NAKASANDAL ako sa bintana ng sasakyan habang nakasilip sa labas. Si Tito Alejo ang nagda-drive. Nanatili akong tahimik buong biyahe. Nang tingnan ko si Tito ay seryoso itong nakatingin sa kalsada.
"Tito, saan ba tayo pupunta?" marahang tanong ko.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na iyon itinanong sa kaniya. Yet, his answer is still the same.
"Kung saan gagaling ka," tipid na tugon ni Tito.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at tumingin sa bintana. Halos dalawang oras na kaming nagda-drive rito sa kalagitnaan ng gubat. Matarik ang daanan sa lugar na 'to at hindi ko alam kung mayroon bang sibilisasyon dito.
After what happened last night, I was awoken by a sudden decision in the morning.
Dadalhin ako ni Tito Alejo sa lugar kung saan gagaling daw ang sakit ko. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip ako tungkol sa sakit na mayroon ako. Wala naman kasi akong nararamdaman na malala sa katawan ko. Maybe because of the help of the medicines that I'm taking.
Maliban sa biglaang panlalabo ng paningin, I can say that I'm in good shape. But what happened last night made me question my sanity.
"Hey, Cleofa. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, okay?" pagpapagaan ng loob ni Tito nang mapansin ang pananahimik ko. "You're just probably tired. The howls came from our neighbor's dogs. There's no need to worry," dagdag niya.
Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko at pasimpleng napaismid.
"Nanny asked our neighbors . . ." Walang kaemo-emosyon akong humarap kay Tito. "They only have cats. Hindi sila nag-aalaga ng aso."
Natigilan si Tito sa sinabi ko, pero hindi niya ipinahalata sa akin ang pagbabago ng ekspresyon niya. Muli na lamang akong umiwas ng tingin.
He's really hiding something.
Nanatili akong nakatingin sa bintana nang nabigla ako nang pumasok kami sa isang tunnel. It caught me off guard. Wala sa sarili akong napaayos ng upo.
Nang marating namin ang kabilang dulo nito ay tuluyang nagbago ang mood ko. My eyes slowly widened because of disbelief. Napaawang ang bibig ko nang makita ang napakagandang tanawin.
"Tito, nasaan t-tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nanatili akong nakasilip sa bintana habang tinatanaw ang paligid.
"We're at Algrea."
Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Algrea? How come na ngayon ko lang narinig ang lugar na 'to? Imposibleng hindi ito kilala dahil sobrang ganda rito.
Malawak ang lupain at iba't ibang kulay ng mga puno ang nakikita ko. There are also different old stone structures in different positions. Sa dinami-rami ng mga nakamamanghang bagay na nandito, ang malaking rebulto sa gitna ng bayan ang umagaw ng pansin ko.
A stone statue of the Greek god Poseidon.
Nalaman kong siya ito dahil sa hawak-hawak niyang trident. Nakaawang ang bibig ko habang nakapako lang doon ang tingin.
I can't believe that places like this exist.
Ilang minuto rin ang lumipas nang huminto ang sinasakyan namin ni Tito Alejo sa harap ng isang gate.
"We're here," sambit ni Tito.
Pagkababa ko sa sasakyan ay bumungad sa akin ang mataas na gate. Napapalibutan ito ng mga ugat na nakaikot sa mga bakal. Tatlong beses ang taas nito kumpara sa akin dahilan kung bakit hindi ko nakikita ang nasa loob.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...