hindi pwedeng lukubin ng galit ang puso niya kundi makakasama sa kanya at sa mga taong nasa paligid niya.

Unti-unti kong nakita ang pagligid ng hangin sa kanya hanggang sa lumakas at tangayin ang mga duyong dahon. Napaatras ang mga utusan ni Demetrio kasama kami.

Ang mga puno at dahon ay unti-unting natutuyot at nagbabagsakan. Kailangan niyang kumalma! ginagawa ko ang lahat ng abot ng makakaya ko kanina bago pa mangyari sa kanya yan na mapatingin siya sa'kin ng sa ganon malaman niya ang iniisip ko pero hindi ako nagwagi.

Masamang tingin ang pinukol ko kay Phrixus. Kasalanan niya ang lahat ng 'to kung hindi siya nakipagsabwatan sa Demetrio na yan hindi sana mangyayari 'to!

"Anong nangyayari sa kanya!?" inis na tanong samin ni Demetrio

"SUMAGOT KAYO!" bulag ba siya o sadyang tanga lang? hindi niya ba naisip na nakatakip bibig namin

"Hoy ikaw alam kong nakakabasa ka ng isip anong nangyayari?" tuon niya ng atensyon sa'kin

Tiningnan ko lang siya. Paano ko makakasagot kung may takip bibig ko, tanga talaga.

Inis niyang tinanggal ang nakalagay sa bibig ko. Lumanghap ako saglit ng hangin bago siya sinagot.

"Dahil sa katangahan niyong dalawa ni Phrixus mamatay din kayo kasama namin sa kakahuyang 'to!" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahil sa sinabi ko

"Isa kang hangal para magsalita ng ganiyan sa harapan ko" nanggagalaiti niyang sabi

"Mamamatay rin naman tayong lahat bakit pa ko magsisinungaling sa harapan mo" isang ngisi ang umukit sa labi ko

"Paano ko siya mapipigilan?" tanong niya habang ang tingin ay na kay Ms. Catriona na nasa ere habang pinabalibutan ng hangin na tila ipo-ipo






A/N: Isang chapter nalang at epilogue na.

Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon