CHAPTER 16

450 12 0
                                    

Jadiel Dixon's POV

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Astevan sa kwarto ko habang nakahiga ako sa kama at busy sa cellphone.

"Sumunod ka sa'kin" utos niya na mukang nagmamadali, kahit ayokong sumunod ginawa ko. Nakakatakot magalit ang isang Astevan Sanford.

Sinusundan ko lang siya gaya ng sabi niya pero habang tumatagal nagtaka na ko kung anong gagawin namin sa kakahuyan sa ganitong oras.

Sa bawat segundong lumilipas may naaamoy akong dugo ng isang tao kaya bumagal ang takbo ko.

"Hindi mo naman siguro balak mang hunting ng tao?" tanong ko sa kanya

"F*cking faster Dixon or I'll wreck your neck" rinig kong sabi niya kaya bigla kong kinilabutan

Mas lalong lumalakas ang halimuyak ng dugong naaamoy ko ng may liwanag akong nakita. Sunod-sunod na liwanag, sigurado akong hindi yun galing sa flashlight dahil may kakaibang hatid sa pakiramdam ang pinagmumulan ng liwanag.

Ilang saglit pa natagpuan ko si Catriona. Nakasandal siya sa isang malaking puno habang umuubo at may mga galos sa katawan habang nakahawak sa leeg. Napapikit ako sa sobrang pagpipigil dahil sa dugo niya.

"Get her, bring her to my hide out" utos ni Sanford

"Paano ka?" tanong ko

"Just do what I said and stop asking me Dixon" malamig niyang sabi

Hinawakan ko sa kamay si Catriona na ikinagulat niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin ko ang tanong niya binuhat ko siya na parang bagong kasal. Mabilis kong tinungo ang hide out ni Sanford kung saan ligtas siyang makakagalaw.

Pagkarating namin ibinaba ko siya sa tapat ng isang malaking puno na may nakaukit. Para makapasok ka kailangan mo munang hawakan yun at banggitin ang buong pangalan ni Sanford.

"Astevan Sanford" banggit ko matapos hawakan ang nakaukit sa puno

Isang maliit na lagusan ang sumulpot. Nilingon ko si Catriona na namamangha sabay hablot papasok sa kanya sa lagusan.

"Nasan ang kwintas na bigay sayo ng Reyna?" tanong ko sa kanya pagkarating namin sa loob ng hide

Yung hide out ni Sanford nakakamangha lalo na kung isa kang mortal na gaya ni Catriona talagang mamangha ka.

Itong hide out niya parang isang tree house na underground version. Halos lahat gawa sa kahoy pero kita mo parin ang karangyaan na meron ang may-ari nito.

Inilahad niya ang palad niya, bigla yung nagliwanag at inilabas ang isang kwintas.

"Isuot mo yan para hindi ko na maamoy ang dugo mo" utos ko sa kanya

Tiningnan niya ko saglit bago sinunod ang sinabi ko. Napatitig ako sa kanya ng mahimasmasan ako na ang nipis ng damit niya at halos kita na ang suot niya panloob. Mabilis akong tumalikod bago pa ko mapatay ni Sanford.

"L-Lumabas ka ng g-ganyan suot mo?" biglang nag-init ang muka ko, kahit bampira ko naaakit rin naman ako sa katawan ng mga babae

"Ahm... nawala sa isip ko" halata sa boses niyang nahihiya siya

"Dito ka lang hahanapan kita ng damit" paalam ko sa kanya

Pumasok ako sa kwarto ni Sanford kahit walang paalam.

Pumunta ko sa closet na gawa sa kahoy at kumuha ng isang long sleeve polo.

Pagbalik ko sa kanya hindi pa rin siya tapos mamangha para siyang bata na nasa isang fieldtrip na ang sarap pagmasdan ng ngiti.

"Isuot mo muna 'to" agaw ko sa atensyon niya

Kinuha niya ang inabot kong damit ni Sanford sabay suot.

Naupo ko sa isang sofa na gawa sa kahoy habang pinagmamasdan siyang walang tigil sa paglilibot sa paligid.

"Alam ni Daphne ang tungkol sa'kin, nalaman niya yun nung P.E. time bago magsembreak" panimula ko ng usapan

"Ikaw ang may gawa ng pulang marka sa may pulsuhan niya?" hindi ko alam kung tanong ba yun o hindi

"Hindi ko sinasadyang mangyari yun" paliwanag ko

"Yung lalaking nasa kakahuyan, siya si Demetrio di ba? kakampi niyo siya?" tanong niya

"Bampira rin siya at kamag-anak ni Astevan pero hindi namin siya kakampi" paglilinaw ko

Lumapit siya sa sofang katapat ko at naupo dun.

"Anong pakay ni Demetrio sa'kin?" tanong niya

"Tulad ni Astevan gusto niyang buhayin mo ang mga taksil niyang magulang" sa tuwing naalala ko ang mga pangyayaring yun gusto kong patayin si Demetrio

"Pareho nilang gustong buhayin ko ang mga magulang nila" bakas ang lungkot sa mga mata niya, halatang ayaw niyang gawin ang parehong gusto ng mag pinsan.

"Ang patay ay patay na hindi na dapat sila ginagambala pa"

"Jadiel... hindi ko pwedeng gawin ang gusto nila pero kung pipilitin nila kong gawin yun malaki ang magiging kabayaran" seryoso niyang sabi

Tumayo siya sa pagkakaupo, naglakad siya papunta sa pwesto ko. Akala ko kung anong gagawin niya, inilapat niya lang pala ang kamay niya sa dibdib ko kung nasaan banda ang puso. Pumikit siya habang nasa dibdib ko ang kamay niyang sobrang gaan sa pakiramdam.

Matapos niyang gawin yun muli siyang bumalik sa kinauupuan niya.

"Handa ka bang magsakripisyo para sa kaligayahan ng kaibigan mo?" natahimik ako sa naging tanong niya

"Lahat ng bagay na ginagawa natin ay may kapalit, mabuti man o masama kaya dapat handa tayong harapin ang kahihinatnan ng bawat desisyon natin"

"Marami na siyang naitulong sa'kin kung ang buhay ko ang kapalit para muli siyang lumigaya malaya kong tatanggapin yun" sagot ko

"Gaya ng inaasahan ko mabuti kayong pareho pero hindi ko pa rin gagawin ang gusto nilang magpinsan"

"Pero bakit!? hindi mamamatay ang mga magulang niya kung hindi dahil sa mga ninuno niyo!" hindi ko na napigilan ang inis na bumabalot sa'kin

"Alam ko ang bagay na yan pero hindi ba pwedeng mabuhay siya sa kung anong meron siya ngayon?" sagot niya

Nahampas ko ang mesang pumapagitna samin dahil sa naging sagot niya.

"Tang ina naman Catriona! wala ng natira sa kanya dahil sa magulang ng hayop na Demetrio na yun! patayin ko kaya sa mismong harapan mo ang mga magulang mo kung hindi ka mabaliw na buhayin sila! nasasabi mo yan dahil maraming nagmamahal sayo! at higit sa lahat buhay pa ang mga magulang mo!" kaya kong magtimpi hanggat kaya ko pero nakakagago naman kasi yung sinabi niya

"S-Sorry" nakayuko niyang paumanhin

"Pareho lang kayo ni Sioux ang galing niyo magsalita na para bang alam niyo ang mga nararamdaman ng mga nakakasalamuha niyo"

Inis ko siyang iniwan, inabangan ko nalang ang pagdating ni Sanford baka kung ano pang magawa ko sa kanya.






A/N: Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon