Chapter 27

306 16 4
                                    

GABBI's POV

"Belle!" sigaw ko  ng makita ko s'yang papasok sa pintuan, "Excited lang Madam Gabbi?" si baklang Josh.. kahit kailan ay laging kontra itong baklang 'to, hindi ko s'ya pinansin at agad akong tumayo mula sa upuan at sinalubong si Belle na naglalakad papasok ng classroom.. "Good morning Gabbi" mahina nyang sabi... bakit parang malungkot s'ya? may nangyari nanaman kaya? "G-Good morning Belle... ayos ka lang ba?" agad kong tanong sa kanya... tumingin s'ya sa'kin at saka umupo sa upuan nya, agad din namang lumapit sa'min si Josh at si Ivan.. "Okay lang naman bakit mo naman natanong Gabbi?" 

"Eh... para kasing ang lungkot mo ngayon Belle.." itong kaibigan kong 'to kahit kailang malihim.. "WHAT?.. you're so good girl.. Paano mo naman nasabi na mukha syang malungkot?.. eh isa lang naman ang reaksyon sa mukha nya palagi! my God! haha.." pang-aasar nanaman ni bakla.. natawa naman ng bahagya si Ivan.. well may point naman ang baklang 'to kahit papano.. pero iba talaga ang pakiramdam ko... "Ewan ko sa'yo Josh! kahit kailan bully ka!" biro ko sa kanya.. "Excuse me?.. me? bully?.. love ko kaya si Belle!" mataray nyang sabi na nakapamewang pa... "Oh love naman pala Gabbi eh.. hahaha!" 

"Eh s'ya? love ba s'ya ni Belle?" nakangisi kong tanong, sa sobrang kadaldalan ko talaga ay kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ko, ngayon ay mukhang nabigyan ko pa ng problema si Belle, dahil ang dalawang 'to ay nakatitig sa kanya at naghihintay ng sagot nya.. "b-bakit?" sabi ni Belle.. "Hindi mo ba ako love Belle girl?" nakangusong sabi ni Josh.. gusto kong matawa hindi sa mukha ni Josh kung hindi sa mukha ni Belle...hindi ko maipaliwanag ang kanyang reaksyon ngunit akala mo ay... nandidiri ito, hahaha! "Ouch!! you hurt my feelings! anong klaseng reaksyon yan?.. diring-diri lang sa'kin girl?!" at bahagyang natawa si Belle sa kanya... "Hindi ako nandidiri sa'yo.. h-hindi lang talaga ako sanay sa mga ganyang usapan.."  ang cute.. akala mo ay batang nahihiyang umamin sa crush nya ang itsura ni Belle.. medyo namumula pa ito..  "O.M.G!! don't tell me....wala ka pang naging jowa?"

"Jo.. what?" 

"Jowa!.. like Boyfriend... ganern! so...... nagkaron kana ng Jowa?" minsan ay magkakasundo din kami nito ni Josh.. dahil ako man ay gustong malaman ang mga ganitong bagay tungkol kay Belle... pare-pareho kaming nakatingin kay Belle at naghihintay ng isasagot nya.... 

.

.

***Brrring*** bigla naman tumunog ang Bell kaya hindi na nya nasagot pa ang tanong ni Josh.. nakakainis!! "haha saved by the Bell si Belle ahhh.." natatwang sabi ni Ivan... na nagsimulang ng maglakad pabalik ng kanyang upuan ganon din si baklang Josh... ako naman ay nananatiling nakatingin kay Belle... "Gabbi... malusaw ako.." mahinang sabi nya... paano nya nalaman na nakatingin ako sa kanya eh busy s'yang nagaayos ng libro na inilalabas nya sa bag nya.. "Haha... ang galing mo talaga Belle.." bulong ko sa kanya..... hindi na rin s'ya sumagot.. dahil gaya ng dati once na tumunog na ang bell ay masyado na syang seryoso sa pakikinig sa klase..  

"Get a one whole sheet of paper" sabi agad ni professor Villafuerte pagkapasok pa lang nito.. nakakainis! nakalimutan ko na ngayon pala yun quiz namin... hindi na ko nakapagreview kagabi dahil sa kakaisip sa punishment na  ibinigay samin ni Dean.. yun din nga pala ang dahilan kung bakit excited akong makita si Belle kanina dahil itatanong ko sa kanya kung ano ang plano nya.. dahil sigurado akong sa talino nya ay mayroon na agad s'yang naisip na gagawin.. pero dahil sa echuserang baklang Josh na 'to ay kahit isa wala akong natawanong na maayos kay Belle.. tss.. mamaya ko nalang s'ya tatanungin sa lunch break, sa ngayon ay itong quiz nalang muna ang po-problemahin ko. My gosh! quiz lang 'to pero bakit ganito?.. two pages questionnaire?.. at lahat problem solving? this is too much.. habang ako ay problemadong problemado sa quiz na 'to ay ayan naman si Belle at parang walang kahirap-hirap na sinasagutan ang bawat equation.. 

Crashing into You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon