I BECAME alert yet calm. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon, pero isa lang ang sigurado ako . . . hindi si Risca ang babaeng kaharap ko.
"Who are you?!" tanong ko.
Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin ko siyang tiningnan. Hindi pa rin nawawala ang nakakairitang ngisi niya. Mas lalo akong nairita dahil mukha ni Risca ang gamit niya.
Walang makakarinig o makakapansin sa amin dahil nasa gitna kami ng gubat ngayon. Malayo-layo rin kami sa guild.
Nanatiling nasa likod ang magkabila niyang mga kamay. "That's not important. Masyado mong pinaghihintay si guild's master. Kailangan ka na naming kunin," natatawang sambit niya.
Napaismid ako sa narinig. So, she's from the Trejon guild, huh?
"Nasaan si Risca?! Ano'ng ginawa mo sa kaniya?!"
Natawa lamang siya sa sinabi ko. "Aba, malay ko." Nagkibit-balikat siya. "Ito ang nasangga kong babae kanina kaya sa kaniya gumana ang gift ko."
My forehead furrowed. Nasangga? Ano'ng ibig niyang sabihin?
Kung nasangga na niya si Risca, ibig sabihin ay nagkaharap na sila. Her gift is such a pain in the ass. Hindi niya lang kayang gayahin ang itsura ng biktima niya kung hindi pati na rin ang gift nito.
Pero bakit si Risca ang ginaya niya? Kung si Aqua or Alvis ang ginaya niya ay malamang mahihirapan akong labanan siya.
Napaisip ako nang malalim. Kasabay ng paghampas ng hangin ay napagtanto ko ang isang bagay.
Magagaya niya lang ang taong mahawakan niya o kapag nagkaroon sila ng physical contact! Kaya nagawa niyang gayahin si Risca!
"Hoy, bakit ang tahimik mo?" Natauhan ako nang kunot-noo uli siyang nagsalita. "Tsk. Hindi ako puwedeng mag-aksaya ng oras dito. Sasama ka—"
"Ano'ng ginagawa mo rito?!"
Natigilan sa pagsasalita ang babae nang biglang may sumulpot sa pagitan namin. Maski ako ay nabigla rin sa biglaang pagdating ng isang pamilyar na babae. Hindi ako makapaniwala nang makita ko kung sino ito. Sumabay sa mabilis niyang pagkilos ang mahaba at naka-braid niyang buhok.
"C-Celes?!" hindi makapaniwalang sambit ko.
Namimilog ang mga mata kong nakatingin sa kaniya ngayon. Isa siya sa mga nakalaban namin noon! Iyong babaeng muntik nang makatalo kay Aqua!
Ano'ng ginagawa niya rito?! Hindi ba't nahuli na sila ng academy?!
"Paanong—" pagtataka ko.
Natigilan ako nang makita ko ang tattoo sa braso niya. A dagger. A symbol of being a Verine. Don't tell me—
"O! Akalain mong makikita kita rito?" For a second, I think I saw the girl's expression become dull. But she immediately replaced it with a smirk. "The greatest criminal, Celes," natatawang dagdag ng babaeng kaharap namin.
Napaismid sa sinabi niya si Celes. She gritted her teeth and gave her a serious look. Sa kabilang banda ay napaawang ang bibig ko sa pagkabigla. Magkakilala sila?!
"Kahit iba ang itsura mo ay makikilala kita," walang kaemo-emosyong sambit ni Celes. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng kaharap namin na gamit ang mukha ni Risca. "Hoy, babae, umalis ka na rito," biglang sambit sa akin ni Celes nang hindi ako lumilingon.
Hindi ko pa nagagawang makasagot man lang nang sumingit ang babaeng kaharap namin.
"Oopsie! Walang makakaalis," aniya.
Ang just like that, I saw water forming, surrounding me. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng isang bula. I gasped for air as the water started to devour me. Kahit hindi niya gift ang gamit niya ngayon ay may alam siyang tricks ng isang water gift.
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasíaGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...