MABILIS na pumunta sa harapan ko si Alvis para harangan ako. Sinigurado niyang nasa likuran niya 'ko at nakaharang sa akin ang kamay niya.
Bakit ba parang ang malas ko naman ngayong araw?
"O? Nasaan na 'yong prinsipe mong may apoy?" natatawang tanong sa akin ng lalaking kaharap ko.
Napaismid ako sa sinabi niya. I gritted my teeth as I gave him a disgusted look. Hindi pa rin kumukupas ang inis ko sa kaniya mula no'ng una kaming nagkita.
Ngunit sa kabila ng inis ko ay hindi ko mapigilang kabahan. Yari kami ngayon ni Alvis. Pareho kaming hindi nakakagamit ng gift namin.
"Hays, sayang. Gusto ko pa namang ituloy ang laro namin," dagdag nito.
Naramdaman ko ang paghawak ni Alvis sa braso ko.
"Cleofa, mauna ka na— "
Hindi na natapos ang sasabihin ni Alvis nang bigla itong lumutang sa ere. Alvis gasped for air as if he was being strangled.
"Alvis!"
Lumakas ang tawa ng lalaki nang makita ang itsura ko. "Bastos eh, nagsasalita ako 'tapos sumasabad."
"Buwisit ka!" giit ko.
Lalo itong natuwa sa sinabi ko. Tila nahihirapan nang huminga si Alvis. Napaismid ako at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Buwisit! Wala akong maisip na magawa! I don't have a gun or even a knife with me! Bakit ba hindi ko naisipang magdala?!
"Parang naulit lang ang nangyari dati ah, pero inaamin ko, masakit ang ginawa mo sa akin," pag-iiba ng lalaki.
He caught my attention. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ano'ng ginawa ko sa kaniya?
"Pero akalain mo 'yon, ikaw na mismo ang lumapit sa amin."
Muli itong tumawa sa sinabi niya. What a freak!
Unti-unti siyang lumalapit sa amin. Sinubukan kong ibaba si Alvis pero hindi ko ito magawa. I bit my lower lip out of frustration.
"A-Angel!"
Malakas kong tinawag ang pangalan niya pero walang nangyari. "H-Huh? Angel!" pag-uulit ko.
"It's pointless, princess. Hindi mo matatawag ang familiar mo rito."
Nanlumo na lamang ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Napakasuwerte ko nga naman talaga.
"Pero 'wag kang mag-alala, dito ka— "
Tila natigilan ang lalaki sa pagsasalita. Kasabay ng pagkalaglag ni Alvis ay ang pagtulo ng dugo sa kanang pisngi ng lalaking kaharap ko. Hindi ito makapaniwala nang mahawakan niya ang dugong tumutulo sa pisngi niya.
"Tsk, I missed," sambit ng lalaking bagong dating.
It felt like my heart would pop out of my chest when I heard a familiar voice. Parang tutulo ang luha ko nang marinig ang boses ni King.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...