29. Someone from the past

64.2K 3.3K 322
                                    

HINDI agad naproseso ng utak ko ang sinabi ni Kyera. Parang bumagal ang takbo ng oras dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa babaeng kasama ko. Mabilis na sumagi sa isipan ko ang masayang itsura ni Rivan habang ikinukuwento ang lalaking tinutukoy niya. Ang naging reaksiyon ni Aqua nang malaman na hindi siya kasama ni King pabalik, ang guild's master naming ginagawa ang lahat para mahanap siya.

Zail? That . . . Zail?

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Kagaya niya ay nakisilip na rin ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang isang pamilyar na lalaki.

I saw him before . . . the first time that I had encountered a gifted.

He's still wearing a black shirt that enhances his pale ivory skin. Una ko pa ring napansin ang kaagaw-agaw-pansin na peklat niya sa mata. My heart started pounding so fast. Agad akong napahawak sa dibdib ko habang nakatingin sa lalaking nasa loob.

Is it just a coincidence that he's a member of a Trejon guild?

Nando'n siya sa bahay namin noon . . . sa parehong pagkakataon din, gusto akong kunin ng guild na 'to. Napalunok ako nang malalim. Is it really just . . . a mere coincidence?

"N-No, w-why?" sambit ni Kyera.

Mabilis na nalipat ang tingin ko sa babaeng katabi ko. Halo-halong emosyon ang ipinapakita sa akin ni Kyera. Mariin akong napakahawak sa ibabang damit ko. It's harder for her to see him . . . now is not the time for me to meddle. Hindi ko na 'yon dapat isipin pa. I'm sure . . . it's just a coincidence.

"K-Kyera, tara na—"

Sinubukan kong hilahin paalis si Kyera pero hindi ko ito naituloy nang may balang dumaplis sa gilid ko. Mabilis na napunta ang atensyon ko sa biglang pagsulpot sa dulo ng pasilyo ng mga miyembro ng Trejon.

"Nandito sila!"

Namilog ang mga mata ko sa mga lalaking papunta na sa amin. May kani-kaniya silang dalang mga baril. Baril na nakita ko na noon. Isang baril na gawa sa ginto at may simbolo ng orasan. Agad nila kaming pinaulanan ng mga bala. Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa at sapilitan kong hinila paalis si Kyera. Agad kaming tumakbo paalis.

"Jeez! Umayos ka nga!" giit ko.

Tila natauhan si Kyera sa sinabi ko. Even though the color drained out of her face, she continued running. "S-Sorry."

"Tsk, hindi ko pa nakikita si Zail kaya hindi ko alam ang itsura niya. Pero kung totoo ngang si Zail 'yon, sigurado akong may dahilan siya," pagpapagaan ko ng loob ng babaeng kasama ko.

I bit my lower lip as I continued running. Even I am starting to doubt my memory. Sigurado akong nakita ko na ang lalaking 'yon. Pero kung totoo ngang isa siyang miyembro ng Trejon, at siya si Zail, ano'ng ginagawa niya sa likod ng bakuran namin no'ng gabing 'yon?

Napunta ang tingin ko kay Kyera na para bang paiyak na. "Umayos ka! Nasaan na 'yong babaeng matapang kanina?"

She bit her lower lip. Isang tango ang isinagot niya sa akin habang pinipigilang tumulo ang luha niya.

"Hindi kayo makakatakas!"

I heard footsteps chasing after us. Nabigla ako nang muli kaming pinaulanan ng bala ng mga taga-Trejon. Pagewang-gewang kaming tumatakbo ni Kyera na pilit itong iniiwasan.

"Takbo lang, Cleofa!"

Sumunod ako sa sinabi ni Kyera at tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa marating namin ang pintuang itinuro sa amin ng babaeng bampira. The other way out.

"Makakaalis na tayo—"

Ang laki ng tuwa ko nang bumungad sa akin ang liwanag sa labas. Ngunit agad rin itong nawala. Nabigla na lamang ako nang saktong pagbukas namin ng pinto ay bangin ang sumalubong sa amin.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon