ANG iilang damit na dinala ko rito para magsilbing pamalit ay ibinabalik ko na ngayon sa bag para iligpit. Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga nangyari, pero heto ako ngayon, sinusunod ang sinabi ni Aqua. Matapos naming ayusin ang mga gamit namin ay tinawag na kami ng isang kasambahay para kumain ng tanghalian.
Nanatiling lumilipad ang isip ko kahit kusang gumagalaw ang katawan ko. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Aqua. Paano niya nahanap 'yong bata?
Hindi niya sa akin ipinaliwanag kung paano niya nagawa 'yon kahapon. To be exact, she didn't even talk or mention anything after saying all of that yesterday.
Even Alvis and Helix remained quiet. They didn't even react after Aqua said that she found the girl. Mukhang may alam na sila sa nangyayari at wala silang binanggit sa amin ni Risca. Basta raw bukas ay malalaman ko ang lahat.
Ano kaya ang nalaman nila? Totoo kayang haunted 'tong bahay na 'to? Eh, 'yong bata? Baka siguro hindi nila ito kinuha kasi pata—
"Hoy, Cleofa, galawin mo na 'yang pagkain mo. Hindi ka namin hihintayin kapag natapos na kami."
Natauhan ako nang magsalita sa akin si Risca na may pairap pa. Agad akong kumain dahil ayaw kong maiwan dito at mag-isang bumalik sa kuwarto namin. Hihintayin ko na lang ang mga kasagutan sa mga tanong ko bukas.
₪₪₪₪₪₪₪₪
KINAUMAGAHAN ay nagtipon-tipon kaming lahat sa salas kasama ang mag-asawa. Mabigat ang tensiyon sa pagitan namin at sa pagitan ng matandang babae na kanina pa masama ang tingin sa amin.
"O, ano? Himala at kompleto pa kayo. Susuko na ba kayo?" nakangising sambit sa amin ng matandang babae.
Even though I know she's irritated, ngiti lamang ang ipinakita sa kaniya ni Aqua. "We're here to inform you that we've found your child," may pagkasarkastikong sagot niya.
Mabilis na nawala ang ngisi sa labi ng matandang babae. Bakas ang pagkabigla nila sa sinabi ni Aqua. Tila hindi rin sila makapaniwala sa narinig.
"N-Nasaan siya?!" hindi makapaniwalang tanong ng matandang lalaki.
Muling ngumiti si Aqua sa kanila at napunta ang tingin sa isang batang babae. Namilog ang mga mata ko nang makilala ang tinitingnan niya. Ni hindi ko man lang siya napansin sa loob ng silid. She's the kid from yesterday . . .
"Pero gusto ko lang malaman n'yo na isa lang sa inyo ang dahilan kung bakit siya nawala," nakangising sambit ni Aqua.
Kumunot ang noo ng mag-asawa pati na rin ako.
Ano'ng ibig niyang sabihin?
"You'll soon find out who." She winked before turning her back on us.
Naglakad na palabas si Aqua na ikinatingin naming lahat sa isa't isa. Hindi na niya kailangang tawagin pa kami dahil mabilis din kaming sumunod sa kaniya. Napunta ang tingin ko sa batang babae na kanina pa balisa.
My forehead furrowed because of confusion. Hindi ba siya masaya na nahanap na ang kapatid niya? Hindi ba't siya ang may gustong mahanap ang kapatid niya?
Kahit naguguluhan ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Napansin kong pamilyar ang dinaraanan namin at doon ko naalala na rito ako nawala kahapon.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" mahinang bulong ko kay Helix.
"Obvious ba? Hindi ba nga nahanap na 'yong bata? Natural pupuntahan natin," sarkastikong sagot niya.
Napairap na lang ako sa sagot niya sa akin. What's with him? Tsk.
Nawala ang pagsimangot ko nang mapunta ang tingin ko sa harap. Lalo pa 'kong nagtaka nang huminto kami sa tapat ng isang pamilyar na painting. My expression immediately changed when I remembered where I saw it. Nandito ako kahapon . . .
"Alisin mo," utos ni Aqua kay Alvis na sinunod naman nito.
Dahan-dahang inalis ni Alvis ang painting at bumungad sa amin ang isang pintuan. Labis na nabigla ang mag-asawa na para bang wala silang kaalam-alam na mayroong silid rito. Hindi nag-aksaya ng oras si Aqua at agad siyang naunang lumakad papunta rito. Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa amin ang isang pamilyar na kuwarto.
Mabilis akong natigilan nang makita ko ang loob. The whole room is covered by pink stuff. Nothing had changed since I saw it yesterday. Dito ako nanggaling kahapon.
Ito 'yong kuwarto n'ong batang babae . . . ano'ng ginagawa namin dito? Nandito ba ang hinahanap namin?
"Ano'ng ginagawa natin dito? Sabi ko na nga ba, Arturo, walang-alam ang mga batang ito!" giit ng matandang babae.
Bakas ang pagkainis sa mukha ni Aqua sa sinabi ng matandang babae sa asawa nito. "Would you shut up please?" walang-ganang sambit niya.
Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi ni Aqua na nagpatahimik sa matandang babae. Serves her right.
Walang-ganang napairap si Aqua sa kaniya bago malipat ang atensyon sa isang batang kasama namin sa kuwarto.
"Little girl, why don't you explain to your parents why we are here?" nakangiting tugon ni Aqua sa batang babae.
Lahat ng atensyon namin ngayon ay napunta sa batang babae na paiyak na. Napakurap-kurap ako at naguguluhang napatingin sa kaniya.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin, ha?! Na may alam ang anak ko rito?! Mga bastos!" giit ng matandang babae.
Mariing napapikit si Aqua na bakas ang pagkairita sa mukha. She looked the old lady dead in the eye.
"I said shut up. We're doing our job. So, kung manggugulo ka lang ay mas makabubuting lumabas ka," inis na sagot ni Aqua. Her eyes sharpened and her tone was serious. Halatang muling napahiya ang matandang babae sa sinabi ni Aqua.
I saw Alvis hiding his smile while Helix and Risca smirked. Hindi na nakasagot ang matandang babae sa kasama namin.
"M-Mama, hindi ko po alam. Pero po baka rito nga po napunta si Lily," sambit ng batang babae.
Napangiti si Aqua sa sinabi ng bata. "Aw, what a cute little liar," sarkastikong aniya. "So, Lily pala ang pangalan ng kapatid mo?" dagdag niya.
Tumango ang batang babae sa amin na parang inosente talaga. Hindi ko maintindihan kung ano'ng ipinupunto ni Aqua. Posible bang siya ang nagtago sa kapatid niya? O totoong haunted 'tong bahay na 'to at kinuha nga ng bahay ang kapatid niya?
"Then, what's your name?" marahang tanong ni Aqua. Ilang segundong huminto ang bata bago sumagot.
"Lylia."
"Mukhang pinag-isipan pa," rinig kong komento ni Helix. Kunot-noo akong napaharap sa kaniya na nanatiling walang-ganang nanonood sa harapan namin. Lumapit si Aqua sa nag-iisang malaking aparador sa kuwarto. Sinubukan niya itong buksan pero naka-lock ito.
"Where's the key?" tanong niya sa bata.
"N-Nawala ko na po 'yon dahil matagal ko na pong hindi ginagamit 'yan," sagot ni Lylia.
Aqua gave her a lazy look before looking at the cabinet once again as if it was not a big deal that there was no key. "Okay." I saw her heave a sigh.
Akala ko kung ano ang gagawin niya nang dalawang beses siyang bumuntonghininga sa tapat ng aparador. Then I saw her eyes change. It turned blue like the ocean. Water slowly appeared in her hands and shaped them like a key. Mas lalo akong nagulat nang naging solid ito.
Natulala ako sa nangyari habang nakaawang ang bibig.
Huh? Anong klaseng gift 'yon?
She used it to open the closet. Unti-unti itong bumukas at parang bumagal ang oras nang makita namin ang laman nito. Pare-pareho kaming nagulat nang may makitang bata sa loob. Hindi ko rin inaasahan ang bubungad sa akin doon.
Isang batang babae, kamukhang-kamukha ni Lylia.
"We found her," sambit ni Aqua. "Your twin sister, Lylia."
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...