CHAPTER 18

476 13 0
                                    

Haven's POV


Pagkagising ko parang may kakaiba kong nararamdaman sa katawan ko hindi ko nalang yun pinansin.

Nagtungo ako sa cr para mag-ayos paglabas ko napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang makitang mahimbing na natutulog si Chrion sa sofa sa loob ng kwarto ko.

"Chrion..." tawag ko sa pangalan niya

Mahina ko siyang tinapik para magising pero di agad siya nagising kaya inulit ko ang pagtapik sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon unti-unti siyang nagmulat ng mga mata na mukang kulang pa sa tulog dahil sa hindi komportble ang hinigaan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang sinusuri siya

"Binantayan ka" pupungas-pungas niyang sagot sabay tayo, akmang aalis na siya nang pigilan ko

"Bakit?" muling tanong ko, tiningnan ko siya sa mga mata ng pumikit siya dahil sa sobrang antok. Pagkakataon ko na sanang mabasa ang nasa isipin niya.

"I don't know, ask the Princess" sagot niya at tuluyang nawala sa paningin ko

Saglit akong napaisip sa sinabi niya. Pumunta ba dito ang Prinsesa kagabi habang tulog ako? Bakit pinabantayan niya ko kay Chrion? para masagot ang tanong ko pinuntahan ko siya sa kwarto niya pero wala siya dun. Nagmamadali akong bumaba at nagtungo sa dining hall umaasang nandun siya pero wala rin siya dun.

"Oh Haven good morning, nagising na nga pala si Chen pero si Titania hindi pa" bati sa'kin ni Granger pero di ko pinansin

"Nakita niyo ba si Ms. Catriona?" kabado kong tanong

"Nasa kwarto niya" sagot ni Leander

"Wala siya dun!" inis kong sagot

"Baka nasa garden" sabi ni Harmony

Nagtungo ako sa garden pero wala siya maging sa library, practice room, at kung saan-saan pa pero hindi ko talaga siya makita.

"Nakita mo na?" tanong ni Granger pagkabalik ko sa dining hall

"Obviously not" maarteng sagot ni Daphne

"Look at her muka na siyang paranoid" lingon niya sa'kin

"Ano bang kailangan mo sa kanya sa ganitong kaaga?" tanong ni Daphne habang naghihiwa ng tinapay

"May nangyari ba?" tanong ni Chrion na mukang kakababa lang. Siya lang yata nagtanong ng may kwenta sa kanila

"Nasa panganib siya" nanlalambot kong sabi

Ramdam ko ang pagtigil ng lahat sa ginagawa nila.

"Nagbibiro ka lang di ba?" ang kaninang maarteng pananalita ni Daphne ay napalitan ng pagiging seryoso

"S-Sorry" yan lang ang tangi kong nasabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko

Kami lang mga Ascendants ang nasa dining hall wala pa ang Hari at Reyna.

Nagulat ako sa biglang paghampas ni Chrion sa mesa.

"May alam ka sa nangyayari dito Haven!?" malamig na tingin ang pinukol niya sa'kin

Hindi ko alam kung sasagot ba ko o hindi, naiipit ako sa dalawang sitwasyon, pumili man ako o hindi may masasaktan pa rin.

"SAGUTIN MO KO!" sigaw niya kaya napatingin ako ng diretso sa kanya

"Huminahon ka Chrion" pagpapakalma sa kanya ni Harmony

"Sa tingin ko ngayon na ang tamang pagkakataon para sabihin mo samin lahat ng nalalaman mo sa nangyayari sa palasyo" sabat ni Sioux

"Ha! may alam ka? then you didn't even bother to tell us!?" inis na sabi ni Daphne

"Calm down first Daphne, hindi mo alam ang sitwasyon ni Haven" pagtatanggol sakin ni Sioux

"So kinakampihan mo siya?" taas kilay niyang tanong dito habang nakacross arms

"Wala kong kinakampihan, ang sa'kin lang huminahon kayo at pakinggan natin ang paliwanag niya" sagot niya

"Enough!" awat ni Hugo samin sabay tayo

"Tell us everything you know" lingon niya sakin

"Hindi ko ginustong ilihim sa inyo 'to pero hindi ko alam kung anong dapat gawin" ang kaninang pagtulo lang ng luha ko ay sinabayan na ng paghikbi

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng panlilinlang ni Phrixus at pakikipagsabwatan niya kay Demetrio sa kagustuhang pamunuan kami. Halos isumpa nila ang dalawa lalo na si Phrixus dahil sa pagiging traydor nito.

"Kaya napahamak si Chen dahil unti-unti na siyang nagkakaroon ng ideya kung sino ang traydor samin, nadamay lang si Titinia" dagdag ko

"Ipapaalam natin 'to sa Hari at Reyna" sabi ni Hugo

"Hindi na kailangan" isang mahinhin na tinig ng babae ang narinig namin, ang Reyna kasama ang Hari

Sabay-sabay kaming napayuko para magbigay galang sa dalawa.

"Matagal na naming alam ang ginagawa ni Phrixus kaya kahit hindi kami sang-ayon ay napilitan kaming hayaan na mag ensayo si Catriona sa tulong niyo" napaawang ang labi ko sa sinabi niya

"Gumagawa kami ng paraan kung paano masasagip ang magulang ni Haven ng lingid sa kaalaman niyo ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana mukang ayaw niyang ipaalam samin kung nasaan ang kinaroroonan nila" paliwanag niya

Napahawak ako sa mesa para hindi ako matumba ng tuluyan dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Naging sakim ako sa kagustuhang mailigtas ang mga magulang ko.

Lumapit ako sa pwesto nila, nung nasa tapat na nila ko lumuhod ako at humingi ng tawad.

"Patawad sa pagiging makasarili ko" sabi ko habang nakayuko

Hinawakan ng Reyna ang kamay ko na ikinaangat ko ng tingin.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, tungkulin namin na protektahan kayong nasasakupan namin" ngumiti siya sa'kin, nakita ko ang pagsang-ayon ng Hari sa sinabi niya

"Hindi niyo dapat sisihin si Haven sa naging desisyon niya, nagawa niya lang yun dahil sa pagmamahal sa magulang niya, mas maigi kung hindi kayo nagtatalo sa mga ganitong sitwasyon at iniisip kung paano matutulungan ang Prinsesa" sabi ng Hari

"Pagkatapos niyong kumain kumilos na kayo at hanapin ang Prinsesa" utos ng Hari samin

Sumabay sila sa pagkain namin na hindi katulad kanina na puno ng tensyon ang hapag. Alam kong bilang magulang ni Ms. Catriona nag-alala rin sila sa kalagayan ng anak nila pero hindi lang nila pinapahalata para hindi kami mangamba.

Pagkatapos naming kumain nagplano kami kung paano mahahanap ang magulang ko maging si Ms. Catriona sa pamumuno ni Hugo. Siya lahat nagplano, tinatanong niya lang kami kung sang-ayon kami o hindi para lahat kami ay maging sang-ayon sa bawat hakbang na gagawin.

Nang matapos kaming magplano nagkanya-kanya kaming alis para gawin ang napag-usapan. Gusto kong pareho silang mailigtas ng walang kahit na anong galos sa katawan.





A/N: Ano kayang kahihinatnan ng ating bida?

Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon