TIME passed. Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng malay si Kyera kaya pumasok na uli sa silid sina King at ang iba pa.
"Whoa, buhay ka pa," natatawang asar sa akin ni Risca.
I rolled my eyes as I shook my head. Salamat sa Diyos at buhay pa ako. Pero sa tingin ko ay sina Helix at Alvis ang hindi sa oras na makita sila ni Aqua.
Nang makapasok sina King ay agad nanlumo si Kyera nang makita ang kasamahan niya. "J-Jester?!" giit nito.
Agad napayuko ang lalaking nagngangalang Jester dahil kay Kyera. His mouth shut and fear crossed his face.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" Napabangon nang wala sa oras si Kyera nang makita ang kasama.
"Hey! Kyera, relax! Nakita namin siya no'ng hinahanap namin si Cleofa," pagpapakalma ni King kay Kyera na agad na ikinakunot ng noo nito.
"Wala ka bang dila at hindi ka makapagsalita? Ano sabi ang ginagawa mo rito?!" deretsong sambit ni Kyera.
Hindi pinansin ni Kyera ang sinabi ni King at matalim lang itong nakatingin kay Jester. Ngayon ko napagtanto na iba si Kyera maging leader.
"I-I'm sorry, Kyera! Nahuli kami!" sagot ni Jester.
Kyera's eyes widened and her forehead furrowed. Sa kabilang banda ay walang-imik sina King na mukhang inaasahan na nila ang sasabihin nito. Katulad ni Kyera ay nakuha rin ni Jester ang atensyon ko.
Ano'ng ibig sabihin niyang nahuli? Kaya ba wala sina Helix dito?
"Ano?!"
Kusang nagbago ang kulay ng mga mata ni Kyera. Her face suddenly turned into puma, making her growl.
It immediately caught my attention. Teka, bumalik na ang gift niya!
"Hinahanap ka niya nang makita namin siya," dagdag ni Aqua. Hindi ito pinansin ni Kyera at lahat ng atensyon nito ay na kay Jester lamang.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Jester? Ang sabi ko magmanman lang kayo! Paano kayo nahuli?!"
Jester can't look Kyera straight in the eyes. Bakas ang takot sa itsura niya. Well, gano'n din ang itsura ko 'pag nagagalit si Aqua.
"S-Sinunod namin ang plano! Pero 'yong dalawang rookie, umakto sila nang sarili nila nang makita nilang may dinukot na babae!"
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pare-parehong nakuha ni Jester ang mga atensyon namin. Lalo na si Aqua na nagbago ang aura.
The atmosphere in the room suddenly changed.
Dalawang rookie. Sina Helix at Alvis 'yon.
"Bakit hindi kayo nanlaban?" tanong ni King.
Tila nagbago ang ekspresyon ni Jester at napatingin sa sarili niyang mga palad. His eyes are full of fear and his hands are shivering.
"H-Hindi ko alam p-pero may baril sila," nauutal na sagot ni Jester.
Nakuha ng sinabi ni Jester ang atensyon ni Kyera. "Baril?"
"N-No'ng una akala namin ay bala ang laman pero hindi. No'ng nabaril nila kami ay parang may tumusok lang sa amin," pangunguna ni Jester. "P-Pero hindi namin magamit ang gift namin."
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Kyera no'ng nasa guild kami ng Trejon. Pareho rin ito ng nangyari kay Kyera.
"Hanggang ngayon?" tanong ni Kyera.
Isang tango ang isinagot ni Jester na para bang natuyo ang lalamunan at hindi makasagot.
"Nabaril din ako, pero bala. At nagagamit ko na ang gift ko ngayon." Malalim na napaisip ang babaeng nasa kama. "Mga duwag na aso. Umaasa sa kung ano'ng gamot para lang makalaban."
BINABASA MO ANG
Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyGIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letters and words like a book. Have you heard of them? They're the Gifteds. Heir and Heiresses of differen...