BELLE's POV
tss.. bakit ba kasalanan ko lahat? sabi ko sa sarili habang naglalakad pabalik ng classroom mula sa aming meeting, hindi ko mapigilan na isipin kung bakit kapag tungkol sa bulldog na iyon ay kasalanan ko palagi. "It's not your fault okay?" sabi sa'kin ni Christoff "Ha? anong sinasabi mo dyan?"
"Taz alam ko naman kung anong tumatakbo dyan sa isip mo, so.. I'm just letting you know na hindi mo kasalanan" kilalang kilala nya talaga ako.. "So...?" nakangisi nyang sabi
"So..... what?"
-_-
"I mean... why are you so bothered by it?"
"I am not.."
"Yes, you are, Taz I know you alam na alam ko kapag ganyan ang itsura mo HAHAHA" tsss.. whatever.. "Anong itsura ang pinagsasabi mo dyan. ."
"Ayan.. yung magkasalubong ang kilay at medyo kunot ang noo, at yang labi mong nakanguso, ganyang ganyan ka kapag naiinis ka sa isang bagay, so.. tell me, why are you bothered by Debin?"
O.o
hmmm... ako? bothered? sa bulldog na yon? I don't know, maybe? haaaay. ."Pwede ba Christoff tigilan mo ko, I am not, okay?"
"tss.. mentirosa"
"baka ikaw.." ako pa tatawagin mo sinungaling..
"Taz I just want to remind y-"
"I know, I know okay?" pagpigil ko sa kanya dahil alam ko naman kung saan nanaman pupunta ang usapan na iyon. naghiwalay na rin kami ni Christoff dahil magkaiba naman kami ng building, ng makarating ako sa classroom ay naroon na sila Gabbi, magkakasama sila nila Josh at Ivan, naiilang akong dumaan sa harap nila pero.. bahala na. Ilang araw na rin na ganito ang sitwasyon namin, Hi at Hello lang ang pansinan namin at dahil yon sa desisyon ko. Mas maganda na yung ganito kaysa naman madamay pa sila sa kamalasan ng buhay ko, mas gugustuhin ko ng kainisan nila ako kaysa iwasan at layuan sa bandang huli...
lalo na't kapag nalaman nila ang tunay kong pagkatao.
"Belle.." mahinang sabi ng nasa likuran ko, "y-yes?" sabi ko dahil, hindi ko naman sya kilala.. well hindi naman talaga ako matandain lalo na kung hindi ko naman kaibigan. "Ay, hindi mo ako kilala? kasama ako sa meeting kanina, ako yung naka-assign para sa report ng event, pinapunta lang ako ni Joseph dito kasi sabi nya you need to be at the conference room later"
what? may meeting nanaman? "hmm.. bakit? may meeting ba tayo ulit?" tatanungin ko na sana sila Gabby ng matandaan kong hindi nga pala kami ganoong nagpapansinan.. "Ay.. hindi kami kasama, sabi sakin ni Joseph may paguusapan lang daw kayo about sa website? not in a rush daw after lang ng classes mo, kahit sandali lang daw"
hmm... "Okay" matapos yun ay umalis na rin ang babae, ni hindi ko manlang natanong ang pangalan nya.. "Belle is there something wrong?" tanong sakin ni Gabbi. ."No joseph just wa-.... uhmm wala. .everything is okay, thank you"
Ganyan nga Belle... just be civil, treat them like the others..
mabilis na natapos ang mga klase, kakatapos lang kasi ng exam kaya naman balik sa dati ang lectures.. wala naman masyadong homework maybe me and Christoff can finish the website, haaay.. ang hirap kapag wala ang bulldog na yon..
O.O
I mean... it's hard doing this alone.
>.<
papunta na sana ako sa building nila Christoff ng biglang.. "Ai!!" may humila sa'kin mula sa hallway papasok sa isang classroom na vacant. "Shhhhh! ate Belle!!"
BINABASA MO ANG
Crashing into You (Season 1)
RomanceWhen love meets mystery would you stay away or fall even deeper?