"THERE'S someone who is not welcome here."
Tumaas ang dalawang kilay ko at napalunok ako nang malalim sa narinig. Pare-pareho kaming naging alerto sa sinabi ni Rivan. Napansin ko ang pagpunta ni Helix sa harap ko na para bang hinaharangan ako.
Sino naman ang tinutukoy ni Rivan? Inilibot naming lahat ang mga mata namin para hanapin ang tinutukoy niya. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan habang pare-pareho naming inililibot ang mga tingin namin.
"I found you," seryosong sambit ng lalaking kasama namin.
Lahat kami ay napako ang tingin sa puwesto na tiningnan ni Rivan. Tiningnan ko itong mabuti at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong may gumalaw rito. Sabay-sabay kaming nakarinig ng malakas na tawa ng isang lalaki at palakpak.
"Magaling! Akala ko ay matatagalan pa kayo sa pagpansin ng presensya ko," natatawang sambit nito.
Bumungad sa amin ang isang lalakeng balbas-sarado. Nakakulay itim siya na sando at puno ng tattoo ang kaniyang katawan.
"Paano ka nakapasok dito?" kalmado ngunit alerto na sinabi ni Rivan. He gave the man a serious look and tone.
Lahat kami ay binabantayan ang bawat kilos na ginagawa niya. "Kung ako sa 'yo ay aalis na 'ko rito bago pa 'ko matunton ng nakatataas," dagdag ni Rivan.
Hindi nabahala ang lalaki sa sinabi ng lalaking kasama namin. Bagkus ay natawa pa siya.
"Gusto ko lang namang mamasyal. At isa pa, may hinahanap ako." Tila napako ang tingin nito sa akin na ikinataas ng balahibo ko.
"Baco— "
"Nuh-uh!" Napahinto sa pag-summon si Helix kay Bacon nang itinaas ng lalaki ang kamay nito. Nakita namin ang tattoo sa kamay niya. Isang imahe ng mata na mayroong ahas sa ilalim.
Everyone froze in their places. Napansin ko ang pagkabahala sa mukha ng mga kasama ko at ang paghawak ni Helix sa aking braso. Bumigat ang pakiramdam ko sa mga inakto nila. I can feel my heartbeat pounding faster.
Ano'ng ibig sabihin ng tattoo na 'yon?
"Mas makabubuting 'wag n'yo nang idamay ang mga familiar n'yo rito kung ayaw n'yong tawagin ko ang akin," sambit ng lalaki.
Gumuhit ang nakaiiritang ngisi sa labi niya na mukhang tuwang-tuwa sa mga reaksiyon namin. Bakit ba walang magawa 'tong si Helix?! Malakas ang familiar niya!
Kahit si Rivan ay bakas din sa mukha ang pagkabahala. "What do you want?!" tanong niya.
Ngumiti ang lalaki bago ako itinuro. "Gusto ko lang hiramin ang binibining kasama ninyo."
Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi ng lalaki. Helix's forehead furrowed, and his nose crinkled.
Ako? Bakit ako?
"I think you're mist— "
"At ano namang kailangan mo sa kaniya?! Mali ka ng hinahanap!"
Inunahan ni Helix sa pagsagot si Rivan. He gritted his teeth, and his brows knitted together, dahilan ng pagtawa ng lalaki sa amin.
"Ayokong pinaghihintay ako, mga hijo. Ibibigay n'yo lang sa akin ang babae at tapos na ang usapan," maawtoridad na sambit ng lalaki.
"I'm sorry, sir, but I think he's right. Mali kayo ng hinahanap," giit ni Rivan.
Bakas ang pagkairita ng lalaki sa sinabi ni Rivan na parang napupuno na ito sa amin. Napahawak siya sa kaniyang buhok at iritado kaming tiningnan.
"Kung gusto n'yo ng pahirapan ay wala akong magagawa. Kagaya ng sinabi ko, ayokong pinaghihintay ako," seryosong sambit niya. Then suddenly, his eyes changed.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...