CHAPTER 02

1.2K 25 0
                                    

Leander's POV


Nagising ako sa kakatunog ng cellphone ko. Alam ba ng lintik na 'to kung anong oras palang!?

"HOYYY KUNG HINDI MO ALAM PWES IPAPAALAM KO SAYO NA NAKAKAISTORBO KA!" katahimikan lang ang narinig ko mula sa kabilang linya

"Are you done?" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang nakakatakot niyang boses sabay tingin sa caller, anak ka ng nanay mo si Phrixus!

"P-Pasensya na akala ko kung sino" kabadong sabi ko sabay bangon sa kama

"May problema ba diyan kaya ka napatawag?" tanong

"Tell her that we're here" nilukob ako ng kaba sa dibdib nung sabihin niya yun

Mabilisang ligo lang ginawa ko, hindi ko nga alam kung ligo ba tawag dun.

Habang pababa ko ng dorm nag group message na ko sa anim na nasa visiting area sila Phrixus.

Nagmamadali ko silang pinuntahan dahil mahal ko pa ang buhay ko. Sa aming labing dalawa si Phrixus ang pinakamainipin at pinakamasungit, bagay sa kanya ang kasabihang time is gold.

Hindi pa ko tuluyang nakakalapit sa pwesto nila pero tanaw ko na ang mga bulto nila, mas binilisan ko pa ang lakad ko para makarating sa pwesto nila.

"Good morning" bati ko sa kanila

"Where is she?" itong si Phrixus parang others hindi manlang nag good morning pabalik

"Nag text na ko sa kanila na nandito kayo"

"Do you think she will wake up by doing that?"

"Chill lang tayo leader masyado kang hot ang aga-aga" biro ni Granger

"Long time no see" bati niya sa'kin sabay tapik sa balikat ko

"Bawal lalaki sa dorm ng mga babae baka masampulan ako ng parusa" paliwanag ko

"Go to her room" usto niya kay Cheyenne

Mabilis na naglakad paalis sa pwesto namin si Cheyenne para puntahan sila Catriona. Sa ilang beses nilang pagpunta dito alam na niya kung anong floor at room number nung tatlo.

"May nangyari ba? parang napakaimportante ng ipinunta niyo" tanong ko

"Bawal na ba kami bumisita dito ng walang dahilan?" sagot ni Haven

"Mamaya na namin ipapaliwanag kailangan muna naming makita si Ms. Catriona" sagot ni Holden

Ilang minuto pa kaming naghintay sa kanila bago sila dumating. Halatang kulang nalang patayin na ni Phrixus yung pito dahil sa tagal dumating.

"WAAAAHHHHH HOLDENNNNN NAMISS KITA" sinunggaban niya agad ng yakap si Holden nang makita niya

"Ako Ms. Catriona hindi mo namiss? hindi mo ko niyakap kanina nung makita mo ko" kunwaring pagtatampo ni Cheyenne sa kanya

"Ano ka ba namiss kita kaso nagmamadali tayo kasi baka masermunan tayo" maging si Catriona takot kay Phrixus

"Good morning Princess Catriona" bati ni Phrixus sabay yuko, napakaformal masyado

"Hehehe good morning din" alanganin niyang bati

"Bakit nga pala kayo nandito? may nangyari ba sa palasyo?" tanong niya

"Wala namang nangyari sa palasyo gusto ka lang namin bisitahin" sagot ni Harmony

"Ahhh, tara mag breakfast muna tayo sa cafeteria" aya niya samin ni Catriona

Pagpasok namin sa cafeteria ang daming nakatingin samin. Sanay na ko, ganyan naman sila wala ng bago.

"Iba talaga kapag gwapo" mahangin na sabi ni Granger

"Ano nahithit mo tol katol?" pang-aasar ko sa kanya

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Catriona Reeve's POV

WAAAAAAAHHHHH katabi ko si Phrixus kulang nalang hindi na ko huminga lalo na nung na late kami ng dating. Bakit kasi biglaan sila dumating?

Sari-saring tingin ang nakamatiyag sa bawat galaw namin. Siguro iniisip nila na ang swerte makatabi ang labing dalawa na katulad nila, hindi nila alam sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

Mabilis akong naglakad para sana tumabi kay Holden kaso mabilis na umapila si Phrixus.

"Stay beside me"

Daig ko pa ang naglalakad sa lamay sa bagal kong maglakad. Ang lawak kasi ng cafeteria kahit hindi naman ganun kadami mga nag-aaral.

"Anong gusto mo Ms. Catriona treat ko" nakangiting tanong ni Holden nung makaupo na kami, ang gwapo niya talaga

Sinabi ko sa staff ng cafeteria order ko, dinamihan ko na tutal libre lang isa pa bihira lang naman sila nandito para ilibre ako.

Dito sa school namin para kang nasa restaurant napaka elegante ng ambiance may staff din na kukuha at magseserve ng order niyo.

Ang mga kasama ko ngayon ay ang 12 Ascendants/Council. Ang mga pangalan nila ay nakabase sa zodiac sign na nirerepresent nila.

Aries - Phrixus
Taurus - Holden
Gemini - Cheyenne
Cancer - Granger
Leo - Leander
Virgo - Hugo
Libra - Harmony
Scorpio - Haven
Saguittarius - Chrion
Capricorn - Daphne
Aquadius - Titania
Pisces - Sioux

Binuo ang 12 Ascendants nung malaman ng parents ko na hindi na sila pwedeng magkaanak pa, dapat kasi lalaki ang tagapagmana. Katulad ng sabi ko ako palang ang kauna-unahang heiress sa clan namin and they think womens are weak pagdating sa pakikipaglaban.

Binubuo ang Ascendants ng 6 na lalaki at 6 na babae, yun ang napagkasunduan nila para walang gender inequality. They are also my childhood friends, sabay kaming nagtraining pero mas mahirap na training ginawa nila kaysa sa'kin.

Bawat isa sa kanila may special ability at galing din sa Royal Family katulad ko. Ako kasi pure blood, sila naman hindi but I treat them equally dahil yun ang turo ng Hari at Reyna sa'kin, na kung gusto ko raw itrato ako ng tama dapat ako rin itrato ko ang kapwa ko ng tama.

Walang rankings ang Ascendants para equally fair pero si Phrixus ang mukang tumatayong leader nila.

Habang nagtratraining kami nung mga bata pa kami may na discovered ako na hindi ko sinabi kahit kanino dahil malalagay lang sa panganib ang buhay ko pati ang nasasakupan namin.

Pagdating ng order namin agad ko yung nilantakan, tahimik lang kaming nakain nang bulabugin ng ingay ang buong cafeteria sa pagdating ng grupo nila Astevan. They are all famous, smart and lastly handsome. Ganyan sila i-describe ng mga babae dito samin

Naalala niyo pa ba nung nag-away sila Titania at Daphne? siya yung Astevan na tinutukoy ni Titania, he's also our classmate.

"Tsk, they all aware that this is a cafeteria were people are quietly eating, stupid human beings" iritang sabi ni Phrixus dahil sa mga bulungan ng babae na humahanga kila Astevan at mga lalaking iniisip na mas gwapo sila.

"Bakit hindi ka ba tao?" tanong ko sa kaniya

"Pfftt HAHAHAHAHAHA solid yun" natatawang sabi ni Leander pati si Granger tumatawa rin habang ang iba naming kasama pasimpleng nagpipigil ng tawa

"Wanna die?" napaayos ng upo ang dalawa nung sabihin yun ni Phrixus






A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.

PRONUNCIATION OF NAMES/WORD:
Phrixus - Friksus
Granger - Greynjer
Cheyenne - Cheyen
Haven - Heyven
Ascendants - Asendants

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon