Titania's POV
Nung sinundo kami kanina ni Cheyenne sa dorm palihim niya kaming tatlo nila Daphne at Sioux na sinabihang may traydor sa palasyo habang hinihintay namin makapag-ayos si Catriona.
Pagpunta namin sa room halos halughugin na namin buong sulok ng room makita lang si Catriona. Kakabilin ko lang na wag pumunta sa kung saan-saan ang tigas talaga ng ulo. Naghiwalay pa kaming anim para hanapin siya sa buong school.
Pagbalik ko sa room nandun na rin yung iba pero wala pa ang hinahanap namin.
"Nasaan na ba kasi siya?!" reklamo ni Daphne
"Makatanong ka akala mo kung sinong tao lang hinahanap mo, tandaan mo sa kanya nakasalalay buhay natin"
"Pinapaalala ko lang baka kasi nakakalimutan mo" napakaarte sarap sapakin. Ewan ko ba kung bakit siya napabilang samin.
"I know, and I hate that part na sa kanya nakasalalay ang-" napatigil siya sa pagsasalita nang hawakan ni Chrion ang braso niya ng mahigpit
"Ilugar mo yang ugali mo baka paglamayan ng maaga pamilya mo" matapos sabihin ni Chrion ang mga katagang yun pabalang na binitawan niya ang braso nito
"Nakuha niyo pang mag away sa mga oras na 'to!" sermon samin ni Hugo
"Wala na rin kasi minsan sa ayos yang si Daphne" bwelta ko
"Enough!" saway ni Hugo kaya nanahimik nalang ako
Napatingin na samin ang mga kaklase namin dahil sa pagtatalo naming anim.
Ilang sandali pa pumasok ang isa naming kaklase kasabay si Catriona. Nakahinga ko nang maluwag ng makita siyang nasa maayos na lagay at mukang may bagong naging kaibigan.
Nilingon ko ang mga kasamahan ko, ang sasama ng tingin ang ipinukol nila sa kaniya.
"Where have you been?" bungad na tanong ni Chrion sa kanya
"Ahm... sa school?" sinamaan siya ng tingin nito dahil sa pabalang niyang sagot
Pinaliwanag niya samin kung bakit mas nauna pa kaming dumating sa kanya sa room.
"Hayaan niyo na siya wala namang masamang nangyari sa kanya. Isa pa kahit ako rin nauumay na ko sa muka niyo, ano man lang ba ang magkaroon siya ng bagong kaibigan" sabi ni Leander
"Salamat" nakangiting sabi niya kay Leander, nag thumbs up naman ang gunggong
"What's his fullname?" tanong ni Hugo sabay bukas ng laptop
Mukang ibabackground check niya yung lalaking kasabay ni Catriona pumasok sa room, mahirap na baka mamaya kalaban na pala.
"Ishico De Avila, sabi niya sa'kin ilang beses ko na daw siyang naging kaklase pero ngayon ko lang siya nakilala" sabi niya
"Kahit ako hindi ko rin siya kilala. Si Astevan nga lang yata kilala ko dito dahil kay Daphne maliban sa inyo" pagsang-ayon ko
"Kilala ko lahat ng mga kaklase natin pero sa first name lang, nakikinig ako minsan sa kanila kapag nag-uusap sila" sabat ni Sioux
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?