Sioux's POV
Pagkatapos naming kumain ang iba naisipang maligo kahit malamig pero kami nasa tapat lang ng bonfire.
Maya-maya pa tinawag ang iba dahil magkakaron daw ng open forum kung saan malaya mong maipapahayag ang saloobin mo.
"Ok guys dahil retreat 'to gusto kong magkaroon tayo ng open forum para sa ganon mas mapatibay pa natin ang samahan ng bawat isa at magkaroon ng bagong mga kaibigan" sabi ng SSG President
Halos karamihan ng kwento nila puro malulungkot. Hindi porket anak mayaman masaya na may mga bagay na hindi mabibili ng pera at yun ay ang pagmamahal at kaligayahan.
Sunod na magkwekwento si Jadiel, ang isa sa mga kaibigan ni Ishico na nakilala ni Ms. Catriona.
"Naiinggit ako sa inyo hindi dahil gusto ko ng atensyon ng magulang kundi dahil may mga bagay kayong nagagawa na hindi ko magawa. Gustuhin ko man pero hindi pwede dahil walang paraan para magawa ko ang gusto ko" kwento niya habang nakatitig sa apoy na nag-aalab
"Pero sigurado akong may mga bagay kang nagagawa na hindi namin magawa and that's a blessing. Lahat ng bagay kung talagang gugustuhin mo may magagawa ka hindi rason ang sabihing walang paraan para magawa ko ang gusto ko" komento ko kaya napalingon siya sa'kin
"Nasasabi mo yan dahil wala ka sa posisyon ko" sagot niya
"Pero-" hindi pa ko tapos magsalita ng magsalita ang SSG President
"Chill lang tayo guys ha walang mag-aaway, ok next" sabi niya
Napatingin nalang ako kay Jadiel na mukang ang lalim ng iniisip.
First time na may magparamdam sa'kin na mali ako na hindi lahat ng sinasabi ko ay laging tama.
"Mukang nakahanap ka ng katapat mo, good for you at least nalaman mo na hindi sa lahat ng pagkakataon tama ka" sabi ng katabi kong si Daphne
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Catriona Reeve's POV
Pagkatapos naming mag open forum kanina pinabalik na kami sa loob ng hotel para makapagpahinga dahil maaga pa raw kaming mamamasyal bukas.
Ilang oras na kong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naisipan ko munang magpahangin sa seaside. Habang naglalakad ako may napansin akong bulto ng isang lalaki na pamilyar kaya naisipan kong nilapitan siya.
"Hindi ka rin ka makatulog?" tanong ko pero iba ang naging sagot niya
"Hindi ka dapat lumalapit sa'kin" seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa dagat
"Ayaw mo ba kong maging kaibigan?" malungkot kong tanong
"We can be friends" nakangiti kong sabi sabay hawak sa palad niyang nanlalamig
Medyo nagulat pa ko nung hawakan ko siya, there is something about him...
"Nagdala ka sana ng jacket, mukang nilalamig ka na o kaya pumasok ka na sa loob" nag-aalalang sabi ko
"Masyado kang nag-aalala sa iba pero sa sarili mo hindi"
"Wala naman akong dapat ipag-alala sa sarili ko" sagot ko
Lumapit siya sa'kin at hinaplos ang leeg ko. Ramdam ko ang pagdaosdos ng malamig niyang kamay sa leeg ko.
Unti-unti akong nilukob ng kaba dahil sa paghaplos na ginawa niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Royal Blood (COMPLETED)
VampireIsang Prinsesa na ang tanging hangad ay kapayapaan pero paano kung mas lumala ang hidwaan ng dalawang angkan dahil sa kanya, may magagawa kaya siya?