RINIG ang pag-ikot ng gulong na tumatama sa mapuputik at maliliit na mga bato. Nakasakay kami sa kalesa pabalik sa academy. Tahimik ang mga kasama ko sa loob na pare-parehong seryoso ang ekspresyon at halatang malalim ang mga iniisip.
Nanatiling nasa baba ang tingin ko at walang-imik. Hindi ko inaasahang iiwan lang namin nang gano'n ang sitwasyon ng pamilyang 'yon. I can't help but overthink . . .
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Pero kagaya nga ng sinabi ni Aqua, problemang pampamilya 'yon.
"O-O, bakit parang bumagal 'yong pag-andar ng kalesa?" biglaang tanong ni Risca.
Pare-parehong napaangat ang mga tingin namin nang huminto ang kalesang sinasakyan namin. Nawala ang pag-iisip ko nang mapagtanto kong tumigil kami sa pag-andar.
"A-Ano'ng meron?"
"Bumaba kayo riyan!"
Hindi na naituloy ni Risca ang sasabihin niya nang may isang boses ng lalaki ang tumawag sa aming lahat. Naging alerto kami at seryosong napadungaw sa labas. Nagkatinginan kaming lahat at pawang hindi agad nakagalaw nang may muling nagtawag sa labas.
"Isa!" may pagbabantang sigaw ng lalaki sa labas.
Rinig ko ang pag-ismid ni Helix na nasa tabi ko. Seryoso niya kaming tinapunan ng tingin habang naghahandang bumaba. "Ako muna, magpahuli kayo," walang-gana pero seryoso niyang sambit.
Walang kaemo-emosyon siyang bumaba na agad na sinundan ni Alvis. Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Risca bago sumunod na bumaba sa kalesa. Kusang namilog ang mga mata ko nang makita ang sumalubong sa amin sa labas. Bumungad sa amin ang isang grupo ng mga lalaki na may hawak na mga patalim. Iba-iba ang mga suot nila, may mga nakasando, naka-T-shirt, mayroon pang walang pang-itaas.
The only thing they have in common are the covers in their mouths.
Mabilis akong naging alerto nang mapagtanto kung ano sila . . . bandits.
Agad na humarang sa harap namin ni Risca sina Alvis at Helix. Matatalim ang mga tingin nila sa grupo ng mga lalaki at pareho rin silang alerto.
"Ilabas n'yo lahat ng pera n'yo kung ayaw n'yong masaktan!" sabi ng isa sa mga lalaking may hawak na patalim.
Nagtangkang lumapit sa amin ang isang lalaki nang mabilis na humarang si Helix sa kaniya. "Umalis na kayo kung ayaw n'yong masaktan," malamig na sagot niya. Helix loosened his necktie and gave them a serious look. Walang bakas ng takot sa mukha ng lalaking kasama ko.
Rinig ko ang pag-ismid ng mga lalaking kaharap namin. I even saw their foreheads furrowed.
"Aba, matapang kang bata ka, ah— "
"'Wag n'yo nang patulan! Kunin n'yo na ang pakay natin!" biglaang pagsingit ng isang may malalim na boses. Sumulpot sa kung saan ang isang lalaking may edad na. Maawtoridad nitong sinabihan ang isa sa mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...