43. Thief

61.4K 2.8K 410
                                    

I CAN feel the cold breeze touching my skin. Lumipas ang kalahating oras nang makaalis kami sa academy at nandito na kami ngayon sa tunnel papasok ng Resoir. For Pete's sake, ilang beses na 'kong muntik nahulog dahil sobrang nakakangalay. Pero no choice dahil kailangan naming makapunta rito nang mabilis para maabutan si Helix.

"Sa oras ngayon ay sigurado akong hindi pa nakakapasok si Helix sa Trejon guild. Malamang ay nandito pa lang siya sa city," sambit ni Taliyah.

Inalala namin ang sinabi niya. Hindi rin nagtagal ay sinalubong kami ng ulan. Nakapasok na rin kami sa Resoir.

Agad kaming ibinaba ng magkapatid na boreads nang makarating kami sa Resoir. Kasunod n'on ang pagkawala nila.

"Thank you, Taliyah," sambit ni Aqua kay Taliyah.

She just nodded in response. Malamang ay sobrang pagod ngayon si Taliyah. They're using her power after all.

"Eva." King summoned his familiar.

Namuo ang itim na usok sa tapat ni King. Hindi nagtagal ay sumulpot si Eva. Hindi siya nagtanong sa amin o nagsalita pa ng kahit ano na para bang alam na niya ang dapat niyang gawin. Deretso siyang yumuko bilang pagrespeto kay King.

"I'll find him," malamig na sambit niya sa amin.

Kasunod nito ay ang paglamon muli sa kaniya ng usok bago siya tuluyang maging phoenix. Naramdaman ko ang paghampas sa amin ng hangin nang mabilis siyang lumipad paitaas.

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang nakaangat ang tingin ko kay Eva. Desidido akong tumango sa sarili ko. Hindi ako tumunganga lang doon at kumilos din ako. Hindi ko magagawang maghintay lamang dito na makabalik si Eva.

"Angel!"

Nakuha ko ang lahat ng atensyon nila nang marinig nila 'kong sumigaw. Nabigla sila nang biglang lumipad patungo sa amin ang isang wyvern.

"H-Hey, Cleofa—!"

Hindi na nila ako napigilan nang nakasakay na 'ko rito. "Hindi ako maghihintay rito. Hahanapin ko rin siya."

Napaismid si King nang tuluyan na kaming nakalipad ni Angel. Alam kong mahihirapan kami ni Angel na mahanap si Helix sa city lalo na't umuulan. Pero sigurado akong hindi pa 'yon nakakapunta sa Trejon guild.

I CAN feel the cold raindrops and cold breeze. Pero isiniwalang-bahala ko ang lamig.

Napagpasyahan ko na maglibot malapit sa inn na napuntahan namin nang nanggaling kami rito.

Habang nasa itaas ay mabilis na naagaw ang pansin ko nang may nakita akong umiilaw sa gitna ng gubat. My eyes squinted while looking in its direction. Sa pagkakaalala ko ay nadaanan namin ito nang pumunta kami sa Trejon guild.

Agad naming nilapitan ni Angel ang liwanag na iyon. Habang papalapit nang papalapit ay mas lalong lumilinaw sa akin na isang apoy 'yon.

I'm pretty sure it's Helix.

Habang lumalapit ay hindi ko mapigilang mapaisip. Paano niya nagagawang gamitin ang gift niya? I mean, umuulan dito sa city. Sigurado akong—

Nang tuluyan na kaming nakalapit ay agad nasagot ang tanong ko.

Ano pa nga ba? Si Helix ang pinag-uusapan. He's using a white fire. Tila nananatili itong umaapoy kahit natatamaan ng ulan.

Agad akong bumaba kay Angel. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Iba 'yong saya ko nang makitang hindi pa tuluyang nakakapunta si Helix sa Trejon nang mag-isa.

"Y-You jerk!"

Sa abot ng makakaya ko ay malakas ko itong tinawag. Kasabay n'on ay ang paggamit ko ng gift ko. Mabilis na nahinto si Helix sa pagtakbo dahil sa pagkabigla nang nawala bigla ang apoy niya.

This is my first time holding a fire, kaya susulitin ko na. Using Helix's gift, I raised my hand with a fire.

Agad siyang napalingon sa puwesto ko at bakas ang pagkabigla sa mukha. Hindi katulad ni Helix ay agad rin nawala ang apoy na hawak ko.

It's still raining; hindi ko kayang gawin ang white fire ni Helix. Pero kahit paulit-ulit itong nawawala ay ibinabalik ko rin ito agad.

"Come and get your gift back, jerk!" sambit ko rito.

Kasunod ng pagkatulala ay kumurba ang isang ngisi sa labi ni Helix. Hindi niya inaksaya ang oras niya at agad siyang tumakbo patungo sa puwesto ko. Ni hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya.

He chuckled. "You thief," nakangising aniya.

Napasimangot at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? What?! I'm just borrowing it, jerk!" sagot ko rito.

I heard him chuckle again. Nabigla ako nang bigla niya ako niyakap. Marahang nakahawak sa likod ko ang isa niyang kamay at nakaalalay sa ulo ko ang isa. Ramdam ko ang init ng paghinga niyang tumatama sa tainga at leeg ko.

"Sinabi ko bang gift ko ang ninakaw mo?"

I was taken aback by his answer. Kahit nanlalamig ang katawan ko dahil sa ulan ay tila nag-iinit ang pisngi ko. "W-What—"

Mabilis niyang binawi ang pagkakayakap niya sa akin at pinili niya na lang guluhin ang buhok ko. "Wala, pangit!"

My forehead furrowed and my nose crinkled. Nakasimangot akong tumingin sa kaniya. "B-Buwisit ka! Kung sunugin kaya kita?!" giit ko.

Tawa ang isinagot niya sa akin. Naiinis ko siyang tiningnan. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at wala ring tigil ang pag-init ng pisngi ko ngayon.

He gave me a teasing look while laughing. "Hindi mo ba—"

Natigil sa pagtawa si Helix nang biglang naging yelo ang paa niya, dahilan para huminto siya sa paggalaw. Pareho kaming nabigla sa nangyari. Kasabay n'on ay ang malakas na pagbatok sa kaniya ni Aqua.

"Nandito ka lang pala!" inis na sambit ng babaeng bagong dating.

Kasunod ni Aqua ay ang mga kasama namin. Bakas sa mga mukha nila ang inis nang makita si Helix dahil sa biglaang pag-alis nito, pero hindi maitatangging kita rin sa mga ekspresyon nila ang saya nang makitang okay lang siya. Tanging pagtawa ang nagawa ko sa reaksiyon ni Helix.

"Isa ka pa!"

Hindi rin ako nakaligtas nang binatukan din ako ni Aqua. Agad akong napahawak sa ulo ko sa ginawa niya.

"Bakit ako rin?!"

"Bigla-bigla ka na namang umaalis! Tsk! Dapat hindi ka na lang sumama!" sagot niya sa akin.

My lips pouted. Kung hindi nag-aalala sa akin si Aqua, nagagalit naman. Bakit ba ang suwerte ko at kung hindi sermon ay sakit sa katawan ang natatanggap ko?!

"Hays, tama na 'yan." Lumapit sa amin si King. Bakas sa mukha ni Helix ang pagkatakot dahil sa tono ng pananalita ni King.

"E-Eh, hindi naman ako pupunta sa Trejon mag-isa. U-Uhm, ah, ita-try—"

Hindi na naituloy ni Helix ang pagdadahilan niya nang agad siyang tapunan ng tingin ni King.

With just his look, it made Helix shut his mouth. Kahit hindi ako ang tinitingnan niya ay ramdam ko ang lamig ng tingin niya.

"Don't do that again. Are we clear?" maawtoridad na sambit nito.

Walang pag-aalangang sumagot si Helix. Wala sa sariling napatayo siya nang tuwid. "O-Opo!"

Pare-pareho kaming natawa sa reaksiyon niya. Iyan lang pala ang katapat niya.

King just heaved a sigh. Inilibot niya ang tingin niya sa aming lahat. "Now that we're here, let's discuss the plan," seryoso niyang sambit.

Sabay-sabay kaming sumang-ayon at tumango. Seryoso at desidido akong napatingin sa palad ko na unti-unting nagsara. Just wait, Zail. Nandito na kami.

We're going to save you.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon