4. First day of Classes

98.7K 3.9K 1.5K
                                    

NAGISING ako dahil sa ingay na ginagawa ng kasama ko sa dorm. Hindi mapakali si Luxxine at kung ano-anong libro ang pinagdadala niya. Natatawa akong napailing at hindi na rin ako nag-aksaya ng oras para mag-ayos.

Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. Unang araw ng klase. Siguro ay nahawa na rin ako kay Luxxine dahil sa pagiging excited sa unang araw ng klase.

Sabay kaming pumunta sa klase namin. Pareho kami ng section. Nahahati lang kasi sa dalawa ang klase ng mga rookie. Sa unang linggo lang naman daw ito dahil pansamantala lang ang sections.

Kapag na-summon na raw namin ang mga familiar namin ay puwede na kaming sumali ng guilds.

Mayroong guilds dito sa academy na maaari naming salihan, at doon kami makakukuha ng mga mission namin na kasama ang seniors at masters.

"Excited na 'ko, Cleofa!" masiglang sabi sa akin ni Luxxine.

Napakapit ito sa braso ko at hindi pa rin nawawala ang excitement niya. I sighed before flashing a smile. Napapaisip din tuloy ako kung ano ang gagawin namin ngayon araw.

Nang makarating kami sa klase ay may kani-kaniyang buhay ang mga estudyante. Umupo kami sa mga bakanteng upuan.

Hindi rin nagtagal ay nagsiayos ang lahat nang pumasok ang unang guro namin. Isang matabang lalaki ang bumungad sa amin. He has a mustache, and he's also wearing a jumpsuit. Kapansin-pasin din ang kumikinang nitong noo.

"Good morning, students! I'm Sir Saremo, and I'll help you to have your familiars," nakangiti niyang sambit.

Iba-iba ang naging reaksiyon namin sa sinabi ni Sir Saremo. Lahat kami ay excited makuha ang magiging familiar namin.

"Ahh!! Cleofa, OMG!!" masiglang sambit ni Luxxine. Hindi ko mapigilang mapangiti sa reaksiyon niya.

Kumuha ng chalk si Sir Saremo at isinulat nito ang salitang familiar sa blackboard.

"Familiars were also known as the creatures who served as the protectors and companions of the gods and goddesses before," panimula ng guro namin.

"Katulad ng mga gift ay nanggaling din sa mga diyos at diyosa ang mga familiar natin."

"But unlike our gifts that were passed down from generation to generation, familiars have the freedom to choose their own masters."

Everyone looked at our teacher with amazement. Pare-pareho kaming humahanga sa paraan niya ng pagtuturo pati na rin sa mga impormasyon na nalalaman namin.

"Some of them choose their owners by their strengths or appearances, while some of them . . ."

Tumigil sa pagsusulat si Sir Saremo at hinarap niya kami. Nakangiti siya habang pinagmamasdan kaming lahat.

". . . already chose their owners before they were even born."

Hindi mawala ang tingin ko sa aming guro lalo na nang magtama ang mga mata namin. I suddenly felt like he was talking directly to me.

"Okay, class! Tara sa open grounds!" muling sambit ni Sir Saremo.

Mabilis na nagsitayuan at nag-unahan ang mga kaklase ko sa paglabas. Nasama ako sa siksikan nila nang tumayo ako at sa hindi inaasahan ay may nasanggi ako.

"A-Ay, sorry," hinging paumanhin ko.

"Bulag ka ba?" galit na sabi ng babae.

Napasinghap ako sa sinabi ng babaeng nasanggi ko. A girl with fair skin and black hair with blue highlights. Her dark blue eyes match her hair and enhance her long lashes. She's also wearing a red uniform like me.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon