Chapter 9

279 13 3
                                    

BELLE's POV

"Belle" pagpigil sa akin ni Gabbi noong paalis na sana ako, huminto ako at agad syang nilingon at saka sya lumapit sa 'kin. "Belle I want to be your friend." 

Ano bang ibig nyang sabihin? sa pagkakatanda ko sa buong school sya lang ang kinakausap kong madalas, hindi pa ba ito sapat sa kanya? Isa pa marami na syang kaibigan hindi na nya kailangan ng bago pa. 

Hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan mo Gabbi, matuto kang mamili ng kaibigan. 

"Kung nagaalala ka dahil sa nangyari kanina ay hindi na kailangan, Gabbi kaya ko ang sarili ko." bakas naman sa mukha nya ang pagkalungot..

"I know... but I really want us to be friends" muli nyang sambit.

"Why? Bakit ako?" natahimik sya ng ilang segundo...

"I don't know..." sabay yuko at napabuntong hininga pa. 

"Mauuna na ako, bukas nalang Gabbi." nagsimula na akong maglakad palayo... mga ilang hakbang na rin ang layo ko sa kanya ng..

......

"Kailangan bang may dahilan para maging magkaibigan ang dalawang tao?" sigaw nya sa akin mula sa kanyang pwesto

...at saka ako humarap muli sa kanya

"Sa kagaya ko? Oo.."

"Bakit?? Ano ba ang kagaya mo?" seryosong tanong nya, kitang kita ang pagtataka sa reaksyon nya

 ....dapat ay di ko  nalang ito tinanong, ganitong klase ng usapan ang iniiwasan ko...

"Gabbi, hindi ko kailangan ng kaibigan.." 

"Lahat ng tao kailangan ng kaibigan Belle"

"Sabi nino?"

"Aristotle, he said "In poverty and other misfortunes of life, true friends are a sure refuge."

"Hindi ka naman si Aristotle, hindi ka rin naman mahirap, mukha namang wala kang misfortune..."

"ang piliosopo mo naman Belle eh.." parang bata pang napapadyak ng paa

"Para saan ba ang kaibigan? kasama mo pumunta sa cafeteria? sa mall? masasabihan mo ng problema? hindi ba lahat yan ay kayang gawing mag-isa ng isang tao?"

"O- oo...." 

"See? mauuna na ko sa'yo" 

"Pero Belle" napahinto ako sa aking paglalakad... " Teka nga magusap tayo ng maayos.. Oo Tama ka.. kayang gawing yan lahat mag-isa ng isang tao... pero hindi ba mas napapadali ang lahat kung may kasama ka? kung may kaibigan kang nandyan parati? yung magpapalakas ng loob mo" bahagya syang huminto at naging sobrang seryoso ng tingin sa akin  "yung ipagtatanggol ka kapag hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Sa totoo lang.. hindi ko alam kung bakit ak-"

O.o

umiiyak??

"Gabbi.."

"S-sorry, tu- tumuluo nalang y-yung luha ko eh."

"Tama ka sa lahat ng sinabi mo Gabbi.. pero pasensya kana, hindi ako, hindi ang tulad ko ang kailangan mo."

Sorry Gabbi.... but right now, I don't need anyone. Hindi na ako lumingon pa dahil alam kong tuluyang bumuhos ang luha nya, mas mabuti na rin na haabng mas maaga ay alam nya kung hanggang saan lang ang kaya ko. Gabbi alam kong mabuti kang tao, mas maganda kung iiwasan mo ko. 

Crashing into You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon