CHAPTER 13

495 12 0
                                    

Titania's POV

Pagkagising ko nagpunta agad ako sa garden kung saan nag eensayo sila Catriona. Hindi naman kasi talaga kami nagpunta sa palasyo para mag relax kundi para sanayin si Catriona kailangan niya kasi makatutunan ang gamitin ang 12 constellation.

Si Leander nagtuturo sa kanya ng  combat. Base sa itsura nila mukang kanina pa sila nag eensayo dahil pareho na silang tagaktak ang pawis.

Nilingon ko ang mga taong nanonood sa kanila. Maging ang Hari at Reyna pinapanood sila at mukang ayaw nilang nag eensayo si Catriona, para kasi sa kanila isang Prinsesa si Catriona na dapat protektahan at hindi hinahayaan makipaglaban pero dahil alam niya ang tungkulin niya hindi niya hinayaan ang mga magulang niya na maging pabigat lang siya sa kanila dahil siya na ang susunod na mamumuno at hindi sa lahat ng oras nasa tabi niya kami para protektahan siya.

Nahagip ng paningin ko si Haven na nakatingin din kila Catriona habang nakangisi. Posible kayang siya ang traydor? mga bata palang kami siya na ang pinakamailap samin, ang hirap makipagkaibigan sa kanya.

Hindi ko inaasahan ang paglingon niya sa'kin na mas lumawak ang ngisi sa labi niya. Naglakad siya paalis kaya sinundan ko siya.

"Haven!" tawag ko sa kanya na ikinatigil niya

Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin at pinagmasdan ako sa mga mata. Gaya kanina hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi niya na para bang nang iinsulto.

"Kung ako yung iniisip niyong traydor matagal ng wala si Cheyenne dahil sa ingay ng bibig niya at ikaw ang isusunod ko dahil sa mapanghinala mong tingin" nanlaki ang mga ko sa sinabi niya

"W-Wala kong sinabing..."

"T-Teka akala ko kami lang nakakaalam dahil wala siyang pinagsabihan ng kahit na sino dito. Ibig bang sabihin..."

"Gamitin mo yang utak mo Titania at wag yang mata mong nililinlang ka lang" sabi niya sa'kin sabay alis

Napaisip ako saglit sa sinabi niya, kung hindi siya ang traydor ibig sabihin nasa limang Ascendants na nandito sa palasyo ang traydor pero sino?

Agad kong hinanap si Cheyenne, nag punta ko sa library kung nasaan siya lagi.

"Cheyenne!" tawag ko sa kanya, agad siyang nag angat ng tingin at tinigil ang ginagawa

"Bakit may problema ba?" tanong niya

"Akala ko ba kami lang pinagsabihan mo na may traydor sa palasyo? bakit pati si Haven nalaman niya?"

"Oo nga kayo lang-"

"T-Teka anong sabi mong alam niya!?" gulat na may halong pagtataka ang naging reaksyon niya gaya ko

"Nakausap ko siya kanina lang" sabi ko

Pareho kaming napaisip kung paano nalaman ni Haven yun gayong kami lang na nasa school na Ascendants ang sinabihan ni Cheyenne.

"Imposible... sa ating labing dalawa ang kapangyarihan mo lang ang alam namin dahil isa kang healer na malaki ang ginagampanan" sabi niya sa'kin

"Ikaw ano bang kapangyarihan mo?" tanong ko

"Kaya kong makasagap ng impormasyon sa madaling salita kaya kong marinig ang usapan ng kung sino man para makakuha ng impormasyon pero may limitasyon ang layo" sagot niya

Sa tagal naming magkakasama ngayon ko lang narealize na hindi pala namin alam ang kakayahan ng bawat isa.

Sa tanang buhay namin hindi nga yata namin napag-usapan ang kakayahan ng bawat isa basta maprotektahan lang namin si Catriona.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Haven's POV


Sa pag-alis ni Titania ang siyang pagsulpot niya.

"You should tell her na ako ang may pakana ng lahat"

"Paano ko magagawang sabihin yun kung alam kong hawak mo ang magulang ko. Akala ko pa naman matalino ka, tsk!" pang iinsulto ko sa kanya na may halong inis

Wala siyang utang na loob pagkatapos siyang pagkatiwalaan ng lahat ganito gagawin niya. Pagkatapos ibahagi ni Ms. Catriona ang kapangyarihan niya nagawa pa kaming traydurin

"Pagsisisihan mo lahat ng ginagawa mo. Sisiguraduhin ko yun lalo na kapag dumampi yang kamay mo kay Ms. Catriona" pagbabanta ko

"Hindi ko pagsisisihan lahat ng 'to kung alam kong makukuha ko naman ang gusto ko. Masyado niyong iniisip kung paano siya protektahan kung siya nga mismo pinapahamak ang sarili niya"

Alam naming dalawa na magkasama si Astevan at Ms. Catriona kagabi, gustong-gusto kong pigilan siya na wag sumama sa lalaking yun pero wala kong magawa.

Bago pa malaman ni Ms. Catriona na si Astevan ang anak ng namayapang Sanford nalaman ko na dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Sabay tayong magdudusa Haven, sasabihin kong kasabwat kita sa oras na mabunyag nila ang sekreto ko" hinawakan niya pa ang muka ko, inis ko yung tinapik

"Kahit buhay ko pa ang kapalit dahil sa paglilihim ko ng katotohanan sa kanila para lang mapanatiling buhay ang magulang ko tatanggapin ko"

"Kaya kita nagustuhan dahil sa tapang na meron ka. Magiging masaya rin tayong dalawa sa oras na matapos ang lahat" kinilabutan ako sa mga pinagsasabi niya

"Wala kong balak makasama ka sa sinasabi mong impyerno, kung gusto mo magdusa mag isa  ka wag mo na kong idamay"

Iniwan ko siyang nakatayo dun mag isa. Nagpunta ko sa tambayan ko kung saan payapa ang lahat at puro mga puno at mga bulaklak ang makikita.

Tumingala ko sa asul na langit kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

"Sorry Ms. Catriona hindi ko gusto ang lahat ng 'to pero wala kong alam na paraan para mailigtas ang mga magulang ko"

"Mas mabuti ng gaya nila isipin mo rin na traydor ako kaysa mawalan ng magulang"

"Handa kong tanggapin ang parusang nakalaan para sa ginawa kong kasalanan"

Bata palang ilap na ko sa mga kapwa ko Ascendants halos lahat sila kasundo ang isa't-isa maliban sa'kin pero may isang tao na pilit pinapasok ang mundo kong nakasarado at yun ay si Ms. Catriona.

Siya lang ang taong masasabi kong kaya kong pagkatiwalaan bukod sa mga magulang ko. Siya lang yung taong nagparanas sa'kin kung paano magkaroon ng isang kaibigan na masasandalan mo sa ano mang oras.

Gustong-gusto ko sabihin sa kanya lahat pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang makausap simula nung dumating sila pero hindi ako makalapit dahil sa taong nakamasid sa bawat galaw ko, kailangan si Ms. Catriona unang makipag-usap sa'kin para hindi ako paghinalaan ng taong yun.

Kaya kong magbasa ng isip pero kung alam ng isang tao na may kakayahan akong ganon at hindi ako hinahayaan na mabasa ang isipan niya wala ring silbi ang kakayahan ko gaya ng taong may hawak sa magulang ko, alam niya ang kakayahan ko at tuwing magkausap kami hindi siya diretsong nakatingin sa mga mata ko para hindi ko mabasa ang nasa isip niya.






A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon