Catriona Reeve's POV
Madaling araw na pero gising pa rin ang diwa ko. Nandito ako ngayon sa hardin pinagmamasdan ang mga mapupulang rosas.
"Thinking about me?" bulong ng isang lalaki na ayokong makita sa lahat
Humarap ako pero sa paglingon ko wala siya. Inilibot ko ang tingin sa hardin pero wala siya.
Nagmamadaling akong umalis kaso biglang umihip ang malamig na hangin at sumabit ang suot kong damit na pantulog sa matinik na tangkay ng mga rosas.
"Trying to escape?" sa sobrang gulat ko natusok ako ng tinik.
Sa pagkakataong yun ramdam na ramdam ko na ang presensya niya. Mula sa likod ko hinawakan niya ang kamay kong walang tigil sa paghinto ang dugo. Napaharap ako dahil sa niyang palad. Sinipsip niya ang dugong walang tigil sa paglabas.
Marahas kong kinuha kamay ko sa kanya. Natatakot ako pero ayokong ipakita lalo lang akong hindi makakatakas sa kaniya kung alam niyang takot ako.
"You know that you can't escape from me Catriona. Isa pa hindi ka dapat nalabas ng silid mo ng ganitong oras" hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o hindi
"Tama ka isang malaking pagkakamali na lumabas ako ng kwarto ko dahil nakita na naman kita"
"Gusto mong malaman kung sino talaga ko? at kung anong nangyayari sa paligid mo lahat yun kaya kong sagutin pero..." putol niya sa sinasabi niya
"Pero anong kapalit?" tanong ko
"Sasama ka sa'kin" dugtong niya
"Paano kung ayoko ko?"
"I will stay with you in your room until morning"
Wala naman pala kong pagpipilian mas mabuti nalang sumama ko.
"T-Then... I'll go with you" pagkasabi ko nun agad niya kong binuhat na parang bagong kasal
Mabilis ang bawat kilos niya ilang minuto lang nasa loob na kami ng isang terrace. Mula sa kinatatayuan ko nilingon ko ang loob, mukang nasa terrace kami ng isang kwarto.
Binaba niya ko pagkarating namin sa terrace. Humarap ako at pinagmasdan ang langit kung saan nagsisilbing liwanag ang buwan sa madilim na kinalalagyan namin.
Humawak siya sa railings ng terrace at kinulong ako kasabay nun naramdam ko ang labi niya sa leeg ko.
Kinakabahan na naman ako, tama bang sumama ko sa kaniya?
Dahil nakatalikod ako sa kaniya naisipan kong humarap. Sa pagharap ko nakita ko ang pagkinang ng namumula niyang mata dahil sa reflection ng buwan.
"Ano ba talagang pakay mo sa'kin Astevan?" sa unang pagkakataon nagawa kong banggitin ang pangalan niya sa harapan niya
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya matapos kong banggitin ang pangalan niya.
"I need your blood to resurrect my parents" nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na...
"Hindi ko inaasahan na kaya mong ibalik ang buhay ng mga taong pumanaw na" komento niya dahil sa naging reaksyon ko
"Paano mo nalaman ang bagay na yan?" tanong ko
"Magkalaban ang pamilya natin dahil sa magkaibang dugong nanalaytay satin. Bilang katunggali niyo kailangan naming pag-aralan ang mga kakayahan at kahinaan niyo. May kakayahan ang ama mong sumira ng kahit anong naisin niya habang ang ina mo naman ay may kakayahang ayusin ang lahat ng naisin niya at ikaw na naging bunga nila nakuha mo ang parehong kapangyarihan na meron sila idagdag mo pa na kaya mong kontrolin ang labing dalawang zodiac signs na tinatawag niyong Ascendants at gamit ang dugo mo kaya mong bumuhay ng patay" paliwanag niya
"Pinatay ng mga ninuno mo ang mga magulang ko dahil sa pag-aakalang sila ang nag-umpisa ng gulo na tumapos sa maraming buhay ng magkabilang panig kaya bilang kabayaran gusto kong buhayin mo sila. Hindi ko nalaman ang kakayahan mong bumuhay dahil sa pag-aaral sa kakayahan niyo kundi dahil sa pagsubaybay ko sayo mula ng isilang ka hanggang sa paglaki mo" nagulat ako sa mga nalalaman ko
"Kung hindi sila ang nag-umpisa ng gulo... sino?"
"Ang magulang ni Demetrio na pinsan ko" pag-amin niya
"Huwag kang sasama sa kanya baka hindi ka na makabalik sa inyo. Gaya ko nalaman niya rin ang tungkol sa kakayahan mo at gusto niyang buhayin mo ang magulang niyang pinatay ng magulang ko dahil sa pagiging traydor" bakas sa tinig niya ang hinanakit sa mga yun
"Pero ang patay hindi na dapat muling binubuhay" mahigpit niya kong sinakal na halos malagutan na ko ng hininga
"Wala kong pake, ang gusto ko buhayin mo sila! kung hindi dahil sa pamilya mo buhay pa sana sila!" malamig niyang sabi
"Bubuhayin mo sila bago matapos ang sembreak o mga magulang mo ang susunod na mahihimlay" pagbabanta niya bago binitawan ang leeg ko
Napaupo ako sa sahig habang umuubo. Hindi ko pwedeng gawin yun pero natatakot akong gawin niya ang pagbabanta niya.
Hindi pa ko gaanong nakakarecover sa ginawa niya ng muling buhatin niya ko at ilapag sa kama niya.
"That's all I want Catriona at hahayaan ko kayong mabuhay ng mapayapa"
Paano ko makakasiguro na gagawin niya ang pangako niya?
Naramdaman ko ang pagbaon ng pangil niya siya sa leeg ko at ang pagkasabik niya sa dugo ko.
Ilang minuto lang tumigil na rin siya at nahiga sa tabi ko. Napapikit ako sa sobrang sakit habang nakahawak sa damit niya.
"I-Ibig sabihin ba h-hindi pa ko isinisilang buhay ka na?"
"Oo, ilang dekada na kong nabubuhay habang pinagmamasdan ka sa malayo" sagot niya habang nakatingin sa kawalan
"Ang bata pa ng itsura mo parang hindi ka tumatanda"
"Mabagal ang pagtanda naming mga bampira hindi katulad niyo"
"Pero di ba hindi kayo pwedeng maarawan kundi masusunog kayo? may amulet ka rin ba na nagproprotekta sayo gaya ng nabasa ko sa libro?"
"Nasa modernong mundo na tayo Catriona pero nagpapaniwala ka pa rin sa mga ganon. Isang ritwal ang ginagawa namin para malaya kaming makalabas araw man o gabi" paliwanag niya
Hinawakan ko ang dibdib niya kung nasaan banda ang puso niya, nagulat ako dahil sa paglapat ng kamay ko wala kong naramdamang pintig ng puso.
"Bampira ko kaya marami akong pagkakaiba sayo hindi katulad mo may puso kang natibok, na sa oras na tumigil isa yung sanhi ng pagkawala ng buhay mo" sabi niya
Saglit akong napapikit habang nakapatong ang palad ko sa dibdib niya.
"Hindi man natibok ang puso mo pero katulad namin may pakiramdam din ang mga katulad niyo. Puno ka ng galit at poot sa puso mo wag mong hayaang mag hari yun at lamunin ka, alam kong mabait ka pero hindi ko kayang gawin ang gusto mo" inis niyang inalis ang kamay ko sa dibdib niya
"Ang tanggal kong hinintay ang araw na 'to hindi ko hahayaan na hindi mangyari ang gusto ko" walang emosyon niyang sabi
Tumayo siya sa pagkakahiga kaya maging ako tumayo din.
Pumunta ko sa harapan niya at pinagmasdan ang muka niyang walang emosyon bago ko sakupin ang pagitan namin at halikan siya.
Sa paglapat ng labi ko sa labi niya naramdaman ko ang saglit na pagtibok ng puso niya. Napangiti ako sa nangyari sabay layo sa kanya, tama ang hinala ko.
Ang walang emosyon niyang muka ay napalitan ng gulat, pagtataka at tanong dahil sa ginawa ko.
A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?