ELLI's POV
"Miss Elli, Si Taz nandyan ba?" Si Christoff, ang aga nya, minsan may pagkakulit ang batang ito, alam na nga nya na hindi gusto ni Tazanna ang sinusundo "She left early"
"Damn it!" inis nyang sabi ng biglang nag ring ang phone nya, he excused himself pero agad din bumalik "Sim Senyora" sabi nya sa kausap nya at agad nyang iniabot sa'kin ang Telepono nya, "She wants to talk to you" seems like I know who it is...
. .... ...
"Pero Senyora, hindi ho ba delikado kung gagawin natin ito? ayaw po ni Tazanna ng pinapakielaman ang personal nyang buhay lalo na kung patungkol kay Yukino"
"So faco o que eu quero" (just do what I want) at saka tuluyang naputol ang linya.. "What did she said?" sabi agad ni Christoff ng ibalik ko sa kanya ang telepono.
"Christoff.. can you talk to your mom?" lalo syang nagtaka sa sinabi ko.. "Why? why? what's going on? what did she said?" hindi ko maitatanggi na sobra ang pagka-close ni Tazanna at Christoff, bata palang sila ay hindi na sila mapaghiwalay kaya naman ganito nalang sya kung magalala para sa kanya, lalo na ngayon sa sitwasyo ni Tazanna. "She wants me to bring Yukino to school to expose Tazanna"
"What??? and why? saka anong kinalaman ni Yukino dito?" yun na nga rin ang gusto kong itanong kay senyora pero kahit na anong gawin ko ay wala rin naman akong magagawa tungkol dito, "She already talked to the Dean, she wants Belle to be.... expelled" nanlaki ng sobra ang mata ni Christoff at inihagis ang hawak na telepono "I can't believe her!!! I know she doesn't like Taz after what happened but she can't continue to ruin her life! she.... she does not have the right to control her.. si Tazanna.. hindi nya kasalanan ang nangyari, the reason why she's here is because she wants to move on! and the only thing we could do for her is to support and protect her!" maluhaluha nyang sabi na napaupo na lang sa may silya..
"I understand you Christoff, pero alam mo din ang sitwasyon ni Tazanna, sa ngayon hindi natin maaaring ibigay ang kalayaan na gusto nya, hindi tayo basta basta dapat nagdedesisyon dahil lahat ng ito ay para sa kanya....... yun ang akala ko noon pero, pero sa ginagawa ng mommy mo pakiramdam ko mas naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Tazanna"
"Then we should help her instead! Ms. Elli, I know you love Tazanna! you are with her simula ng ipinanganak sya sa mundo, ikaw ang tumayong pangalawang ina nya why aren't you doing anything?" lahat ng sinabi nya ay totoo, ako ang naatasang maging tagapag-alaga ni Tazana simula ng isilang sya sa mundo.. "Pero sino ba ako Christoff? gustuhin ko man na tulungan sya ay wala akong kakayahang gawin yon, ang tanging magagawa ko lang ay manatili sa tabi nya... para protektahan sya ng palihim, kahit na alam kong malaki ang galit nya sa'kin"
"Miss Elli, You know she doesn't hate you right? Si Taz, sobrang laki ng puso nya, Kapag nakilala na nya ang tunay na ikaw, kahit anong gawin mong masama sa kanya, kahit ano pang masasakit na salita ang bitawan mo, mapapatawad ka pa rin nya dahil naniniwala sya na.. na lahat ng tao mabubuti, na lahat sila mapagkakatiwalaan, na lahat ng tao may karapatang magbago. The Taz that we are seeing right now is.. is not her, she's broken, she doesn't even know what to do, she wants to move on.. get away with it dahil ang totoo hindi nya alam kung paano babangon, so she closed her doors, she doesn't want anyone, anybody to enter her life... and all because of the reason that, she's afraid.. afraid that she'll be left alone, again." magkahalong awa, galit at lungkot ang nararamdaman ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Christoff, dahil lahat ng ito ay totoo at lahat kaming nakapaligid sa kanya ay nasaksihan ang bawat paghihirap nya.
"You don't tell me that, baka nakakalimutan mo, She grew up with me beside her all the time" nakangiti kong sabi, naupo ako sa may silya katapat ng kay Christoff "Tayong lahat na nagmamahal sa kanya, kilalang kilala natin sya, ang batang gustong-gusto ng lahat, ang batang walang arte sa katawan, ang batang walang galit sa puso at puro saya ang ibinibigay sa iba, ang napakaganda nyang mga ngiti, malalakas na tawa.. . si Tazanna, marami ang nagmamahal sa kanya, pero dahil sa nangyari, ang batang dating punong puno ng sigla ay ngayo'y nilalamon na ng lungkot." dito na nagsimulang tumulo ang mga luha ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing naiisip ko ang dating buhay na mayroon si Tazanna "Naalala ko noong halos mapaalis na ako sa trabaho dahil hinayaan ko syang maglaro sa labas dahilan para magkaroon maaksidente sya at mapilayan, nagpapirma sya ng petisyon sa lahat ng tauhan sa mansyon, ang sabi nya sa mga ito na kapag hindi sila pumirma ay hindi na nila makikita ang ngiti nya, araw-araw siyang sisimangot, panakot nya pa ay hindi maliligo at hindi rin sya kakain kaya lahat sila ay napangiti at nagsipirmahan, nakakatwang isipin na mas takot pa silang hindi makita ang mga ngiti ni Tazanna kaysa sa mga taong nagpapasahod sa kanila. Nakita ito ng nakakataas, doon nila nalaman ang totoong kakayanan ni Tazanna, hindi lang ang pagiging mahusay sa pagpa-piano at iba't iba pang instrumento, hndi lang ang pagiging matalino, hindi lang ang pagiging athletic kung hindi ang kakayanan nyang makisama sa tao, sa edad na 8, yan na ang kayang gawin ni Tazanna" natulala si Christoff sa iknuwento ko, hindi sya nakapagsalita at parang hindi makapaniwala "I did not know that! she never told me!! how cruel!" nakangisi nyang sabi "Well, ang tazanna na kilala mo ay hindi kailanman marunong magyabang"
BINABASA MO ANG
Crashing into You (Season 1)
RomanceWhen love meets mystery would you stay away or fall even deeper?