Haven's POV
Nagulat ang buong palasyo sa nasaksihang insidente, halos walang makapaniwala na may gagawa nun sa dalawa sa loob pa mismo ng palasyo.
Base sa reaksyon ni Ms. Catriona halatang dismayado siya sa kanyang sarili dahil sa nangyari.
Ilang oras na ang nakakalipas wala pa ring nagigising sa kanila.
"Malaki ang posibilidad na sisihin ka ni Titania kapag nagising siya" sabi sa'kin ng taong may gawa sa sinapit ng dalawa
"Ayos lang sa'kin, hindi naman talaga ko ang may gawa sa kanila niyan" kalmado kong sagot pero sa totoo lang ilang beses ko na siyang pinatay sa isip ko
"Mas lalo mong pinapatuyan ang tapang na meron ka... pero hindi ka ba natatakot sa pwede nilang gawin sayo?" tila namamangha niyang sabi
"Mas matapang ka kumpara sa'kin, nagawa mo ngang bisitahin ang dalawa kahit alam mong ikaw ang sanhi ng muntikang pagtigil ng mundo nila" masamang tingin ang ginawad ko sa kanya habang siya naman nakatingin kay Titania na wala pa ring malay
"Hindi habang buhay maitatago mo ang lihim mo, darating ang araw na mapaparusahan ka" pipihitin ko na sana ang pinto para makaalis nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako
"Hindi ko hahayaang mangyari yun" iwinaksi ko ang kamay niyang may bahid ng kasamaan
Ilang tao na kaya ang napahamak dahil sa kasakiman niya? ilang tao pa ba ang magsasakripisyo para sa kaligayahang gusto niyang makamtan? May mga tao pala talagang hindi marunong makuntento, katulad niya.
Naisipan ko munang magpalamig sa hardin para mabawasan naman mga iniisip ko. Hindi ko inaasahan na darating si Sioux.
"Mukang iniisip mo rin ang kalagayan ng dalawa" sabi niya habang nakapikit at dinadama ang sariwang hangin
"Ngayon lang kita nakitaan ng ganyang reaksyon sa tagal nating magkakilala" sa pagmulat niya ng mga mata nakatingin na siya sa'kin ng seryoso
"Hindi kita pinaghihinalaan na ikaw ang may gawa nito Haven pero sana wala kang kinalaman sa mga nangyayari. Siya nga pala wala kong kakayahang basahin ang nasa isip mo, lahat ng sinabi ko ay base sa nakikita ko"
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko mang magpaliwanag ano namang saysay nun kung mapapahamak ang pamilya ko.
"Naiipit ka sa dalawang sitwasyon na hindi mo alam kung ano ba ang tamang desisyon pero sana tama ang pinili mo"
"Mauuna na ko sa loob sumunod ka nalang, malapit na tayo kumain ng gabihan" paalam niya
Tama nga ba ang naging desisyon ko o katulad ng taong yun nagiging makasarili rin ako? Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko na talaga alam ang dapat gawin.
Pagpasok ko sa loob ng palasyo dumiretso ako sa dining hall kung saan ako nalang pala ang hinihintay.
"Paumanhin sa paghihintay" yumuko ako bilang pagbibigay galang sa Hari, Reyna at maging kay Ms. Catriona na malalim ang iniisip
Sobrang tahimik ng hapag tila walang gustong magsalita na halos bawat paggalaw lang ng mga kubyertos ang maririnig mong ingay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Catriona Reeve's POVMaraming masarap na pagkain ang nakahain sa harap ko pero wala kong gana kumain, halos gawin ko ng lugaw ang bawat pagkaing sinusubo ko.
Nag-angat ako ng tingin sa mga kasama kong kumakain ng magtagpo ang tingin namin ng taong makakasagot sa tanong ko. Isa siya sa mga taong nandito sa palasyo na may kakayahang makapagbasa ng isip gaya ko.
Nag-iwas siya ng tingin nung magtapo ang tingin namin, katulad ng iba ayaw niyang malaman ko ang katotohanan pero kung hindi ako kikilos mas maraming buhay ang mapapahamak.
Pagkatapos naming kumain umakyat kami sa kanya-kanya naming kwarto. Pinalipas ko ang ilang oras bago siya pinuntahan sa kwarto niya at siniguro kong tulog na siya bago ko pumasok sa loob.
Pagpasok ko natutulog siya ng mahimbing. Mahina kong hinaplos ang buhok niya pababa sa muka niya. Hinawakan ko ang kamay niya saka pumikit kasabay ng pagliwanag ng kamay ko.
Pareho kaming may kakayahang makapagbasa ng isip ang pinagkaiba lang naming dalawa ay kaya kong malaman lahat ng nasa isip mo kahit hindi kita tingnan sa mga mata basta mahawakan kita.
Iba't-ibang imahe ang nakikita ko hanggang sa makita ko na ang hinahanap ko. Halos mapaatras ako nang makita ang taong nagawa kaming pagtaksilan.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kwarto ni Chrion. Mukang naalimpungatan pa siya dahil sa biglang pagsulpot ko. Sinabi kong bantayan niya si Haven buong gabi at wag iiwan mag isa.
Nagmamadali akong lumabas ng Palasyo at nagpunta sa kakahuyan. Isang malamig na kamay ang pumigil sa pagmamadali ko.
Kampante akong si Astevan yun ngunit laking gulat ko ng isang hindi kilalang lalaki ang tumambad sa harapan ko
"Anong ginagawa ng isang Prinsesa sa ganitong lugar?" napaatras ako nang makita ang isang hindi kilalang lalaki
Akala ko si Astevan... siya lang ang lalaking humahawak sa'kin na may malamig na temperatura.
"S-Sino ka?" tanong ko pero bigla siyang nawala sa paningin
"Demetrio Sanford" bulong niya sa tenga ko na ikinagitla ko
Demetrio Sanford? pamilyar siya saan ko nga ba narinig ang pangalan niya?
"Pinsan ni Astevan" ngiti niya pero kilabot ang ibinibigay sa'kin nun
Tama! nakwento na siya sa'kin ni Astevan, traydor daw ang mga magulang niya na naging sanhi ng malaking gulo.
"Mauuna na ko" lalakad na sana ko pero hinarang niya ang daraanan ko
"Pupuntahan mo ba ang magulang ng isa sa mga Ascendants mo?" siya yung pinagbibigyan niya ng impormasyon!
"Sa tingin mo hahayaan kita?" kita ko ang mapupula niyang mata na katulad kay Astevan
Bago pa siya tuluyang makalapit sa'kin tumakbo na ko pero sa isang iglap lang halos ilang hakbang nalang ang layo niya mula sa kinatatayuan ko. Ito na yata ang oras para gamitin ko ang natutunan ko.
"En el nombre de Sagitario prestame tu fuerza!"
[In the name of Sagittarius lend me your strength!]
Isang bow and arrow na kulay ginto at nagliliwanag ang lumabas mula sa mga palad ko
Sinubukan ko siyang patamaan pero ni isa wala manlang tumama sa kanya lahat nagmintis.
"Mukang kulang pa ang kaalaman mong natutunan hahaha" natatawa niyang sabi habang umiiling pa
Sa pagkurap ng mga mata ko nasa harapan ko na siya at hawak ang leeg ko na halos durugin niya na.
Humugot ako ng lakas bago sinubukang makawala sa pagkakasakal niya sa'kin. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya sabay ikot at pinilipit yun.
Umuubo kong napasandal sa isang matayog na puno.
"May ibubuga ka rin naman pala" sabi niya na may halong pag ngisi.
Habang nakasandal ako sa matayog na puno isang malamig na kamay na naman ang humablot sa'kin.
A/N: Pinag-iisipan ko kung hanggang chapter 20 lang o hanggang 25 depende sa trip ko.
Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?