TANGING ang tunog ng ulan at ang mahihinang pagtilamsik ng tubig dahil sa mga yapak namin ang ingay na maririnig. Alerto kaming lahat nang pumunta kami sa gilid ng gate ng guild. Pumwesto si Alvis sa harap nito. Seryoso siyang bumuga ng hangin bago dahan-dahang lumapit sa gate.
Unti-unting kumunot ang mga noo namin nang mapagtanto ang binabalak niyang gawin. He slowly knocked.
"What the f*ck, Alvis?" sambit ni Helix.
"What? I'm trying to be polite," sagot ni Alvis.
Pare-pareho kaming napasinghap sa isinagot niya. Mukha namang naintindihan ni Alvis ang ipinaparating namin at napabuntonghininga na lamang. His eyes changed.
And just like that, one strike of lightning is enough to destroy the whole freaking gate.
"Ibang klase talaga. Sinong tangang susugod 'tapos kakatok muna," bulong ni Helix.
Nagsimula na kaming maglakad papasok ng gate. Seryoso ang ekspresyon ng mga kasama ko habang sunod-sunod na nagsipasok sa loob.
Akala namin ay dere-deretso na kami sa loob pero pare-pareho kaming natigilan nang nakita namin kung ano ang nag-aabang sa likod ng gate. Hindi namin inaasahan na magsisimula na agad ang labanan.
There are 16 guys in front of the guild. Para bang inaasahan na pupunta kami. I mean, sigurado naman akong inaasahan na nila kami. They set a trap and we intentionally fell for it. Pero hindi ko inaasahan na balak na nila agad kaming harapin.
Tanging si Lucho lamang ang namumukhaan ko rito—ang lalaking nakalaban ni Kyera at ni Helix. Hindi ko nakikita si Zeo o kahit 'yong lalaking gumagamit ng wind gift.
"O? Taong-hayop, buhay ka pa—" natatawang sambit ni Helix.
Akmang susugod na dapat si Helix nang agad siyang pinigilan ni King.
"Objective."
Natauhan si Helix at umismid.
"Go, Cleofa," sambit ni King sa akin. Isang tango ang isinagot ko rito.
Alam kong mas maganda kung sama-sama kami dahil hindi hamak na mas marami ang kalaban. Pero may tiwala ako sa mga kasama ko.
Numbers don't mean anything to them.
Balak na sana naming umalis ni Risca nang matigilan ako nang magsalita si Helix.
"Bacon!"
Helix summoned the cerberus. Bakas ang takot sa mga kalaban namin. Kahit si Lucho ay nabigla rin sa familiar ni Helix.
Dapat lang, para maipamukha sa kaniya na hindi pa seryoso ang kasama ko no'ng naglalaban sila.
Akala ko ay sasakay rito si Helix papunta sa pillars pero nabigla ako nang bigla niya 'kong isinakay rito. He effortlessly lifted me and put me on his familiar's back.
"H-Huh?!"
"A wyvern can't fly inside that guild. Mas mabilis kayong makakapunta sa kapatid mo kapag kasama si Bacon," nakangiting sabi sa akin ni Helix. Hindi rin nagdalawang-isip si Risca at sumakay na rin ito rito.
"Paano ka—"
"Alam kong lampa ka. Baka nga maunahan ko pa kayo kahit nakasakay na kayo riyan, eh," natatawang sagot niya sa akin. "Be careful, okay? Susunod ako pagtapos kong sirain 'yong pillars na' yon," dagdag pa niya.
Hindi na ako nakasagot pa at mabilis nang tumakbo si Bacon patungo sa loob ng guild. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa lalaking nakakurba ang labi at pinanonood kaming makapasok.
Helix . . .
Bacon ran toward the guild's door.
"H-Hindi kayo makakapasok!"
Nabigo kaming pigilan ng isa sa mga taga-Trejon nang bigla na lamang naging yelo ito. Napangiti ako sa ginawa ni Aqua.
I won't fail you . . . I'll save Zail.
Agad nakapasok si Bacon sa guild. Nagtaka ako dahil walang katao-tao rito. I mean, may mga nag-aabang sa amin sa labas ng guild. Sinalubong kami ng blangkong mga upuan at mga silid.
Bakit wala rito? Ano'ng pinaplano nila?
Patuloy sa pagtakbo si Bacon nang bigla itong huminto nang lumiko kami sa isang pasilyo. Nang tingnan ko ang dahilan nito ay natigilan din ako.
"O?! Princess! Lagi na lang tayong nagkikita. Siguro nakatadhana talagang patayin kita."
Tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni Zeo. Agad kong tinakpan ang mga mata ni Risca at pumikit din ako. His gift is hallucinations. Ayaw kong mapunta na naman sa mundong ginawa niya.
"Close your eyes!" sambit ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang bigla akong natauhan.
Doon ko napagtanto ang kakayahan ko. I can now use my gift! Yes! Hindi ko na kailangang kabahan sa gift niya at kukunin ko na lang ito.
Balak ko nang imulat ang mga mata ko para gamitin ang gift ko nang biglang nag-summon si Zeo.
"Venom."
Hindi ko naituloy ang binabalak kong gawin. Nanlamig ang buong katawan ko.
Hindi kami pareho ng gift ni Xilah. Hindi tumatalab ang gift ko sa mga familiar. Sa oras na buksan ko ang mga mata ko para gamitin ang gift ko ay paniguradong magiging bato ako.
"O? Bakit natigilan ka, princess? For a minute, sa tingin mo 'ata matatalo mo 'ko," natatawang sambit ni Zeo.
Napaismid na lamang ako sa sinabi niya. Kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang mga yapak nito.
Base sa nararamdaman ko ay hindi pa nagiging bato si Bacon. Mukhang hindi katulad ni Helix ay marunong itong sumunod at pumikit din ito.
"Ano na? Magagawa mo ba 'kong matalo kung nakapikit ka?"
I bit my lower lip out of frustration. Papalapit na nang palapit ang mga yapak ni Zeo. Napaismid ako habang nag-iisip ng paraan. Buwisit talaga, ang ganda ng combination nila ng familiar niya! Napakadaya!
Nauubusan na 'ko ng ideya na dapat kong gawin. If only Kyera or Xilah is here!
"Paano ba 'yan, mukhang mamamata—"
Hindi na naituloy ni Zeo ang sasabihin niya nang may narinig kaming nabasag na salamin sa harapan namin.
It immediately caught my attention. Ano 'yon? Mukhang galing sa bintana—
"O? Ano'ng ginagawa mo sa mga estudyante ko?"
It felt like time stopped when I heard her voice. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa mata ni Risca at sabay naming binuksan ang mga mata namin. Bumungad sa amin ang naging bato na gorgon at ang agaw-mata na kulay pulang buhok niya.
"X-Xilah!"
Nilingon ako ni Xilah at sinalubong ako ng ngiti. "Sorry, I'm late," pangunguna niya. "Be ready sa parusa, Cleofa. Sabi ko walang gagawa ng kung ano, eh," dagdag niya.
"P-Paanong—" Tila nabigla si Zeo sa biglaang pagsulpot ni Xilah. She's the worst possible opponent for him, after all. Nang tingnan ko ang bintanang pinanggalingan ni Xilah ay bumungad sa akin ang ulo ng griffin—Xilah's familiar.
"Ano? Tutunganga ka na lang diyan? Hindi ba may naghihintay sa 'yo?"
Natauhan ako sa sinabi ni Xilah. Sh*t! Si Zail!
"P-Pupuntahan na namin siya! Thank you!"
Ngiti lamang ang isinagot sa akin ng guro namin. Tuluyan na naming nilagpasan si Zeo. Wala na siyang magagawa pa. His familiar is a stone now and his gift is useless against Venus. Desididong dumeretso ang tingin ko sa pasilyo habang hinahangin ang buhok sa bilis ng pagtakbo ni Bacon.
Just wait, Zail,malapit na ako.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...