Holden's POV
"Ahm... Phrixus may pasok pa kami baka pwede ng umalis?" nahihiyang paalam ni Ms. Catriona pagkatapos namin kumain
Hindi ako nagsisisi na maging isa sa mga 12 Ascendants para tulungan siyang protektahan ang nasasakupan niya.
Lumaki siyang mapagmahal at maunawain kaya hindi ko maintindihan kung bakit maraming ayaw na siya ang susunod na mamumuno samin.
"You can go may pag-uusapan lang kami" sagot niya
"Sige hintayin ko nalang kayo matapos mag-usap para sabay-sabay na kami" nakangiti niyang sagot
"Catriona-" napatigil si Titania sa pagsasalita nung maalala niyang kasama namin si Phrixus at kailangan niyang igalang si Ms. Catriona
"I mean Ms. Catriona... mauna ka na susunod nalang kami ok? wag kang pupunta sa kung saan-saan ng wala kang kasama kahit isa samin baka mapano ka" paalala niya
"Bakit pinapauna niyo ko pwede ko naman kayong hintayin" ang cute niya talaga lalo na kapag nagtatampo
"Hindi ko ba pwedeng marinig pag-uusapan niyo?" tanong niya
"Hindi ka naman namin paaalisin kung pwede mong marinig pag-uusapan namin" singit ni Haven sa usapan
"Haven!" saway sa kanya ni Phrixus
"Should I punish you and Titania for disrespecting the next ruler of our clan?" halatang natakot yung dalawa
"S-Sorry" sabay na sabi nung dalawa
"Hindi mo sila kailangan parusahan para lang sa ganong kasimpleng bagay. Wala tayo sa palasyo para maging pormal masyado, isang normal na estudyante lang ako sa lugar na 'to" napangiti ako sa sinabi niya
"Mauna na ko, hintayin ko nalang kayo sa room" maglalakad na sana siya paalis nang pigilan siya ni Chrion
"Baka matagalan kami, kunin mo na 'tong jacket ko baka lamigin ka, sigurado akong wala kang dala" pinatong niya sa balikat nito ang jacket
"Salamat" nakangiti niyang pasasalamat bago tuluyang umalis
"Can I start now?" tanong ni Phrixus samin, tumango kami bilang tugon
"Alam niyo naman ang nangyari sa Reeve at Sanford Clan? base sa nakalap kong balita may magtratransfer dito na isang Sanford, hindi alam ng nakatataas kung ayun ba ang dating anak ng yumaong namumuno sa mga Bampira" naalarma ko sa sinabi niya, kahit na kasi nasa iisang palasyo lang kami magkaiba naman ang ginagawa namin kaya bihira lang kami magkita-kita sa loob ng palasyo sa lawak nun
Ang mga Sanford Clan ay mga bampira na hinahunting namin dahil sa pagpatay nila ng mga Royals at sa mga nasasakupan namin.
Mortal na magkaaway ang Reeve at Sanford Clan, lalo pang tumindi ang hidwaan sa pagitan ng dalawa nung mapatay ng dating mga Royals ang namumunong mag-asawang Bampira. Base sa mga salinlahing kwento may nag iisang anak ang dating namumumo sa Sanford Clan na walang nakakakilala at tinago nila matapos ang madugong hidwaan sa pagitan ng dalawang angkan. Walang nakakaalam sa muka ng anak nila maliban sa mga yumao naming mga ninuno.
Ang mga galing sa royal family ay may dugong nanalaytay na kayang pahabain ng mas matagal ang buhay ng isang bampira kaysa sa normal na dugo ng tao at mas magiging malakas sila lalo na kapag ang ininom nilang dugo ay dugo ng isang pure blood na royals katulad ng pamilya nila Ms. Catriona.
"Gusto kong mas mag doble ingat kayo sa oras na dumating ang Sandford na yun, hindi natin alam kung anong balak nila" dagdag niya
"Leander ikaw ang aasahan ko sa pagprotekta sa Prinsesa. Hugo at Daphne kayo ang aasahan ko sa pagplaplano at pag-alam ng totoong pakay ng Sanford. Chrion at Titania kayo ang magbabantay sa bawat galaw ng Prinsesa at ikaw Sioux sa oras na kailangan ng kausap o makakasama ng Prinsesa ikaw ang pumalit at umalalay sa kanya. Sa oras na pumalpak kayo sa misyon niyo lahat tayo mananagot" utos niya sa anim
"Kung wala kayong tanong pwede na kayong umalis" nagsitayuan na kami sa pagkakaupo
"Mag-ingat kayo" paalala ni Harmony sa kanila
Nagpaalam na kami sa kanila bago kami umalis sa eskwelahan. Gusto ko rin sanang mag-aral kasama niya kaso hindi ako kabilang sa mga napiling magbabantay sa kanya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Catriona Reeve's POV
Nakasimangot akong naglalakad papunta sa room namin. Ang daya iniwan nila ko tapos bawal ako pumunta sa kung saan-saan.
Pinagsisipa ko ang mga maliliit na bato nang hindi sinasadyang mapalakas ang sipa ko at may matamaan ako.
"Arayyyy!" daing ng kung sino man kaya agad akong nag-angat ng tingin
Mabilis ko siyang nilapitan para makita kung malala ba ang pagkakatama ng bato sa kanya.
"Halaaaa sorryyyy hindi ko sinasadya" kinakabahan kong sabi
"Bakit kasi pati bato pinag-iinitan mo?" tanong niya sakin
"Himala wala mga bodyguards mo" komento niya habang tila may hinahanap sa tabi ko
"Iniwan nila ko" nakasimangot kong sabi
"Sorry ha, masakit ba?" tanong ko habang sinusuri ang muka niya kung saan siya tinamaan
"Ikaw kaya tamaan ng bato hindi ka ba masasaktan?" tanong niya kaya napaisip ako
"Hmm... depende siguro sa impact" sagot ko
Kita kong pagsampal siya sa noo niya na tila problemado.
"Ewan" nangungunsumi niyang sabi
"Ano nga palang pangalan mo? hindi kasi kita kilala pero pamilyar ka" nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin ng sabihin ko yun
"Seryoso ka sa tanong mo?" tumango ako bilang sagot
"Aba ang lupit mong babae ka ilang beses na tayong naging magkaklase hindi mo pa pala ko kilala?" hindi makapaniwala niyang sabi
"Hindi, pasensya na mga kasama ko lang kilala ko pati si Astevan dahil kila Daphne. Hindi kasi nila ko pinapayagan makipag-usap sa iba kung hindi nila alam o kaya hindi ko kasama kahit isa manlang sa kanila" paliwanag ko
"Grabe ganyan talaga kapag anak mayaman" napatitig ako sa sinabi niya
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Hindi sa iniinsulto kita pero karamihan sa nag-aaral dito anak mayaman, mga ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig mga hindi pinapalapit sa mga katulad naming mahihirap" paliwanag niya
"No, that's not what I mean pwede naman akong makisalamuha sa iba basta alam nila kung kanino ko makikipag-usap" apila ko
"Kasi wala kayong tiwala sa mga katulad namin" malungkot niyang sabi
"Hindi sa ganon..." paano ko ba ipapaliwanag? Ako nga rin hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng makipag-usap sa iba ng hindi alam ng isa sa anim kong kasama
"Hmm... ganito nalang simula ngayon kaibigan na kita" sumigla ang muka niya ng sabihin ko yun
"Sigurado ka?" paninigurado niya
"Oo naman" masayang sagot ko
"Ishico De Avila" pakilala niya sabay lahad ng palad na tinanggap ko rin
Sabay kaming pumasok sa room at halos magdasal ako ng ilang beses na sana huwag akong maunahan nung anim na dumating sa room.
A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?