Daphne's POV
"Ok class listen may up coming kayong retreat, I think 2 days from now na yun. Gusto kong lahat magparticipate para naman ma-enjoy niyo ang high school life niyo" announce ng P.E. teacher namin
"Ma'am" taas ng kamay ni Ishico
"Yes Mr. De Avila?"
Tumayo siya sa pagkakaupo bago mag-umpisa sa sasabihin niya.
"Paano po kung hindi afford yung retreat?" tanong niya at nag-umpisa na ang bulungan pati ang mapanlait nilang tingin sa kanya
"That's not my problem, dito mo naisipang mag-aral kaya dapat alam mong may mga ganitong events sa school natin, isa pa hindi ka na baguhan dito kaya alam kong alam mong meron talagang ganitong event yearly" paliwanag ni Ma'am Guevarra
Biglang tumayo si Catriona kaya napatingin kaming anim sa kanya.
"That's being unfair Ma'am alam niyo rin namang pong may mga schoolar sa school natin dapat i-consider niyo rin po yun" apila niya
"That's my rules Ms. Reeve kung hindi mo nagustuhan ang patakaran ko you can drop out in my class" taas kilay nitong sagot
"Hindi po ba kasama sa schoolarship nila ang mga events?" tanong niya
"No, napakaswerte naman nila kung lahat libre, hindi charity works ang school natin"
"Once na hindi sumama automatically bagsak sa subject ko" nakita ko ang pag ngisi niya na para bang nanalo sa isang debate
Napasulyap ako kay Ishico na nanlulumo at problemado na mukang hindi alam ang gagawin para may makasama.
"Then I'll pay for him" ang nanlulumong muka ni Ishico ay nabuhay nung sabihin yun ni Catriona
"Nagpapauto ka sa ganyang klaseng tao? are you aware na halos lahat ng kaibigan niya nasa magandang estado ang buhay, you know why? para kaawaan siya at makalibre sa mga bayarin" pang iinsulto niya
I admit na maldita ko pero what the heck is wrong with her? she's a freaking teacher for pate's sake so imbes na dinadown niya ang isang estudyante dapat tinutulungan niyang makaangat.
Napalingon ako sa katabi kong si Sioux nang tumayo siya sa pagkakaupo. She stand up so becareful bitch ihanda mo ang sarili mong mapahiya.
"Naturingan po kayong teacher pero mukang hindi niyo alam ang salitang respeto. Hindi ba sila pwedeng makipagkaibigan sa katulad namin dahil sobrang laki ng agwat sa estado sa buhay? Karangyaan na ba ang basehan ng pakikipagkapwa? Bakit hindi mo po subukang bumalik sa pag-aaral mukang wala ka po kasing natutunang GMRC" sabi niya
Napangisi ako sa naging reaksyon ng teacher namin matapos siyang pangaralan ni Sioux. Sioux is a type of person na maraming word of wisdom na magpaparealize sayo ng katangahang ginagawa mo.
Yung mga kaklase namin mga halatang nagpipigil sa tawa, serves you. Maling tao ang binangga mo.
"How dare you to say that! teacher mo ko! estudyante ka lang!" galit niyang sabi
"That's the point Ma'am, teacher ka pero para kang estudyante mag isip... napakababaw at wala sa ayos. Based on my info galing ka rin sa simpleng pamilya kaya dapat naiintindihan mo ang sitwasyon ng isang estudyante na katulad ni Ishico dahil naranasan mo rin ang nararanasan niya ngayon" walang pag-aalinlangan niyang sagot
"Fine! can you stop now and take your seat bago pa kita palabasin sa klase ko!?" pikon niyang sabi
And the winner goes to, Sioux. Hindi ka mananalo sa kanya sa isang debate kung ang paniniwala mo ay basura.
"Pass this waver form! papirmahan niyo sa mga guardian niyo!" galit niyang bigay sa nasa harap ng waver form para sa retreat
Pagkalabas ni Ma'am Guevarra lumapit agad si Ishico sa pwesto namin.
"Salamat sa inyong dalawa" pasasalamat niya kila Sioux at Catriona
"Hindi mo kailangan magpasalamat, napakasimpleng bagay lang ng ginawa ko kahit kay Catriona ka nalang magpasalamat dahil siya sasagot sa retreat mo" nakangiting sagot ni Sioux
"Sigurado kang ikaw magbabayad? baka mapagalitan ka ng parents mo" tanong ni Ishico kay Catriona
"Wag mong alalahanin yun tol barya lang sa kanila yan" singit ni Leander sa usapan
"Oo ako na bahala basta promise mo mag eenjoy ka ha para worth it pagbayad ko sa retreat mo" sagot ni Catriona
"Oo naman pangako, salamat ulit ha" sabi niya bago bumalik sa pwesto
"Are you sure na ikaw magbabayad?" tanong ko sa kanya
"You won't let him use you right?" paniniguro ko
Hindi ako malapit kay Catriona katulad ni Titania pero wala kong balak na hayaan kung sino mang hangal abusuhin ang kabaitan niya.
Hindi mahirap kaibiganin ang isang Catriona Reeve. Hindi siya isang tipikal na Prinsesa na kung anong gusto niya nakukuha niya, may mga bagay siyang gusto pero once na sinabi sa kanyang hindi pwede hindi niya yun ipagpipilitan. Maybe that's the reason why everyone's love her and willing to protect her.
"Hindi tamang nanghuhusga ka ng kapwa mo dahil sa estado nito sa buhay" sabi ni Sioux kaya nanahimik nalang ako
"He won't use me, besides I trust him alam kong mabait siyang tao" sabi ni Catriona habang nakasulyap kay Ishico na kausap si Astevan na mukang hindi interesado sa sinasabi niya
"Excited na ko!" masiglang sabi ni Titania
"Gusto kong matikman lahat ng seafoods na meron sila!"
"Bibigyan mo ko di ba?" tanong ni Catriona sa kanya
"Oo naman bibigyan kita ng shell at tinik hahaha"
"Hindi nalang kita papasamahin pinagdadamutan mo ko" nakasimangot niyang sabi
At nag usap na naman ang dalawang isip bata. Ang sakit nila sa ulo kapag silang dalawa nag-uusap lalo na kapag nagsama.
"Mukang hindi ka excited ah" sabi ni Leander na nasa right side ko
"Wala namang nakakaexcite sa retreat" nakacross arms kong sabi habang diretsong nakatingin sa harap pinagmamasdan ang mga kaklase naming nag iingay
"Kj ka kasi para kang si Hugo at Chrion mga walang pakisama tsk!" sabi niya sakin
"Igaya mo ko sayo na excited kasi marami ka na namang malalanding babae. Tandaan mong kailangan nating bantayan si Catriona baka malibang ka sa pangbababae mo dun" pagpapaalala ko
Lumipas ang ilang mga subjects hanggang sa mag-uwian na. Gaya ng nakagawian sabay-sabay kaming umuwi. Ihahatid kami ng mga boys sa tapat ng building ng dorm namin bago sila pupunta sa mga dorm nila.
Katulad ng nakagawian napakaingay nila Titania habang paakyat ng dorm, habang kami ni Sioux nakasunod lang sa dalawa.
Lagi naming sinisuguradong tatlo na nakapasok na sa loob ng dorm niya si Catriona bago kami pumasok sa kanya-kanya naming dorm.
A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?