Ishico De Avila's POV
Isang linggo makalipas ang napakasayang retreat namin bukas sembreak na WOOOOOHHHH PARTEH~ PARTEH BABY~
Nandito kami ngayon nila Catriona sa garden, dito namin ngayon naisipang maglunch para maiba naman.
Kinuha ko sa bag ang librong pinagkakaabalahan kong basahin ngayon tungkol yun sa mga vampires. Mahilig ako magbasa ng mga tungkol sa supernatural, ang astig kasi hindi mo alam kung maniniwala ka ba o hindi sa sobrang nakakabilib.
"Guys may tanong ako" sabi ko sa kanila, dahil lunch ngayon halos busy lahat ng kasama ko sa pagkain
"Spill it" sagot ni Zie
"Bakit hindi nakikita ng mga bampira ang sarili nila sa salamin?" dahil sa naging tanong ko naagaw ko ang atensyon nila kaya napangiti ako dahil mukang interesado silang malaman
"Hindi ba nila nakikita sarili nila sa salamin?" takang tanong ni Ainhoa habang nakakunot ang noo
"Hindi" sagot ko, tumango pa siya bilang pag sang-ayon
"Transparent kasi sila, yung liwanag tumatagos lang sa katawan nila kaya wala silang reflection sa salamin" paliwanag ko
"Wow! ang galing naman!" pumalakpak si Zie sa pagkamangha
"Ako pa ba?" sabay kindat ko
"Eww Ishico nakakadiri ha" maarteng sabi niya
"Alam mo rin ba kung paano maging bampira?" tanong ni Zie
"Base dito sa librong nabasa ko may iba't-ibang paraan kung paano maging bampira. Pwedeng kapag ininom mo yung dugo nila o di kaya sa pamamagitan ng ritwal pero konti lang ang nagawa ng ritwal dahil masyadong matagal at maproseso at konti lang ang chance na maging successful" sagot ko
"It's better if you stop reading that kind of book" sabi ni Hugo habang nakatingin sa librong hawak ko
"Wala namang masama kung gusto kong madagdagan kaalaman ko" sagot ko, tinago ko pa sa likuran ko yung libro muka kasing balak ni Hugo na pagsamantalahan ang aking mahal na libro. Magkakamatayan muna kami bago mangyari yun!
"I agree with Hugo, curiousity kills remember?" nakangising sabi ni Daphne habang nakatingin sa mga mata ko
"Bakit mga bampira ba kayo kaya ayaw niyo kong magbasa ng ganito? hahaha" biro ko sa kanila pero mukang mali ang ginawa ko dahil mas lalong naging seryoso itsura nila
"Walang mali sa ginagawa ni Ishico gusto niya lang naman palawakin kaalaman niya" pagtatanggol sakin ni Jadiel
"Ohh sorry it's our fault" sarkastikong sabi ni Daphne
"Siya bahala, habang dumarami ang nalalaman niya mas lalo niya lang pinapahamak sarili niya" dahil sa hinhin ni Sioux magsalita hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi
"Chill lang tayo ha, ang hot niyo masyado" sabi ko
"Balik na tayo sa room malapit na mag next class" aya ni Catriona
Nagsitayuan na kami sa pagkakaupo at tinapon sa basurahan mga kalat namin bago kami umalis ng garden.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Daphne's POV
Pagkarating namin sa room naupo kami sa kanya-kanya naming pwesto. Mula sa kinauupuan ko tanaw ko si De Avila na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Maaga siyang mawawala sa mundong 'to kung ipagpapatuloy niya yang ginagawa niya. Gaya ng sabi ni Dixon walang mali sa ginagawa niya ang problema pinapahamak niya lang sarili niya na dadagdag sa problema naming mga Ascendants.
"Hahayaan nalang ba natin siya?" tanong ko kay Hugo na busy sa binabasang libro
Sinara niya ang librong hawak sabay buntong hininga bago sumagot.
"Ikaw na bahala sa kanya, hindi pwedeng may mapahamak sa mga estudyanteng nandito, habang nandito tayo" sagot niya
"Ok, I got it" nakangiti kong sagot
"You're not allow to do anything that will harm him" paalala niya
"Yeah, whatever"
Nag simula na ang unang subject matapos ang lunch break pero ako busy kakaisip kung anong magandang gawin kay De Avila.
"Hoy makinig ka nga" bulong sakin ni Leander
"Shut up Leander" sabay irap ko kahit nasa harapan ang atensyon ko
Sumunod na subject ay P.E. class na kaya naman nagsitayuan ang lahat para magpalit ng P.E. uniform habang ako prenteng nakaupo pa rin.
"Hindi ka aattend sa P.E. class?" tanong ni Catriona
"Susunod ako, mauna na kayo" sagot ko
Hinintay ko munang makaalis ang lahat bago ko lumapit sa upuan ni De Avila para kunin ang libro.
Mga basic info lang naman laman ng librong yun pero kahit ganon hindi namin pwedeng palampasin yun.
Busy ako sa paghalungkat sa bag niya nang biglang isang kamay ang humawak sa wrist ko para matigilan ako sa ginagawa ko.
"Come on Dixon back off!" irita kong utos pero hindi manlang siya nag abalang kumilos para bitawan ako
Habang tumatagal ang hawak niya may kakaiba kong nararamdaman.
"Who the hell are you Jadiel Dixon?" sinalubong ko ang tingin niya
Sinubukan kong manipulahin siya sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata niya na sa isang iglap tila may pulang liwanag na mabilis na nag flash.
Napaatras ako sa gulat at napalunok sa kaba. He's not a human, he's...
"Daphne!" tawag ni Catriona sakin
Mabilis na binitawan ni Dixon ang wrist ko at lumapit sa upuan ni De Avila sabay kuha sa bag bago umalis ng classroom at iwan kaming dalawa ni Catriona.
"B-Bakit?" nauutal kong sabi
"May nangyari ba? bakit parang namumutla ka?" tanong niya sa'kin ng makalapit siya sa pwesto ko
"Nag-away ba kayo ni Jadiel?" tanong niya muli pero ayaw na bumuka ng bibig ko para magsalita
"Namumula yung palapulsuhan mo" inangat niya ang wrist kong hawak kanina ni Dixon, namumula nga gaya ng sabi niya halos bumakat ang kamay ni Dixon sa wrist ko
"Daan muna tayo sa clinic bago pumunta sa gym" mungkahi niya pero tinanggihan ko lang
"Baka ma-late tayo, tara na" aya ko sa kaniya
Wala ko sa sariling naglalakad, kinakausap niya ko pero wala kong maintindihan. Hindi maalis sa isip ko ang naramdaman kong kakaiba kay Dixon. Paano nila kami nasundan? paano nila nasundan ang Prinsesa? siya ba ang nag iisang anak ng dating Sanford?
Nilingon ko si Catriona na masayang nagkwekwento. Alam kong hindi ako naging mabait sa kanila pero hindi ko hahayaang mapahamak siya. Hindi ko hahayaang mawala ang ngiti sa labi niya.
Malapit na kami sa gym nang may mapansin akong lalaking kahina-hinala na nagmamasid sa mga estudyanteng nasa loob ng gym.
A/N: Pasensya na kung minsan biglang naiiedit yung ibang chapters may mga scenes kase na hindi nagtutugma kaya kailangan ko i-edit sa tagal ko ba naman mag update nawawala na ko sa flow.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?