CHAPTER 06

637 15 0
                                    

Cheyenne's POV


Napatakbo ako papasok ng palasyo nang marinig ang balitang yun, nasa panganib si Ms. Catriona.

"Nasaan si Phrixus?" tanong ko sa tagapagsilbi na nakasalubong ko

"Nasa loob po ng silid niya" sagot niya

Mabilis akong nagtungo papunta sa silid niya, malapit na ko makarating sa kwarto niya nang biglang sumulpot si Haven sa harap ko at harangin ako.

"Bakit muka yatang nagmamadali ka?" tanong niya habang may mapanuring tingin sakin na tila binabasa pati kaluluwa ko

"W-Wala naman" pagsisinungaling ko

Sa aming lahat siya ang pinaka kahina-hinala ang kinikilos tipong may inililihim samin.

Lumapit siya sa'kin ng kaunti sabay bulong sa tenga ko.

"Chen sa susunod na magsisinungaling ka galingan mo at siguraduhin mong hindi sa'kin"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ganon ba kahalata na nagsisinungalin ako? Haist! hindi talaga ko magaling magsinungaling. Dahil sa ginagawa niya mas lalo ko siyang pinaghihinalaan.

"Makakaalis ka na" sabi niya kaya agad akong nagpatuloy sa paglalakad habang nakahawak sa dibdib dahil sa sobrang kaba

Hindi naman sa wala kong tiwala sa kanya pero kasi may kakaiba sa kanya parang ano mang oras magagawa niya kaming traydurin.

Hindi na ko nag-abalang kumatok, agad ko nalang binuksan ang pinto ng kwarto ni Phrixus ng walang paalam sabay pasok sa loob.

Kita kong agad niyang itinabi ang mga papel na nakakalat sa mesa niya at masamang tinapunan ako ng tingin.

"Hindi mo alam kung paano kumatok bilang respeto? o baka gusto mong turuan pa kita?" napakagat labi ako dahil sa sinabi niya. Nakakatakot talaga siyang magalit akala mo kakainin ka ng buhay.

"M-May importante a-akong sasabihin kaya nakalimutan kong k-kumatok" nauutal kong sabi

"Retreat ngayon nila Ms. Catriona at balita ko ngayon ang pagkakataon na ano mang oras pwedeng umatake ang tagapagmana ng Sanford" balita ko sa kaniya

"Hindi natin maiiwasan ang bagay na yan kaya nasa tabi niya ang anim na Ascendants para protektahan siya" kampante niyang sabi

"B-Bakit parang hindi ka nababahala na mapahamak ang Prinsesa?" takang tanong ko

"May tiwala ko sa kanila... sana ganon ka rin"

"Alam na ba 'to ng iba? lalo na ni Holden?" tanong niya

"Hindi pa, ikaw lang pinagsabihan ko" sagot ko

"Good to know, don't tell this to anyone mag-aalala lang sila" sabi niya

"S-Sige, babalik na ko sa ginagawa ko" paalam ko bago umalis

Wala sa sarili akong naglalakad habang ang lalim ng iniisip. Ako lang ba 'to o parang wala siyang pakialam? kasi kung kay Holden ko 'to sinabi nagmamadali na yun para puntahan si Ms. Catriona.

Haist! ano ba yan! May tiwala ko kay Phrixus, malaki ang tiwala ko sa kanya lalo na siya lang madalas kong makausap at makasama sa lawak ng palasyong 'to.

Sa loob kasi ng palasyong 'to may kanya-kanya kaming ginagawa kaya bihira lang talaga kami makapag-usap ng kompleto.

Pumunta ko sa silid-aklatan para tapusin mga pinapagawa sakin. Sa akin kasi nakaatas na suriin ang bawat mensahe na gustong ipabatid ng mga nasasakupan ng palasyong 'to ang mga hinaing nila at mga pangagailangan na kailangang maisaayos bago makarating sa Hari at Reyna.

Bata palang nung sanayin kaming labing dalawa para protektahan ang Prinsesa sa panganib. Kami ang mga napili ng mahal na Hari at Reyna para protektahan siya nung malaman nilang hindi na sila maaaring magkaanak pa.

May kakaibang kakayahan ang Prinsesa na ibinahagi niya samin bago kami maging Ascendants. Sa makatuwid wala talaga kaming kapangyarihan isa lang kaming mga normal na tao noon pero simula nung basbasan niya kami doon namin natuklasan na ibinahagi niya pala samin ang kapagyarihan niya. Hindi ko alam kung alam niya ba yun o hindi.



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -



Ishico De Avila's POV


2 days na ang nakalipas simula nung nangyari ang sagutan nila Ma'am Guevarra, Catriona, at Sioux. Ngayong araw na ang retreat namin at katabi ko sa bus ngayon si Jadiel na nasa kaliwa ko at si Astevan na nasa kanan ko.

Salamat kila Sioux at Catriona nakasama ko ngayon sa retreat. Last year hindi ako nakasama dahil nga wala kong pambayad.

Sila Mackenzie at Ainhoa gumastos sa mga damit na dala ko ngayon. Grabe talaga kapag anak mayaman ka parang pwede mo nang bilhin buong galaxy ng hindi ka manlang maghihirap kumbaga barya lang sa kanila ginastos nila sa'kin kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa kanila.

Alam niyo ba matagal ko ng hinahangaan si Titania hindi kasi siya ordinaryong babae. Ibig kong sabihin kakaiba siya sa lahat, hindi siya mahinhin na katulad nila Sioux at Catriona, hindi siya babae kumilos katulad nila Ainhoa at Mackenzie at mas lalong hindi siya maarte katulad ni Daphne. Malaya siyang kumilos base sa gusto niya hindi base sa gusto ng ibang tao, kaya nainis ako nung marinig kong nagtatalo sila ni Daphne na wala raw nagkakagusto sa kanya. Hindi ko siya gusto pero hinahangaan ko naman.

"Guyssss let's take a picture" sabi ni Zie na nasa likod lang namin nakaupo. Bali ganito pwesto namin.

Jadiel      ➞    Ako    ➞ Astevan

Titania    ➞ Ainhoa ➞ Mackenzie

Hugo       ➞  Chrion ➞ Catriona

Leander  ➞   Sioux  ➞ Daphne

"Waitttt! kalabitin mo si Astevan tell him na magpipicture tayo" utos niya sa'kin

"Kapag ako sinapak nito ililibre mo ko ng kahit ano kapag nakarating tayo kung saan gaganapin ang retreat" hamon ko sa kanya

"Yeah sure! so goooo na!" utos niya

"Tol..." tapik ko ng mahina sa balikat ni Astevan

"Picture raw tayo" dagdag ko

"Tsk you can take a pictures without me" sagot niya

"Narinig mo naman di ba?" sabi ko kay Ainhoa

"Sa venue nalang kayo mag pictures paniguradong mas maganda view dun" suggest ni Jadiel

"You're right" pagsang-ayon ni Zie habang si Ainhoa nakasimangot at hindi na maipinta ang muka

"But I want to have a pictures with him hmp! Ilang years na tayong magkakaibigan pero ang hirap magkaron ng pictures niya kahit stolen wala lagi nalang nasisira cellphone ko o kaya naman camera ko everytime na pasimple ko siyang kukuhaan!" rinig kong reklamo niya

"Kahit nga kay Jadiel wala, ewan ko ba kung anong mali sa lens ng-" pinutol ko na siya sa pagsasalita, ramdam ko na kasing naiingayan na si Astevan

"Mas magandang i-enjoy mo ang moment kaysa puro ka pictures" komento ko







A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon