Catriona Reeve's POV
Gabi na kami nakarating sa hotel kung saan kami mananatali habang retreat. Halos lahat nakapagpahinga sa buong biyahe. Nakatulog ako sa balikat ni Chrion buti hindi niya ko pinagalitan. Pagkagising ko rin nakapatong na sa'kin jacket niya. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend niya napakamaalaga niya kasi kahit ang sungit niya.
May kanya-kanya kaming hotel room kasama yun sa binayaran namin. Pagkapasok ko sa loob ng hotel room pumunta ko sa bintana kung saan tanaw ang labas. Nakatapat ang hotel sa dagat kaya tanaw mo ang dagat hindi nga lang gaanong kita dahil gabi na pero paniguradong kong kita yun sa umaga na magandang pagmasdan.
Nagbihis ako ng damit na pang beach, simpleng swimsuit na pinatungan ko ng maikling maong na short at damit na manipis pang itaas para hindi gaanong revealing.
Pagbaba ko halos lahat nasa baba na ang iba at masayang nagkwekwentuhan, may mga nagtatampisaw sa dagat at yung iba nag-iihaw para sa dinner namin.
"Naks sexy natin Catriona ah" bungad sakin ni Ishico sabay akbay sa'kin
"T-Thank you" nahihiya kong sabi, pakiramdam ko biglang nag init pisngi ko
"Look at her! nahiya tuloy! get lost Ishico!" pagtataboy sa kanya ni Zie
"Ang ganda ng kwintas mo ah mukang mamahalin at halatang customize" sabi ni Ainhoa na nakatitig sa kwintas, dahil manipis ang pang itaas na suot ko kita ang kwintas ko
Pamana pa sakin 'to ng Reyna lagi ko raw isuot para protektahan ako.
"Ahm..." sasagot palang sana ko nang may humablot sa braso ko
"What the hell do you think you're wearing!?" galit na tanong ni Chrion sakin
Napatingin ako kila Daphne, Titania at Sioux, nakaswimsuit din kaya sila kumpara sa'kin swimsuit lang talaga suot nila at kitang-kita ang hubog ng katawan nila lalo ni Titania. Si Titania kasi pinakamaganda ang katawan saming apat.
"Sila Titania, Daphne at Sioux din naman nakaswimsuit bakit sa'kin ka lang galit?" nakasimangot kong tanong
"Because- d*mn it! the four of you change your clothes siguraduhin niyong desente tingnan kundi hindi kayo makakalabas ng hotel room niyo!" galit niyang sabi bago kami tinalikuran
"Lalo ka na Catriona, sumasakit ulo ko sa suot niyong apat gusto niyo yatang mapaaway kaming tatlong lalaki dahil sa inyo" nangungunsuming sabi ni Leander
"We can protect ourselves, tsk!" apila ni Daphne
Matalim na tingin ang natanggap niya kay Chrion kaya nanahimimik siya.
"Samahan mo si Catriona, Leander kami na sasama sa tatlo" sabi niya
Humarap ako kila Ishico na nakatingin lang samin.
"Palit lang kami ng suot bababa rin kami pagkatapos magpalit" nakangiti kong paalam
"S-Sige hintayin nalang namin kayo" sagot niya
Nasa loob na kami ng elevator nung sermunan ako ni Leander habang sila Hugo walang imik.
"Yung tatlong yan pwedeng magsuot ng ganyan pero ikaw? mag isip ka naman minsan Catriona, Prinsesa ka tapos magsusuot ka ng ganyang damit!? parang ang sarap mong kutusan yung tipong tatagos sa bungo mo" sermon niya
"Ikaw Leander gusto mong sapakin kita yung tipong tatagos sa ribs mo?" sabat ni Titania
"Shut up Titania" saway ni Hugo sa kanya
"Isa pa tingnan mo kitang-kita yang kwintas mo!" turo niya sa kwintas kaya napatingin ako sa suot kong kwintas
"Alam mo namang bawal malaman ng iba na isa kang Prinsesa!" biglang sumagi sa isip ko kung bakit nga ba nila ko inilayo sa palasyo at bakit bawal ipaalam sa iba na isa kong Prinsesa
"Bakit nga pala inilayo niyo ko sa palasyo at bakit bawal ipaalam sa iba na isa kong Prinsesa? Alam kong may iba pang rason ang mahal na Hari at Reyna kung bakit kailangan kong mag-aral dito. Matagal ko ng tanong yan pero nagdadalawang isip akong itanong sa inyo" natahimik si Leander sa sinabi ko na mukang hindi niya alam ang isasagot
"Ah basta magpalit kayo ng matinong damit!" pag-iiba niya ng topic
"Walang may balak sumagot ng tanong ko? mukang wala kayong balak sabihin sa'kin ang dahilan" sabi ko
"Ilang taon na tayong magkakasama sa school pero hanggang ngayon wala pa rin kayong balak sabihin sa'kin pati ang mga naging usapan niyo ng mga Ascendants ng wala ako ayaw niyo rin sabihin. Hindi nakakatuwang naglilihim kayo sa'kin pero hinayaan ko kayo dahil baka para yun sa ikabubuti ko" seryoso kong sabi
"S-Sorry Catriona kung pwede lang matagal ko ng sinabi sayo" sagot ni Titania
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad kung wala kayong balak sabihin sa'kin" pagbukas ng elevator ako ang naunang lumabas
Hindi ako manhid, alam kong may nangyayaring hindi ko alam. Gusto kong malaman pero ayoko silang pangunahan dahil may tiwala ko sa kanila.
Pagkapasok ko ng hotel room ko nagtungo ako sa maleta ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin naaayos ang mga damit ko sa closet. Kumuha ako ng isang simpleng beach dress na hindi reaveling. Tinanggal ko na rin ang kwintas na suot ko at iniwan sa tabi ng lampshade
Pagkatapos ko makapagpalit lumabas na ko. Nadatnan ko sa mini living area si Leander na mukang hinihintay ako, akala ko hindi siya sumunod sa'kin.
Mukang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sa'kin at pinasadahan ng tingin ang suot ko bago nag salita.
"Yan mas maayos" komento niya
"Tara na baka nasa baba na sila" aya niya sakin
"Yung kanina pala..." panimula niya
"Wag na natin pag-usapan yun kung wala pa rin kayong balak sabihin sa'kin" sabi ko
Pagdating namin sa baba nakain na sila. Hinanap ko sila Hugo pero wala pa sila, ilang minuto pa namin sila hinintay bago sila dumating.
Dahil malapit kami sa dagat puro seafoods pagkain namin pero si Titania mukang walang gana kumain. Lumapit ako sa kanya na tinititigan lang ang pagkain niya.
"Akala ko ba gusto mong kainin lahat ng seafoods na ihahain nila dito?" nag-angat siya ng tingin sa"kin
"P-Pero galit ka kasi kaya wala kong gana kumain" sagot niya
"Wala kong maalala na sinabi kong galit ako sa inyo"
"Hindi ka galit?" tanong niya
"Hindi, nagtatampo lang" pag-amin ko
"Sasabihin rin namin sayo sa tamang panahon promise" sabi niya
"Naiintindihan ko... sana hindi pa huli ang lahat kapag sinabi niyo na sakin"
"Kumain ka na, baka magkasakit ka mawawalan ako ng bantay na kasing ingay mo" biro ko para hindi siya mailang
"Salamat sa pag-unawa, pangako gagawin ko lahat para protektahan ka kahit buhay ko pa kapalit" medyo hindi ko naintindihan yung bandang dulo pero hindi na ko nag-abalang magtanong
Bumalik ang dati niyang sigla matapos ko siyang kausapin. Si Chrion, nasa tabi ko ulit na tahimik na nakain.
A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?