EPILOGUE

942 14 6
                                    

May mga bagay tayong gusto na kahit kailan malabo nating makuha. Minsan kailangan natin magparaya para sa kapakanan ng nakararami pero minsan sa sobrang pagiging sakim natin tayo ang nagiging sanhi para masaktan ang mga taong nagmamahal satin ng lingid sa ating kaalaman dahil nakatuon ang atensyon natin sa mga bagay na hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon.

Nang gabing malaman ko kung sino ang traydor napagdesisyunan kong ibalik si Astevan sa pagiging tao. Alam kong dati siyang tao nung unang beses na maglapat ang labi namin at maramdaman ko ang saglit na pagpintig ng puso niya, dahil ang isang tunay na bampira kailan man hindi tumibok ang puso nila.

Si Astevan lang ang naging bampira sa pamamagitan ng ritwal dahil sa haba ng proseso nito at ilang araw na igugol kumpara sa pag-inom ng dugo ng isang bampira na sa loob ng ilang minuto isa kanang ganap na kasapi nila. Siguro kaya yun ginawa ng umampon sa kanya dahil gusto pa rin nilang panatilihing tao si Astevan sa ganong paraan.

Pinahatid ko siya kila Leander at Haven. Si Leander ang nag-akay sa kaniya pabalik sa dorm niya sa Regalias Academy habang si Haven naman ang nagbura sa mga alala ng taong nandun na nakasalumuha namin.

Nung araw ding yun nahanap at muling nakapiling ni Haven ang kanyang mga magulang. Sabay-sabay kaming nagbalik sa Palasyo habang ako akay ni Chrion.

Ginamot ako ni Titania ng magising siya at halos magalit siya sa kanyang sarili nang malaman niya ang nangyari samin. Kinalaunan huminahon din naman siya ng sabihin kong may maitutulong naman siya. Gamutin niya ko, sa pamamagitan nun nakatulong siya sa'kin.

Bilang kaparusahan sa kataksilan ni Phrixus binawi ko ang kapangyarihang pinahiram ko at pinatapon siya sa malayong lugar. Gusto sana ng mga nasasakupan namin na hatulan siya ng kamatayan pero hindi ako sumang-ayon dahil minsan na siyang naging parte ng buhay namin na masyado lang siyang nabulag sa kapangyarihan.

Nabura ang takot sa puso ng mga nasasakupan namin ng malaman nilang tuluyan ng nawala ang mga bampira lalo na ang Sanford pero ako lungkot ang bumalot sa'kin.



- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


[1 month later]


Ilang buwan matapos ang trahedyang nangyari samin ay kinasal ako at kinoronahan bilang isang ganap na Reyna.

Nasa balcony ako nang may maramdaman akong yumakap sa'kin habang nakatalikod sa kanya

"Ang lalim na naman ng iniisip mo" sabi niya sa'kin na ramdam ko ang paghinga niya

"Hindi ko maiwasang malungkot, kung hindi sana ginawa yun ni Phrixus hindi sana nangyari ang lahat ng yun" malungkot kong sabi

"Iniisip mo pa rin ba siya?" napalingon ako sa kanya ng maramdaman ko ang selos sa boses niya

"Napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi" sagot ko at pinagmasdan ang napakaamo niyang muka na sino man ay mahuhumaling sa kanya

"Pero ikaw ang lalaking pinili at pinakasalan ko... na kasama kong bubuo ng magiging pamilya, parte nalang siya ng nakaraan ko" paliwanag ko dahil ayokong nagtatampo siya sa'kin

"Hindi ka magsisising ako ang pinili mo. Hindi kita hahayaang masaktang muli, I love you Catriona" napangiti ako sa sinabi niya, dama ko ang sinseridad niya

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Napakaswerte ko na kahit hindi kami ni Astevan ang nagkatuluyan napunta naman ako sa tamang tao.

Wala kong pinagsisisihan sa naging desisyon ko na siya ang pinili ko at hindi si Astevan. Mabait siyang tao at alam kong proprotektahan niya ko maging ang magiging pamilya namin.








A/N: Huwag ka ng malungkot ang mahalaga hindi happy ending.

Ang daming nagtatanong kung sinong nakatuluyan ni Catriona, sinadya ko talagang hindi banggitin pero nasa chapter 3, 11 at 14 ang clue kung sinong nakatuluyan niya.

Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment.

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon