CHAPTER 14

508 13 0
                                    

Harmony's POV



Nasa di kalayuan ako kung saan nag eensayo sila Chrion. Ilang araw na nag eensayo si Ms. Catriona bakas na ang pagod sa kanya pero kita mo kung gaano siya kadeterminadong matuto sa bawat araw.

Paggawa ng palaso gamit ang kapangyarihan niya at pagpana ng wasto ang tinuturo sa kanya ngayon ni Chrion. Nahihirapan siya dahil hindi niya naman laging nagagamit ang kapangyarihan niya.

"Sana ako nalang may ganyang kapangyarihan para mahawakan ko rin kamay ni Ms. Catriona" napangiti ako sa sinabi niya

"Siya na nga laging kasama niya, siya pa rin nakakadikit ng gayan" ang cute magtampo ni Holden

"Bakit kasi hindi ka magtapat sa kanya?" mungkahi ko

"Gusto mo bang gilitan ako ni Phrixus ng leeg? isa pa alam ng lahat na si Phrixus ang tutulong sa kanya pagnakoronahan na siya" sagot niya

"Tingin niyo bagay sila?" biglang sulpot ni Granger

"Hindi sila bagay, sabi ni Titania lagi daw sinusungitan ni Chrion si Ms. Catriona" sagot ni Holden

"Hindi naman siya ang tinutukoy ko kundi si Phrixus" paglilinaw niya

"Hindi pa rin" sagot niya muli habang nakatingin sa dalawang nag eensayo

"Tama ka diyan kasi bagay kami!" biro ni Granger

"Sinong bagay?" singit ni Leander sa usapan habang minamasahe ang balikat

"Kami ni Ms. Catriona" sagot ni Granger

"Tol kung mangangarap ka wag masyadong mataas para hindi masyadong masakit kapag lumagpak ka" payo nito sa kanya sabay tapik sa balikat niya

"Kahit si Leander hindi sang-ayon sayo" pang-aasar sa kanya ni Holden

"Pambira kayo sa lahat ng tao ikaw Holden ang hindi ko inaasahan na makikipagtalo kay Granger para lang sabihin na mas bagay ka kay Catriona" nanungunsumi na sabi ni Leander

"Gusto mo batok tol? nakakalimutan mong igalang si Ms. Catriona nasa palasyo ka wala ka sa paaralan niyo" sabi ni Granger sa kanya sabay akbay

"Ewan ko sayo" waksi nito sa kamay ni Granger

"Alam niyo ba muntikan na magkadalasog-lasog katawan ko, sa bawat tinuturo ko sa kanya mas lalong siya lumalakas partida ilang araw palang training niya paano pa kaya kung na master niya kapangyarihan niya baka isang pitik niya lang ng daliri wala na kong buhay" kwento niya sa naging training nila

"Sayang naman hindi ka pa natuluyan hahaha" biro ni Granger

"Aba't loko ka ah" akmang babatukan niya 'to nang magsalita ko kaya naudlot ang balak niya

"Nag sanay rin naman kasi siya katulad natin nung mga bata pa tayo hindi nga lang ganon kahirap" sabi ko

"Kung sabagay" pagsang-ayon nila

"Nga pala nakita niyo ba si Titania? ipapagamot ko kasi buong katawan ko, hanggang ngayon ang sakit pa rin" tanong niya samin

"Baka nandiyan lang yun naggagala" sagot ni Granger

"Sige hanapin ko muna siya" paalam ko sa kanya

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Leander's POV

Kahit kailan walang kupas si Granger mang-asar sarap karatihin. Naglilibot-libot nalang ako sa palasyo para makita si Titania, malay ko ba kung saan trip nun pumunta hindi naman kami ganon ka-close para sabihin niya lahat sa'kin.

Nang mapadaan ako sa library naisipan kong dalawin si Cheyenne. Baka mabaliw na yun puro papel at mga libro nalang nakikita niya.
Bago ko pa buksan ang pinto isang malakas na sigaw ang narinig ko.

"AAAAAAHHHHHHHHH" nagmamadali akong pumasok sa loob dahil sa narinig kong sigaw ng isang babae

Medyo nahirapan ako hanapin ang kinaroronan ng sigaw dahil sa pagkataranta ko.

"Daphne!" tawag ko sa kanya na nakatayo lang habang nanginginig ang katawan, kahit nakatalikod siya sigurado kong siya yun base sa ayos niya

Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko.

"L-Leander" takot niyang tawag sa pangalan ko habang natulo ang luha sa pisngi niya. Akalain mo nga naman uso rin pala iyak at takot sa kanya kala ko puro kaartehan lang alam niya

"Anong nangyari sayo? bakit ka sumigaw?" imbis na sumagot may tinuro siya sa lapag, laking gulat ko nang makita si Cheyenne na nakahandusay sa lapag, sa di kalayuan nakahandusay din si Titania na puro dugo at sugat

"Sh*t!" napamura ko sa nakita ko. Hindi ko alam kung sinong uunahing puntahan sa dalawa. Mag isip ka ng tama Leander nasa panganib mga kaibigan mo!

"Daphne makinig ka" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sinubukan salubungin ang tingin niya

"Puntahan mo sila Chrion ngayon na mismo, ipaalam mo rin sa kanila 'to pero siguraduhin mong hindi malalaman ni Catriona" hindi siya sumagot agad kaya inalog ko pa siya

"O-Oo" binitawan ko siya para makaalis agad

Parang biglang nawala sakit ng katawan ko dahil sa nasa harap ko ngayon. Babasagin ko talaga bungo ng hayop na may gawa nito sa kanila. Ang tigas ng panga nun ah saan yun kumuha ng lakas ng loob para saktan ang dalawa sa loob pa mismo ng palasyo.

Ilang minuto kong naghintay sa pagbalik ni Daphne pero hindi ko inaasahan na halos buong tao sa palasyo kasama niyang bumalik. Anak ka ng nanay mo! napahilamos nalang ako sa muka, wala na kong magagawa nakita na ni Catriona ang kalagayan nila.

"Bring them to my room" utos niya ng may pag-alala

"Pero pagod ka na" tutol ni Chrion

"Wala kong balak na pagmasdan silang nalalagutan ng hininga" naglakad siya paalis na sinundan namin ni Holden. Buhat ko si Titania habang buhat niya naman si Cheyenne

Pagkarating namin sa kwarto niya inilapag namin ang dalawa. Una niyang nilapitan si Titania na duguan at inumpisahang gamutin. Kinuha niya ang palad nito kasabay nun ang paglabas ng puting liwanag na nagmumula sa palad niya.

Sa bawat pagpatak ng oras mas lalo siyang nanghihina dahil sa pagod at paggamit ng kapangyarihan niya.

Ilang minuto lang at binitawan niya na ang palad ni Titania pero hindi pa rin nagmumulat ng mga mata.

"Matagal pa siya bago magising" paliwanag niya dahil halata namang naghihintay kami na magising si Titania

Sinuri niya muna si Cheyenne pero hindi gaya ng kay Titania wala siyang ginawa kundi pagmasdan lang.

"Mukang nagamot na siya ni Titania kaya siguro wala siyang sugat o galos manlang" paliwanag niya

"Dalhin niyo na sila sa silid nila. Leander bantayan mo si Titania, Chrion bantayan mo si Cheyenne wag niyo silang iiwan ng walang pahintulot ko" utos niya samin

"Papapalitan ko nalang ang kobre kama mo para makapagpahinga ka" sa sobrang pagod niya tango lang naisagot niya sa'kin






A/N: Buti nasa wisyo utak ko ngayon kaya medyo ayos update para sa'kin

Salamat sa pagbabasa wag kalimutang mag vote at comment

Royal Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon