11. Fire and Wind

82.4K 3.9K 612
                                    

TILA nanlalabo na ang paningin ko sa mga nangyayari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TILA nanlalabo na ang paningin ko sa mga nangyayari. Everything happened too fast. Tanging init at hampas ng hangin lang ang nararamdaman ko habang naniningkit ang mga mata. The next thing I know, Helix is already covered in bruises!

Kahit na hindi hamak na may advantage ang gift niya ay hindi pa rin maiiwasan o maipagkakaila na mas malakas at mas maraming alam ang kalaban niya ngayon.

"You really amaze me, kid," sambit ng kalaban ni Helix habang nakangiti.

Kahit puno na ng galos sa katawan si Helix ay kabaliktaran naman ito ng lalaking kaharap niya na ni pawis man lang ay wala.

"Kahit bata ka pa ay maganda na ang ipinapakita mo," dagdag nito.

"Nah, hindi pa 'ko seryoso." I heard the jerk chuckle.

Kahit na kinakabahan, napaismid na lamang ako sa narinig. Kahit hirap na hirap na ay hindi pa rin talaga mawawala ang kayabangan sa katawan nitong si Helix.

Tawa ang naisagot sa kaniya ng lalaki. "Gusto ko pa sanang makipaglaro, pero kailangan na natin 'tong tapusin."

I heard Helix click his tongue. But he still regained his composure.

"Bakit naman? Natatakot ka ba na magseryoso ako?" giit ng lalaking kasama ko.

"Hindi ako tanga, bata. Alam kong nag-aaksaya ka lang ng oras para hintayin ang mga kasama n'yo. Kailangan ko na ang babae."

Napaismid si Helix sa sinabi ng lalaki. Walang-tigil ang pagtulo ng mga pawis niya at naghahalo na rin ito sa mga sugat na natamo niya.

Napalunok ako nang malalim habang mabigat ang paghinga. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito, pero sigurado akong parating na ang tulong.

"I told you, right? You can't have her," seryosong ani Helix.

I bit my lower lip out of frustration.

Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil wala akong magawa. Hindi ko man lang kayang maipagtanggol ang sarili ko kaya umaasa lang ako sa mga nakapaligid sa akin.

I can't even summon Angel because I don't have enough strength left . . .

"Kukunin namin siya sa ayaw at sa gusto mo," tugon ng lalaki.

Naramdaman ko ang pagtindi ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Unti-unting lumakas ang hangin sa paligid namin at nakaramdam ako ng kaba.

"H-Helix— "

"Stay there!"

Unti-unting nakabuo ng bolang gawa sa hangin ang lalaking kaharap namin. Sobrang lakas ng hangin nito at kapansin-pansin na rin ang pag-uga ng mga puno na nakapaligid. Hindi tuloy maiwasan na matanggal ang ilang dahon at maliliit na sanga nito.

I can even see the clouds slowly disappearing in the sky.

"H-Helix, move!" I shouted.

Pero labis ang ipinagtaka ko nang hindi man lang umaalis sa puwesto niya si Helix. What the hell?! Mamamatay siya kapag tinamaan siya n'on!

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon