5. Her Familiar

95.2K 4.2K 1.9K
                                    

EVERYONE started training and doing everything they can to summon their familiars. Before I know it, days have already passed.

Lahat sila ay nakuha na ang mga familiar nila. Napaismid na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko pa rin ma-summon ang sa akin. Pang-apat na araw na ngayon at hindi ko pa rin ma-summon ang familiar ko.

Na-summon na ni Luxxine ang familiar niya. She had a peryton, a hybrid of a deer and an eagle. Ang ganda nga, eh. She named it Deerle, dahil daw deer at eagle. Yeah, right.

Kahit 'yong nakaiinis na Risca ay nakapag-summon na rin. She had a water familiar, a hippocampus. It looks like a seahorse, literal na seahorse dahil kabayo ang pisikal na anyo nito na may buntot na parang isda. She named it Ariel dahil para daw itong sirena. Well, I should've expected it. She's an heiress of Amphitrite, after all—the goddess of sea.

Natatandaan ko pa rin ang ngisi niya sa akin nang makuha niya ang familiar niya, samantalang ako ay wala pa rin.

"Buwisit!" inis na sambit ko.

Napapadyak na lang ako sa inis. Iritado akong napaismid sa sarili ko. Nasa likod ako ng academy ngayon, sa tapat ng gubat na nagkukulay asul dahil sa kulay ng langit, sinusubukang i-summon ang aking familiar.

Bakit ba kasi ayaw niya pa rin magpakita? Dahil ba sa mahina ako? O dahil hindi ko pa alam ang gift ko? O baka naman kasi hindi talaga ako gifted . . .

"Matatakot mo siya kapag ganiyan," rinig kong sambit ng isang lalaki.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang lalaking palapit sa akin.

He slowly flashed a smile while his hands were inside his pockets. Tumaas ang dalawang kilay ko, hindi ko inaasahan ang bumungad sa 'kin. The god of thunder's heir.

"Hmm. Cleofa, right?" tanong niya.

"Kilala mo 'ko?" tanong ko.

"Uhm, we're on the same class?"

Natauhan ako sa narinig. Napatango-tango ako sa sinabi niya. "You need something?" marahang tanong ko.

He just flashed a smile while waving his hands. "Just wandering around . . ."

Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya. Muli akong napatingin sa lupa at inalala ang ginagawa ko. I don't have time to mind him. I'm still trying to summon my familiar.

Huminga ako nang malalim. Relax, Cleofa, relax.

"Sas kaló ypálliló mou!" muli kong bigkas.

I closed my eyes and waited to feel something different. But for the nth time, walang nangyari . . .

"That's it, I give up. Who needs a stupid familiar anyway?" walang-ganang sambit ko.

Tuluyan na 'kong sumuko sa pag-summon ng familiar ko. Mukhang ayaw talaga nito sa akin.

"Iyon na 'yon?" Rinig kong komento ni Alvis. Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Seryoso niya akong pinanonood.

"You can't summon your familiar so you'll just give up?" sarkastikong dagdag niya.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. "You don't know anything. Easy for you to say because you inherited Zeus' gift and summoned the pegasus as your familiar," giit ko rito.

Napaismid ako sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gift ko. Napatikom ang bibig ng lalaking kasama ko dahil sa sinabi ko. That's when I realized that I went too far.

"Sorry— "

"Sorry— "

Pareho kaming natigilan nang sabay kaming humingi ng tawad sa isa't isa. Nagkatinginan kami at ilang segundong napakurap-kurap bago sabay na natawa sa ginawa namin.

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon