IT felt like my heart was going to pop out of my chest. Sunod-sunod ang pagtulo ng pawis ko dahil sa sobrang kaba. Nakaangat ngayon ang tingin ko sa nakalululang tanawin dahil sa sobrang lawak. Dinala kami ni Lucho sa isang parte ng guild kung saan sobrang lawak ng lupain. It looks like a huge open field. Tila nanliit ang tingin ko sa guild namin dahil sa sobrang laki ng guild nila.
Parehong nakatingin sa paligid ang dalawang kasama ko. Maiging pinagmamasdan ni Kyera ang paligid.
"So? Ano'ng gagawin ko?" tanong niya.
Kumurba ang labi ni Lucho sa narinig bago senyasan na sumama sa kaniya si Kyera. Nanatili kaming dalawa ng babaeng bampira sa may pintuan at pumunta sa field sina Kyera at Lucho kasama ang dalawang malalaki nilang mga pusa.
Nakangising inilibot ni Lucho ang tingin niya sa field bago tapunan ng tingin si Kyera.
"Survive," maikling sagot niya.
Pare-pareho kaming nagtaka sa sinabi niya. Sa kabila nito ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. I gulped as I watched them from afar. We're . . . really in deep trouble. Kinakabahan ako para sa babaeng kasama ko.
"What do you mean?" tanong ni Kyera.
Hindi sumagot ang lalaking kaharap niya, bagkus ay mas lalong kumurba ang ngisi nito. Bakas ang pagkabigla niya nang magbago ang mga mata ni Lucho.
His eyes turned orange . . . the same as hers. Pareho silang tagapagmana ni Artemis.
"Y-You're also an heir of Artemis?" hindi makapaniwalang sambit ni Kyera.
"O! So pareho pala tayo?" Mas lalong lumawak ang ngisi ni Lucho sa nalaman. "This is exciting."
Nabigla kami nang biglang hindi mapakali si Rip, Kyera's familiar. She kept growling and shaking her head as if her body was moving on its own. Unti-unti siyang tumabi kay Lucho.
"W-What— " pagtataka ni Kyera.
"My gift is control," pangunguna ni Lucho. Kumurba ang labi niya sa mapang-asar na ngisi. "I can control any kind of animal. Including a familiar," dagdag niya pa.
My eyes widened as he caught my attention. He has a gift that controls familiars— familiars that are connected to us, gifted.
"Do whatever you can to survive in 5 minutes. Nakadepende na sa 'yo kung lalabanan mo sila." Tinapunan ni Lucho ng tingin ang dalawang malaking pusa sa magkabilang gilid niya, to Rip to be exact. "Well, one of them is your familiar."
Kita ko ang pag-ismid ni Kyera. She's facing Lucho's familiar and her familiar.
"But I doubt that you can run forever. They're one of the best hunters after all," natatawang dagdag ni Lucho.
He looks confident like his victory is inevitable. Matalim siyang tiningnan ni Kyera. Mabilis ding nawala ang seryosong ekspresyon niya at napalitan ito ng ngisi. Hinigpitan niya ang pagkakatali ng bandana sa ulo niya.
"And I'm a hunter as well."
Lucho's smile faded. Napaismid siya sa sagot nito. "Well then, good luck."
Umalis sa field si Lucho at naiwan na lang si Kyera kasama ang dalawang malalaking pusa. Her eyes are now orange.
Sa isang iglap ay nagtakbuhan na sila. Kyera's legs turned into cheetah's legs. I can see the black spots showing on her skin. Para silang sumasabay sa hangin sa pagtakbo. Ni hindi ko sila masundan ng mga mata ko.
I bit my lower lip as I watched them. Humigpit ang pagkahahawak ko sa laylayan ng damit ko. Kahit hindi ako ang tumatakbo ay parang mauubusan ako ng hangin dahil sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...