BELLE's POV
Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang kaya nilang gawin, sa edad namin? parang sobra naman ata ang mga ganitong klaseng biro, paano na lamang kung mas malala ang nangyari sa'kin, pasalamat nalang si Nat at sabi ng nurse na kaharap namin ngayon ay hindi naman daw magkakaroon ng marka ang paso ko sa balikat, mabuti daw at agad akong nakapunta sa kanya at nalunasan agad. "Belle are you sure you're okay? pwede tayong pumunta sa clinic nila mommy, baka kasi magka-scar yan... don't worry they are one of the best surgeons here in the Philippines" sabi pa ni Gabbi sa'kin, "Nako girl, hindi ka na nga masyadong pretty pano pa kapag nagkapeklat na? e di... waley ka na?"
"Hoy bakla, masyado ka naman sa hindi pretty" sita sa kanya ni Gabbi.. "Char lang! sungit mo ngayon girl ah?.. may dalaw ka?" pangaasar pa ni Josh sa kanya.. "Hey Belle, sorry hindi kami nakaawat, natulala kasi kami" si Ivan.. "Ayos lang isa pa hindi nyo naman kasalanan ang nangyari.. hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa mga yon at ganon nalang ang galit nila sa'kin.."
"I'm sorry Belle..."
O.o
bigla naman kaming napatingin sa pintuan.... ang mestiso nilang kaibigan, anong ginagawa nya dito? hindi ba dapat si Nat ang inaalala nya at si Bulldog.. "Oh papa Markus, you're here pala... Hi...." bakit ba lahat nalang ata ng lalaki papa ang tawag nya.. malandi. "Yeah.. honestly.... I was... worried." tila nahihiya nyang sambit, "Worried? sa akin? bakit?"
"Y-Yeah, syempre, it's a hot soup!!" pasigaw nyang sabi,
eh bakit ka galit?
"I'm okay, you should go back.." seryoso kong sabi sa kanya... "Girl ang harsh! dinalaw ka na nga eh... "
"It's okay! I know Belle is kind of upset! hehe" sabi nya kay Josh.. "Hindi ko alam, siguro... but I still don't find any reason for you to worry about me.. lalo na't hindi tayo magkaibigan..." diretso kong sabi sa kanya at kitang-kita ko naman sa reaksyon nya ang pagkapahiya, masyado na kasing dumarami ang mga tao sa paligid ko, sapat na sa'kin ang 1 kabigan well isama na rin nating ang 2 'to sa bilang...
BINABASA MO ANG
Crashing into You (Season 1)
RomanceWhen love meets mystery would you stay away or fall even deeper?